Chapter 1

9 0 0
                                    

"Tapos ka na sa plates mo, Nam?" tanong ko sa kaibigan ko, habang natipa sa aking cellphone.

"'Di pa nga e," sabi niya at napabuntong hininga. Napalingon naman ako sa kanya nang bigla siyang humarap sa'kin at nagpa-cute. "Kahit 'di ko tanungin alam kong tapos ka na, tulungan mo naman ako Gess."

"Utot mo! Kaya mo na 'yan! May date pa ko mamaya no!" sabi ko sa kanya at bahadya siyang sinabunutan. 

Nagtatampong lumayo sa'kin ang matalik kong kaibigan.

"Selos na selos na ko Giselle," nagbibirong sabi ni Nam sabay punas sa peke niyang luha. "Lagi na lang siya, kelan naman kaya yung ako naman?"

Natatawa akong lumapit at niyakap siya. "Alam mo ikaw," sabi ko habang yakap siya. "Ang arte arte mong babae ka!" sabi ko sabay sabunot sa buhok niya. 

Gumanti naman si gaga kaya nauwi kame sa tawanan. Natigil lang kame ng dumating ang prof namin para sa last subject namin. Nang matapos ang klase namin ay nagmamadali akong nag-ayos ng aking gamit upang makapunta sa minamahal kong si Rusty.

"Hoy Giselle! Pasabay palabas ng campus!" rinig kong sigaw ni Nam mula sa likudan ng room.

"Oo na! Ingay mo!" sabi ko sabay irap. 

Kasabay nang pagsara ng bag ko ay ang paglapit ni Nam sa'kin. 

"Tara na pokpok," aya ko sa kanya ng makita ang pulang pula niyang labi.

"Wow, kala mo siya hindi!" Ganti niya na may kasama pang pagsabunot.

Nasa forth floor ang classroom namin kaya naman kinakailangan pa namin gumamit ng hagdan. Nang makarating kame ng second floor ay may tumawag sa'min. 

"Gess! Nammy!" sabay kaming napalingon ni Nam sa tumawag, at nakita namin sina Ash tatakbong lumapit sa'min. 

"Aba si Pikachu, pink na pala." pang-aasar ni Nam kay Ivan.

"Gagu! Ang cute naman ng hairlalu mo! Gusto ko din!" sigaw ko at akmang hahawakan na sana kaso umilag agad si bobo.

"Pakulay ka din, para kupal goals tayo," sabi sa'kin ni Ivan sabay akbay. Agad ko di naman tinangal ito kasi, ayaw ni Rusty na inaakbayan ako ng mga gunggong na 'to.

"Saan tungo niyo mga slapsoil?" barumbadong tanong ni Ash.

"San ka ba 'di pupunta?" balewalang tanong ni Nam.

"Anla, ang funny," sabi ni Ash sabay irap kay Nam. "Alam mo ikaw Nam, kaya wala kang jowa kasi ang sama sama ng ugali mo. Pasalamat ka at natitiis ka namin," walang kwentang sabi ni Ash.

"Alam mo Ash, kung ako sayo manghuhuli na lang ako ng pokemon. Aba hoy, kaya ba this year makapagtapos?" pambabara ni Nam.

Nagkatinginan nalang kame ni Ivan at napa-facepalm. Mahaba habang bangayan na naman 'to.

"Kapag ako naging engineer, ipinapanalangin kong di ikaw makasama ko sa isang project. Yun lang din ay kung may kukuha sa'yo bilang archi," ngising sabi ni Ash.

"Ang kapal din ng mukha mong alikabok ka? Excuse me lang ha padaan daw yung DL!" pagmamayabang ni Nam.

"Tara na, nag-aantay na si Rusty sa baba," bulong sa'kin ni Ivan. Tumango naman ako at dahan dahan kaming dumeretso pababa.

"Boba!" rinig kong sigaw ni Rusty. Agad akong lumingon sa kaniya at pinakyuhan. Napalipat ang tingin ni Rusty sa kasama kong si Ivan kaya naman bigla itong natawa.

"Tangina," nanghihinang sambit ni Rusty ng makalapit kami. "Hayop pre ano yan?" halos mahimatay na si Rusty sa pagtawa niya.

"Hello? Jowa here? Wala bang hug diyan? Kiss wala din?" bulyaw ko kay Rusty kasi naman kanina pa tawa nang tawa pinagtitinginan na kami e. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chi Ha Sparato? (Who Shot?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon