Prolouge

4 0 0
                                    

"I'm giving you ten seconds to pull the trigger." napatingala ako sa speaker. "If you failed, then I guess, I should kill you all." napatakip ako sa tenga ko dahil sa ingay na lumabas mula sa speaker.

"Sino ka ba?" rinig kong sigaw ni Ivan.

"Tangina naman oh!" unti-unti akong napatungo nang marinig ko boses ni Ash.

"I'm so scared," rinig kong sabi ni Nam sa may kaliwa ko.

"Nam?" I said, hoping that it is she.

"Giselle?" Sagot niya at impit na napa-iyak. "Giselle, I'm so scared," sabi niya.

Napatingin ako sa hawak kong baril. Nanginginig ko itong tinitigan. Nasa kaliwa ko si Nam, hindi ko maaaring iputok 'to sa direksyon niya. She's my best friend.

"Calm down. Everything will be alright," pagpapakalma ko sa kaibigan ko.

"No, Giselle. Everything will never be alright," napaluha na lamang ako ng marinig ko ang boses ni Rusty. Ang nobyo kong si Rusty. 

"Rusty, I love you." bulong ko bago itutok sa ulo ko ang baril.

"10."

"Tangina niyo! Mahal na mahal ko kayo!" rinig kong sigaw ni Ash.

Napahagulhol na ko sa iyak. Pati na rin sila.

"9."

"Masaya akong nakilala ko kayo," rinig kong sabi ni Ivan.

"8."

"Mahal... na... mahal... ko... kayo." sabi ni Nam. "Mahal na mahal kita, Rusty."

"7."

"6."

Ang baril na nakatutok sa ulo ko ay ibinaba ko. Ang hagulhol ko na rinig na rinig sa buong silid ay natahimik. Pati na rin ang mga kaibigan kong nakarinig.

"I'm so sorry, Giselle." Rinig kong sabi ni Nam kasabay ng tunog ng paggalaw ng kanyang silya, na isang hudyat na siya ay tumayo.

"5."

"I love Rusty more than you do," sabi niya. "I'm so sorry, but I have to do this."

"4."

Rinig ko ang mga yabag ng paa niyang papalapit sa direksyon ko, hanggang sa marinig ko ang tunog ng paglapat ng nguso ng baril sa salamin na nakapagitan sa'min.

"3."

Napapikit ako at muling itinutok ang baril sa ulo ko. Habang patuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.

"2."

"I love you, Rusty," sabi ko.

"1."

"I'm sorry," sabi ko bago kalabitin ang gatilyo ng hawak kong baril.

Chi Ha Sparato? (Who Shot?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon