STRANDED BEAUTY

219 3 4
  • Dedicated kay Barbie Mellogo
                                    

                                                 

PROLOGUE

        

Lumubog ang barkong sinasakyan ni Raymond sa gitna ng kanilang biyahe patungo sana sa probinsiya ng kaibigan niya. . . At sa malas, hindi siya nakasakay sa rescue boat na ipinadala ng shipping lines.

         

Natagpuan na lamang niya ang sarili sa isang isla kasama ang isang babaeng tinawag niyang “Betty La fea” dahil sa taglay na kapangitan nito.Lalo siyang natuwa ng ipinangalandakan nitong “Beauty” ang pangalan nito. Natitiyak niyang hindi boring ang pagkaka stranded niya sa islang iyon.

          

Pero matatawa pa kaya siya kung mahuhulog

siya sa tulad nito?

“Raymond and Beauty”

CHAPTER

I

         

Iminulat ni Raymond ang mga mata. . .nakadama siya ng pamimigat ng katawan. Naalala niya, lumubog ang barkong kinasasakyan niya at ilan lamang ang nakasakay sa rescue boat na dumating. . .sa malas, hindi siya napasama sa mga ito. Pero nagpapasalamat pa rin siya dahil buhay pa siya. . .

        

Tinantiya niya ang sarili kung kaya niyang bumangon. Grabe para siyang binugbog ng ilang tao,sa pakikipaglaban sa mga alon. Pero nang malapit na siya sa dalampasigan, hindi na niya kaya ang pagod. . .kaya nawalan siya ng malay at . . .

        

Napatigil siya at napakunot-noo. . .inilibot ang mga mata sa paligid, parang kagubatan itong kinaroroonan niya ah. . .paano siya nakapunta doon? Alangan naming tinangay siya ng hangin doon. . .

         

Kumilos siya para bumangon. . .ilang araw na ba siyang walang malay? At sino ang nagdala sa kanya sa gubat? Baka naman may mga amazonang nakatira sa gubat na ito at binihag siya? Pero wala naman siyang gapos at well. . .napatingin siya sa kanyang kasuotan. . .napakunot-noo pa siya nang makitang fit na fit iyon sa kanya. Parang

damit pambabae?

         

Napangiti siya sa naisip. . .Umandar ang pagiging mahilig sa mga babae. Well. . .kung may mga amazon nga sa kagubatang ito natitiyak niyang moderno na ang mga ito, basi sa ipinasuot na damit sa kanya. Pero mas okey naman at pabor sa kanya kung nakabahag lang sila. . . hehehe. Mas seksi nga ang ganun eh. . .

        

Napalinga-linga siya ng may nadinig na mga tunog ng mga paang parang may tinatapakang mga tuyong dahon. Nahagip ng mga mata niya ang mga damit na nakasampay sa mga tuyong sanga ng kahoy sa di kalayuan kabilang ang t-shirt niya at dalawang life jacket. Ibig bang sabihin survivor din ang kasama niya? At babae? Lumapad ang ngiti niya sa naisip. . .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

STRANDED BEAUTYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon