Chapter 2

3 1 0
                                    

Calix Keane Dy's POV

"Who is it babe? I didn't expect any visitor to---" napahintong sabi ni Elle nang makita ako

Huminto ang aking mundo sa mga narinig at nakita ko. Ang sakit sakit na malaman na ang aking minamahal ay mayroon na palang minamahal na iba. Parang gusto ko umiyak sa aking nalaman, ngunit nilakasan ko ang aking loob. Hindi pwede na makita nila ako na mahina

"Hello Elle! Im here to give you this, here!" sabi ko kay Elle at ngumiti ng peke.

"Calix" nasabi nya na lang na parang natatakot

"Why?" pekeng ngiti ko paring sambit

"Im sorry" malungkot ngunit natatakot na sabi nya. Sht ang sakit para akong sasabog, kahit lalaki ako may damdamin pa din ako

"For what? Because you didn't expect me here kaya napapunta mo dito yung BOYFRIEND mo?" may diin kong sabi

"Btw, what's your name dude?" baling na tanong ko sa boyfriend nya

"Sorry, Im Edward Antioné" pakilala nya sakin ng nakangiti

"Nice meeting you! Sige na Elle, aalis na ako baka nakakaistorbo na ako sainyo e" paalam ko kay Elle. Ayokong ipahalata na nasasaktan ako

"Cal, Im sorry please let me explain" parang nagmamakaawa si Elle sa akin. Sht nasasaktan ako makita syang ganyan pero mas nasasaktan ako sa ginawa nya

"Explain what? hahahaha" tanong ko at tumawa ng peke. Mukhang malungkot ang itsura nya, di na sya sumagot. So I took the opportunity para magpaalam na sakanila, hindi ko na kaya

" Sige na alis na ako. See you next time, bye!" paalam ko sakanila at naglakad na palaya. Nararamdaman ko na nakatingin pa din sa akin si Elle at parang gusto nya ako habulin.

Tumulo na ang mga pinipigilan kong mga luha galing sa aking mata, hindi ko na talaga kinaya

Sumakay ako sa kotse ko at dali daling pinaandar tsaka umuwi. Mabilis akong nakarating sa aming bahay dahil sa bilis ng pagmamaneho ko

"Hello baby! kamusta yung pagpunta mo don? Sinagot ka na ba?" excited na tanong ni mommy. Ngunit tinignan ko lang sya

"Why baby? Ano nangyarii?" nagaalalang tanong ni mommy

"Nothing mom, Im just tired. Please let me rest first" walang gana kong sagot

"But baby--"

"Please mom? Im just tired. Matutulog po muna ako, wag nyo na po ako intayin na kumain. Hindi ako kakain, I love you" niyakap ko si mom at umalis na din agad tsaka pumasok sa kwarto

Humiga agad ako dahil wala talagang gana yung katawan ko. Sobrang sakit ng nalaman ko, parang namamanhid na yung buong katawan ko dahil sa nararamdaman ko.

Bakit ko ba nararanasan 'to? Ang sakit sakit aa. Kinuha ko yung wallet ko at tinignan yung picture na nakalagay dito at tsaka tinigan

"Bakit mo nagawa sakin 'to Elle? Pinaramdam ko naman sayo yung tunay kong nararamdaman, bakit nagawa mo pa din sa akin 'to?" kausap ko sa picture nya

Umiyak ako ng umiyak habang tinititigan ang litrato na hawak ko. Nagmumukha na akong bading nito, pero hindi ko na ata kayang magpanggap na malakas dahil sa mga nangyari sa akin.

Iyak ako ng iyak at di ko namalayan na nakatulog na pala ako

Kinabukasan..

Nagising ako ng maaga, halata sa mga mata ko na umiyak ako. Pumasok ako sa cr at naghilamos tsaka nagtoothbrush. After non ay lumabas na ako para kumain ng breakfast

"Goodmorning baby!" nakangiting bati sa akin ni mommy, pero halata sakanya yung pagaalala nya

"Morning too mom" tipid kong sagot

"Ano ba nangyari dude?" tanong ni kuya ngunit tinignan ko lang sya. Kaya tinakip sya ni mommy na ang ibig sabihin ay wag ng pagusapan yon

"Sorry" sabi nalang ni kuya

"Aalis tayo later. Bibili na tayo ng gamit nyo" sabi ni daddy sa amin

"Ahm Dad pwede ba hindi na muna ako sumama? " tanong ko sakanya

"Hindi pwede. Kailangan mo sumama, dahil may mga gamit na hindi nalalaman ng iba kung ano ang para sayo" sagot ni daddy

"Ha?" tanong ni kuya. Nalabuan din kasi ako e hays

"Wala. Basta sumama kayong dalawa dahil kailangan na nandon kayo" sabi ni daddy

"Hays, oo na nga po" sabi ko nalang

Kumain na ako at pagtapos ay nagpaalam na para gumayak

"Tapos na po ako kumain, gayak na ako" paalam ko sakanila. Di ko na inintay tawag nila at umalis na

Hindi ko na alam kung sumagot pa sila dahil mas mabilis pa sa alas kwatro ang pagalis ko

Gumayak na ako ng labag pa din sa aking kalooban. Pagtapos ko gumayak ay bumaba na ako matagal tagal din ako gumayak, kaya sigurado ay tapos na sila

Bumaba na ako at gaya nga ng inaasahan ko ay nakagayak na sila tapos ako nalang ang iniintay

"Let's go" aya ni daddy sa amin

Sumakay na kami medyo malapit lang naman kaya nakarating din kami agad. Pero nakakapagtaka bakit parang wala namang mall dito at ang tanging nakikita ko lang ay kubo

"Dad magpipicnic ba tayo? HAHAHAHAHAHA" tumatawang sabi ni kuya

"Nope. Dito tayo bibili ng mga kailangan nyo" sagot ni daddy

"Wag nyo sabihin na dun sa kubo na yon tayo bibili, e kaliit liit HAHAHAHAHAHA" tawang sabi ni kuya. Nakakatawa naman kasi talaga

"Wag ka tawa ng tawa. Sumunod ka nalang samin." Sabi ni daddy sa kanya, kaliit liit naman jasi talaga para bumili dyan ng mga gamit, iisang kwarto lang ata meron tss

Nakarating kami sa kubo at kumuha si dad sa coat nya ng kahoy. Parang wand ganon ba

"Alohamora!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

La Sorcellerie L' UniversitéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon