Nicole's:
"..Santa tell me if you're really there, don't make me fall in love again if he won't be here next y--"
Naputol ang pakikinig ko kay Ariana Grande nang may tumanggal ng earphones ko. Ang sarap sarap ng upo ko dito sa stage eh.
"Ano ba?!" Inis kong sabi.
"Hoy nerd wala ka namang ginagawa, bakit nandito ka pa?" Tanong ng kaibigan kong si Alexcis. Nerd daw ako kasi may eye glass, gosh. Hindi. Naalala ko tulpy kung bakit kami napunta dito sa detention.
"Kung hindi mo 'ko dinamay sa pag prank mo kay Caryl edi sana wala ako sa detention ngayon, napagutusan pa tuloy tayo mag set-up ng stage."
"Ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko, Nicx."
"Tse! Dun ka na lang," sabi ko at umalis na siya. Sinaksak ko na ulit yung earphone ko sa tenga ko.
Ah. Baka makalimutan ko, ako nga pala si Princess Nicole Aralar. Kasama sa Class 4-A at nag-aaral ako sa Parker High. Isa 'ko sa masasabi na pinanganak ng mayaman pero hindi ako materialistic katulad ng iba. Simple lang ako, parang typical girl lang siguro.
At anak ako ni Mr. and Mrs. Aralar. Yun lang. Hahaha.
Pinagpatuloy ko ang pakikinig kay Ariana Grande. Hindi pa nakakaisang minuto ay may nagtanggal na agad ng earphones ko. Anak ng kalabasa.
"You're slacking," sabi ng nag tanggal.
"Who the hell ca--" Natigilan ako sa mga sinasabi ko ng nalaman ko kung sino yung nagsalita, si prof pala.
"Ay! Sorry sir. Akala ko po kung sino.."
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Hindi pa ba sapat sa'yo na napunta ka dito sa detention?"
"Eh sir, sa tuwing tutulong ako, pinapaupo na lang ako. Kaya hindi na lang din po ako nag attempt ulit," sabi ko sa kanya with confidence.
"Ah ganun ba?"
"Opo."
"Ah! Alam ko na. Ikaw na lang maglilinis dito ng stage pagkatapos ng concert," sabi niya tapos ngumiti. Hala, ayoko!
"Sabi ko nga po eh maghahanap ako ng magagawa dito," sabi ko at tumayo na.
"Wala ka na bang ibang sasabihin?" Tanong niya at umiling na lang ako.
"Then go to work then!" Sigaw niya at madali akong pumunta sa backstage para maghanap ng gagawin.
Habang naghahanap ako ng magagawa, nakita ko ulit si Alexcis. Nakaupo siya at nagta-type ng kung anu-ano sa laptop niya. Dahil nakatalikod siya sa akin ay may naisip ako, gugulatin ko siya! Pambawi lang.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya para gulatin siya, pero nung sobrang lapit na..
"Hoy Nicx. Itigil mo 'yan, wala kang mapapala kung gugulatin mo 'ko," sabi niya agad.
"Anak ng tokwang baboy ka naman Alex!!" Reklamo ko sabay cross ng arms. Naiirita talaga 'ko.
"Manggugulat ka na nga lang eh sa tapat pa ng laptop screen ko. Nakikita ko yung reflection mo. Medyo tanga po," sabi niya pagkatapos tumawa pero tumawa ulit.
"Alex--" Hindi ako natapos sa sasabihin ko dahil biglang nag ring yung cellphone niya at ako naman itong mabait, hindi ko na pinakinggan yung conversation nila at tinignan ko na lang yung ginagawa niya sa laptop niya. Nakita ko yung Adobe Pro something, nage-edit pala siya ng videos para mamaya. Plinay ko ito at ang gandaaaa.
"Nicx?" Tawag sa'kin ni Alexcis.
"Hmm?"
"Nagpapafavor si Jade sa'tin."
"Oh. Ano daw?" Nilipat ko yung atensyon ko sa kanya at clinick muna yung 'pause'.
"Basta nagpapatulong siya. Kailangan daw niya ng tulong sa lahat ng aayusin kasi kasama daw siya sa magp-perform mamaya."
"Ay, sige sige." Sabi ko at tumayo na.
Natigilan kami ng nakita ko si prof na pumasok sa backstage. Lahat ng mga tao sa loob ay nagtinginan, after ng ilang seconds ay nagtilian ang mga babae na parang nakakita ng artista. Kami ni Alexcis? Bus sa pagaayos ng gamit niya kasi aalis na kami.
Lumingon ako sa mga nagtitilian, yung kasama pala ni prof yung tinitilian nila. Tinignan kong mabuti yung lalaki pero parang familiar yung mukha niya sa'kin. Pati yung pag sway niya ng buhok niya na pinagtilian ulit ng lahat. Ang pogi niya sa malayo. Sana kahit sa malapit. Pero parang kilala ko talaga siya. Biglaan namang napatingin siya sa'kin, isang mata nga lang dahil nahaharangan ng bangs niya yung kanang mata niya.
Kumaway siya sa'kin at may napansin akong scar sa arm niya. Oh no.. It must be..
Hindi, I'm sure na hindi siya yun. Besides, stranger lang siya. Hindi ko siya kilala. But I can't stop staring at him. Yung tipong yung mata mo yung kusang tumititig na kahit ayaw mo eh sumusuway parin. Ganun yun..
I was snapped out of my trance nang kinalabit ako ni Alexcis.
"Let's go? Jade needs us," sabi niya. Tumango ako at umalis ma kami dun at baka makita pa kami ni prof na umaalis. Tyak magagalit yun at iisiping wala na naman kaming ginawa.
Pero gusto ko pa makita ulit yung gwapo eh.
BINABASA MO ANG
Lost Stars
Teen FictionSi Princess Nicole Aralar ay childhood friend ni Jake Richard Smith, kung tutuusin nga eh bestfriend niya ito. Isang araw ay kailangan nilang malayo. After a few years ay nagkita ang dalawa ng hindi inaasahan ngunit lahat ay nagbago, lalong lalo na...