Eizen Gray Castro
4 years ago. Balik tayo sa nakaraan kung paano ko nagustuhan si Aerolle.
Nandito ngayon yung pinsan ko sa bahay. Si Sarah.
Gray? Ano kasi.-Sarah
Ano yun sarah? Bakit?
Okay lang ba na papuntahin ko dito yung boyfriend ko? Kasama niya yung tropa niya.-Sarah
Sige pwede naman.
Otw na nga sila eh.-sarah
Sige sige lang.
Habang nagbabasa ako sa wattpad app ko biglang dumating yung jowa ng pinsan ko at yung tropa niya. Pero diko nalang pinansin bumalik ako sa pagbababasa.
Gray andito na sila.-Sarah
Papasukin mo nalang sila,nagbabasa ako.
Samahan mo ako ah. -Sarah
Lumabas kami ng bahay at tama nga nandito na sila, kaya pinapasok namin sila sa bahay.
"be! Si clyd nga pala at Aerolle" pagpapakilala ni sarah sa mga bisita niya.
Hello sainyo. Upo kayo dito.
Clyd,Aerolle si Gray pinsan ko.-pagpapakilala din sakin ni sarah.
Hi Gray. -aerolle at clyde
Eizen nalang itawag nyo saken. Yan yung pangalan ko.
Ahh sige-Clyd at aerolle
Pagkatapos ng pagkilala sa isat isa bumalik ako sa binabasa ko. Pero hindi ako makaconcentrate kasi ang ingay ng mag jowa.
Hoy be! Kj ka naman. Kausapin mo si aerolle mag usap din kayo jan wag kang kj jan.-Sarah
Eizen?-Aerolle
Op?bakit?
Bili tayo pagkain. -Aerolle
Ha? May stock kami dito wag na.
Tara na bilis.-Aerolle
Bakit kaba nanghihila aerolle?? Gagastos pa tayo may pagkain sa bahay. Bisita namin kayo.
Joke lang. Dito tayo sa labas masyadong malanggam dun.-Aerolle
May point ka nga hahaha.
Habang nagkwekwentuhan kami ni Aerolle ansaya ko. Kasi feel ko close na kami kaagad. Tinanong din niya kung anong mga hilig kong gawin. Tapos may pagkakapareho kami kasi mahilig din siya sa gitara. Napakasaya namin habang nag uusap. Yung akala mo talaga kilala na namin ang bawat isa.
Saang school ka nag aaral eizen?-Aerolle
Ahm St.Claire Academy.
Sosyal pala school mo ha!-Aerolle
Hindi naman. Dun lang ako nag aral kasi dun ang gusto ng mga magulang ko.
Ayy kaya naman pala.-Aerolle
Hanggang sa dumating yung hapon at uuwi na sila. Kaya ayon nag paalam na sa isa't isa.
Bye Eiz! Seeyou next time.-Aerolle
Sige salamat sainyo. Ingats.
Nung nakauwi na sila, walang ginawa tong si sarah kundi asarin ako na nagkakamabutihan kami ni aerolle. Like duhh nakipag usap lang ako dun kasi nga syempre walang kausap.
Fast forward
2 months na kaming magkakakilala, dumating na din sa point na parang gusto ko na si Aerolle.. Christmass na ngayon at magkakasama kaming magkakaibigan. Si Aerolle,Clyd,Cassie,Sarah at ako. Napagpasyahan naming magkakasama kami. Pinaamin na din nila ako kung may gusto ako kay aerolle at ako naman tong si tanga umamin. Kaya ayon nga inasar nila kami ng inasar. Pero nakikita ko kay Aerolle na wala siyang gusto saakin. Diba di din masakit.
Fast forward uli
1 year ko ng gusto si Aerolle at alam niya yon. Pero umiiwas na siya saakin hindi na niya ako gaanong pinapansin. I don't know why? Kasi okay naman kami noon. Siguro nga may iba siyang gusto. Pero ako naman tong habol ng habol sakaniya. Kawawa na ang sarili ko sa totoo lang. Awang awa na ako sa sarili ko.
Fastforward
2 years ko ng gusto si Aerolle Skyler Montañez. See ang tagal tagal na pero parang wala lang ako sakaniya. Hanggang sa...
Eizen? Tigilan mo na. May girlfriend na ako-Aerolle
Tumulo yung luha ko ng marinig ko yan. Tumakbo nalang ako kasi ang sakit malaman na may girlfriend na pala siya. Kaya pala hindi niya ako gusto..pero hanggang sa mag break sila,ako pa din yung nanjan para sakaniya. Mahal ko na kasi siya. Ayoko din siyang nakikitang nasasaktan.
Ngayong 3 years ko na siyang gusto. Andami kong binusted para lang sakaniya. Aware ako dun kasi gusto ko din naman. Okay na kami ni Aerolle pinapakitaan naman na niya ako ng maganda nakikisama na siya saakin at masaya naman kami. Pero kulang pa din kasi hindi pa kami.. Andami ng pagsubok sa buhay pero hindi ko magawang kalimutan siya.kahit na ang sakit sakit na para saakin pero ginusto ko naman to. Bakit ang unfair ng mundo noh?
To be continued.
Sorry kung hindi maganda yung pagkakagawa ng story. Pero sana magustuhan nyo.
BINABASA MO ANG
LIFE IS SO UNFAIR
Short StoryMay isang babaeng mahal na mahal ang taong gusto niya ngunit hindi naman siya gusto ng taong gusto niya.