Lost Stars

14 1 0
                                    

Prologue

"I need to go.."

I ran palabas ng mansion. Wala akong pakialam kung saan ako pupunta. Kung saan ako mapapadpad, dun na lang muna siguro ako. Ang gusto ko lang ay ang makaalis sa lugar na ito.

Paglabas ko ng entrance ay pinagtitinginan parin ako ng mga tao sa paligid. Basta ang gusto ko lang ay tumakbo.

Bigla naman akong nadapa dahil naka heels pala 'ko pero wala akong pakialam, tinanggal ko ito pero nagpatuloy parin. Tapos biglang umulan, sinuswerte nga naman.

Ito ako ngayon, tumatakbo sa gitna ng ulan.

Reason? Hindi ko rin alam.

To escape?

To run away?

From what?

"Nicole, stop!" Rinig kong tawag sa pangalan ko, but no.. I can't stop running.

I just can't.

He's the last person I want to see, touch, or hear right now.

Just the thought of him makes me sick, it makes me cry.

"Nicole, may asthma ka!" I heard him again, but I kept running.

Hindi ko na nga alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. I just want to run away..

"Nicole, please!" He kept shouting to get my attention, but I just can't bear to look at him.

Nararamdaman ko ng hindi ako makahinga, but my tears kept falling and I just kept running.

I tried to hide and to my luck, puro malalaking puno ang nandito.

Ay. Nasa park na pala ako.

Nagtago ako at halatang hindi niya 'ko nakita. Iyak ako ng iyak.

Babaeng may asthma, nasa gitna ng ulan, umiiyak.

Hindi ko na kinaya..

"Nicoleee!" It was the last thing I heard before I lost my consciousness.

Lost StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon