EPILOGUE

1.7K 103 53
                                    

FLASHBACK

"..See? Naghahanap ka pa kasi ng unique love story eh. Alam mo kasi mars, love doesn't work that way. I mean love--nangyayari lang yun without warning. Gaya ng lindol na biglang dumadating. Gaya ng kidlat na bigla ka nalang tatamaan. It's not how the story goes, it's how you make the relationship work. And I think that's something you should be proud of. Don't tell them how you met, tell them the story of how you end up together despite of the imperfections." Nakatitig lang kami sa isa't isa.

..

"What if--ano uh--isipin nating totoo yun."

"Ang alin?."

"Na may relasyon kayo ni Abby--"

"Sira hahaha. H-hindi mangyayari yun."

"Bakit naman?."

"Reserved na kasi siya para sa Kuya ko." Tanggapin nalang natin ang katotohanan.

"Ba't mukhang di ka masaya?."

"M-masaya ako."

"Hanggang ngayon sinungaling ka parin."she smirked as if alam nya na parang may nararamdaman na ako kay Abby.

..

10pm. Kakatapos ko lang mag-review at magpray. Matutulog na sana ako nang makarecieve ako ng text from Abby.

Have you ever wondered why blue is so uncommon in nature? It doesn't come out as a pigment but only an illusion.

EOFB

5 years later. Today is the day.

"Sela, malelate na tayo sa kasal ng Kuya mo. Ano ba?. Lumabas ka na dyan." Katok ni mommy sa kwarto. Nakabihis nako't lahat lahat pero wala talaga akong balak pumunta sa kasal. Magang maga pa ang mga mata ko sa kakaiyak.

Lumabas nako.

"Ma, pwede bang dito nalang ako? Masama ang pakiramdam ko eh."

"Masama ang pakiramdam o masama ang loob? Anak, wala na tayong magagawa. Nagmamahalan sila ni Abelaine.."

"Ma, sisigaw talaga ako dun na itigil ang kasal."

"Hayaan mo naaa. Tanggapin mo nalang. Mahal mo ang kuya mo diba? Then respect his decision."

"Basta, ayokong pumunta."

"Sela,wag nang matigas ang ulo."

Peep peep.

"Halika na, naghihintay sila sa baba."

"Pero maaa."

"Halika na." Hila nito sakin. Wala nakong ibang choice kundi ang pumunta sa lecheng kasal ni Kuya at Abelaine.

Pagdating namin sa harap ng simbahan, sinalubong ako agad ni Cherprang. Isa kasi siya sa bridesmaids.

"Ba't ngayon ka lang? The ceremony is about to start." Sabay hila sakin papasok. Ano bang problema ng mga tao ngayon? Bigla nalang talagang nanghihila. Tsk.

Nagsimula na kaming maglakad. Si Kuya nasa harap na para maghintay sa bride.

I see trees of green
Red roses too
I see them bloom
For me and you
And I think to myself
What a wonderful world

Habang naglalakad ako, iyak lang ako nang iyak. Sino ba namang hindi? Ito na yung pinakakinakatakot ko eh. Ang makasal si Kuya kay Abelaine.

Siguro nga hindi sa lahat ng panahon happy ending. Hindi lahat ng bida sa storya nagkakatuluyan.

Sela's Collection of Clichés (SEBY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon