Maaga akong nagising dahil ngayon ang unang klase namin. Senior High School ako ngayon at kabilang rin ako sa Section A.Namlantsa muna ako ng aking Uniporme bago maligo. Pag katapos kong gumayak ay pumunta narin ako sa kusina upang kumain ng Almusal. Nakita kong nakaupo ang aking bunsong kapatid sa hapag kainan at nag uumpisa na itong kumain ng tinapay at uminom ng paborito nitong kape.
"Magandang Umaga Anak! Kumain kana dito at baka malate pa kayo nitong si Sandro" sabi ni Papa. Sinunod ko naman ang sinabi nito at naupo na sa hapag kainan.
"Magandang Umaga Pa!"
Sumandok na ako ng kanin na pakiwari ko ay kagabi pa at kumuha ng isang pritong itlog na nakahain sa lamesa, nag madali narin akong kumain dahil 7am ang umpisa ng klase namin at 6:30am na ngayon, mag lalakad pa kase kami ni Sandro papuntang eskuwelahan.
Grade 10 na ang kapatid ko at ako naman ay Grade 12 Student na, ang kinuha kong kuro ay ABM.
"Ate Bilisan mo! Ayokong malate sa unang araw ng klase!" Pag mamaktol pa ng kapatid ko kaya sinamaan ko ito ng tingin at nag madali ng kumain.
"Pa! Alis napo kami!" Paalam ko sa aming Ama at nag madali na kami ni Sandro palabas.
Malapit lang naman ang eskuwelahan namin sa bahay, Public School lang din iyon pero kumpleto na, may Elementary School, High School, Senior High at syempre ang College.
Habang nag lalakad kami ni Sandro ay madami rin kaming nakakasabay na mga Estudyanteng papasok na sa Paaralan.
"Ate punta na ako sa building namin" pag papaalam ng aking kapatid at tipid na tango lamang ang ibinigay ko rito.
Nakahawak pa ako sa strap ng aking bag bago nag patuloy papasok sa building ng mga Senior High School Student.
"Sandra!" Isang sigaw ng pangalan ko ang narinig ko kaya naman napalingon agad ako.
"Oh! Ciello!" Agad akong lumapit sa kaibigan at binigyan ito ng isang mahigpit na yakap.
"Ang tagal nating hindi nag kita ah!" Sabi nito at nag lakad na kami.
Agad naman akong tumango sa kaibigan dahil mahigit dalawang buwan din ang Summer Vacation ng Paaralan at lumuwas din sila sa Maynila kaya hindi rin kami nakapag bonding nung bakasyon.
"Kaya nga eh! Kailan pa kayo nakauwi?" Tanong ko dito.
"Nung isang araw lang, balak ko nga sanang pumunta sainyo kaso hindi ako pinayagan ni Mama" sabi nito at napakamot na lang sa kaniyang ulo.
Si Ciello ang kaibigan ko mula pa nung Elementary kaya sobrang close narin ang pamilya namin, naging mag kaibigan narin ang Papa niya at ang Papa ko kaya madalas ay ako ang pumupunta sa bahay nila o kaya naman siya ang dumadayo sa amin.
Nakarating narin kami sa tapat ng section namin, Section A rin si Ciello, madalas kaseng kaming mag aral ng sabay at paborito rin niya ang Math kaya bagay na bagay sa strand na kinuha namin.
"Sana may bago tayong kaklase!" Tiling sabi ni Ciello bago ako hinigit papasok sa loob ng silid aralan.
Madami narin ang nasa loob ng silid at may kaniya kaniya na silang ginagawa, hindi rin bago ang kanilang mga itsura dahil naging kaklase na namin sila ni Ciello nung nakaraang School Year.
"Ang ingay mo!" reklamo ko sa kaibigan dahil sobrang lakas nitong tumili, hinampas naman nito ang braso ko bago kami naupo sa pinili niyang pwesto.
Nasa pinakalikod ito kaya mas okay rin, ayoko kaseng umupo sa unahan dahil ako lagi ang nakikita ng aming Guro kapag recitation.
BINABASA MO ANG
Love Countdown
Teen FictionIsang simpleng tao lamang si Alessadra, tahimik, mahinhin at matalino. ngunit nag bago ang lahat ng makilala niya ang isang mayabang na lalaki na taga Maynila, wala itong ibang ginawa kundi ang guluhin ang tahimik niyang buhay. ngunit sa hindi inaas...