V.A.S. 4

383 6 3
                                    

PEOPLE in the house!!!! vote na kayo... and comment. suggest din kayo para sa plot ng story...

-----------------------------------------------------

Katsumi's POV

*kring

*kring

*kring

"hello"

(Kats, san ka?punta ka dito sa tambayan. hihintayin ka namin. BYE!)

toot toot toot...

langya tong si DJ ah. ano na naman bang problema? nakakapagtaka yata...

kakatapos ko lang i-enroll si kath dito. oo, dito rin sya mag-aaral. ewan ko ba dun. sabi ni bree gusto din daw yung course ko. ganun nga yata siguro pagmagkakambal kayo noh? halos pareho kayo ng gusto. wag na kayong magtaka kung bakit sinabi kong kay bree ko yun nalaman, dahil ang totoo nyan, si bree lang talaga ang kinakausap ni kath ng matino. hindi ko naman sinasabing baliw na ang kakambal ko pero kahit papano ay nasasabi nya sa anak nya ang mga bagay na hindi nya kayang sabihin sa iba, kahit sakin. ang sabi ng doktor ni KC ay in state pa rin sya ng trauma hanggang ngayon at mas makakabuti kung hindi muna sya mahiwalay sa bata.

habang naglalakad ako papunta sa tambayan ay nakatanggap ako ng message.

From: Kath

bree wants to buy something. she's waiting for you.

hmmmm.... ano naman kaya ang bibilhin ni bree? hay naku... pag bata ka nga naman. buti sana kung hindi na lang tinext ni kath yun, sana tinawag nya na lang sakin para naman marinig ko ulit ang boses nya. :((

anyways, malapit na ako sa tambayan, nakita ko silang nakaupo sa likod ng hilux ko, nag uusap at kumakain. nakita kong tumingin sakin si JC.

"Hoy! IKAW!!" Jc, at dinuro pa ako.

o_O bakit????

bigla silang tumalon pababa ng hilux at pumunta sa harap ko. tiningnan nila ako ng masama.

o_O ano???

"b-bakit?" ako

"anong bakit?? ha??" Seth, na nakataas ang kilay. tinitigan ko sila isa isa. parang mga imbestigador lang ah. para akong nasa hot seat ngayon. ano ba ginawa ko???

"bakit ba? ano bang ginawa ko?"

"MAY PAMILYA KA NA PALA???BAT DI NAMIN ALAM??"seth

"at may anak ka pa ha!"

"kelan ka kinasal?"

"bakit di namin alam?"

"wala ka ba talagang balak sabihin samin?"

yan ang mga sunod sunod na tanong na narinig ko mula sa mga ungas na nasa harap ko. pero nagtataka ako...

voices and silence [ KathNiel ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon