Our Love Story

9 0 0
                                    

Umuulan na naman kahit patapos na ang klase at papalapit na ang summer, umuulan pa rin ng walang tigil.

Nakamasid lang ako sa labas ng classroom habang maingay sa tuwa ang mga kaklase dahil inaasahang wala ang next subject teacher namin na si Mrs. Cruz, medyo may katandaan na rin ito at tuwing umuulan ay hindi na nagtuturo dahil nasa kabila pang building ang faculty office nila at nasa ikatlong palapag ang aming classroom.

Last exam na namin ito ngayong araw kaso di pa kami makakauwi dahil nga sa ulan.

Napatingin ako sa harap ng biglang tumahimik ang mga classmates ko.

"Okay grade 11, since  wala si Mrs. Cruz ngayon ako ang napag-utosan nyang mag-substitute bilang proctor sa exam nyo ngayon" nakangiting anunsyo ni Rafael sa amin at tumingin sa akin? O nagkamali lang ako..

Grade 12 student si Rafael. Siguro inutusan sya ni Mrs. Cruz. Maraming nadismaya pero mas maraming tumuling mga babae kong kaklase, kung sabagay gwapo, matalino, magaling makisalamuha si Rafael. Madaming nagkakagusto rito kahit pa mga college students na mga babae sa kabilang school. Pati mga guro ay paborito sya. Habang ako di na nga kagandahan di pa katalinohan

"Get one and pass" ngumiti na naman ito at pasimpleng sumulyap sa banda ko o gunu-guni ko lang ulit iyon. Imposible kasi. Di na nya pinansin pa ang mga tilian, sanay na siguro sa ganitong sitwasyon

Nagsimula na kaming mag-exam. Dahil nga sa hindi katalinohang si ako, medyo natagalan ako sa pagsagot. Dalawa na lang kaming natitira ni Rafael.

Sumasagot pa ako ng may napansing nakalahad na payong sa harap ko. Nagtatakang napaangat ako ng tingin

"B-bakit po kuya?" Sabi kong nauutal dahil sa gulat at kaba na rin, I have a silent crush kay Rafael pero binalewala ko lang kasi parang ang taas nya kumpara sa akin

"Lalong lumalakas ang ulan" nakangiting sabi nya

Pinamulahan naman ako ng pisngi dahil sa ngiti nyang yun, nagkunwari na lang akong tumingin sa labas para maiwasan ang mga mata nya at di nya mahalata na namumula ako

"Gamitin mo muna ito" lahad nya ulit sa payong

"Ah salamat na lang kuya, baka wala ka ng magamit" sabi ko dahil nakakahiya naman talagang tanggapin ang payong, tsaka bakit nya ako nilalapitan? Hindi naman kami magkakilala ah

"Okay lang ako, Monique. Ayaw mo bang tanggapin? Nangangawit na ang kamay ko oh" pabiro nyang sabi

Paano nya nalaman ang pangalan ko?

"Paano nyo po nalaman ang pangalan ko?" di ko maiwasang magtanong

Ngumiti lang sya at tinanaw ang test paper kong sinasagotan. Pinamulahan ako ng mukha dahil may pangalan ko pala sa papel, naging assuming ako sa part na yun ah

Humalakhak sya na nagpabigla sa akin

"Ang cute mo talaga," bulong nya na di ko masyadong narinig

"P-po?" baka maging assuming na naman ako this time

Ngumiti lang sya at umiling. Baka nga guni-guni ko lang na sinabihan nya ako ng cute

Pinasa ko na lang ang papel ko kahit di ko nasagotan lahat, di ko rin tinanggap ang payong nya dahil sa hiya at baka wala na rin syang gagamitin pa. Laking pasalamat ko na lang ng medyo tumila na ang ulan.

Kinabukasan pumasok na si Mrs. Cruz dahil di umulan ng hapon na iyon, medyo nadismaya ako ng di si Rafael ang pumasok.

"Ang nakakuha ng malaking puntos sa last periodical exam kahapon ay si Lyka Monique Nivara" nakangiting anunsyo ni Mrs. Cruz

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko habang ako ay nagtataka, di ko naman natapos sagutan yun kahapon ha

Naisipan kong lapitan si Mrs. Cruz nung paalis na ang lahat

"Ma'am pwede po bang malaman sino nag-check ng testpapers namin kahapon?" tanong ko ng makalapit

"Si Rafael, bakit?" sagot ni ma'am habang nag-aayos ng gamit

"Wala naman po, salamat ma'am" nauna na akong umalis dahil naisipan kong mapuntahan si Rafael para sana magtanong

Bumaba na ako sa unang palapag ng building dahil doon ang room nang mga grade 12 students.

Nakita ko si Rafael sa pinto ng pintuan nila kasama ang mga kaklase nya ring mga lalaki. Lakas-loob akong lumapit kahit pa nahihiya

"A-ahm kuya Rafael, pwede ba kitang maka-usap?" tanong ko

Bigla namang nagsalita ang lalaking kausap nya kanina

"Di ba sya si Monique, pare?" tanong nya kay Rafael.

Napatingin ako dito na nagtataka dahil alam nya ang pangalan ko, wala naman akong suot na ID ah

"Tumahimik ka, Robert-" sagot ni Rafael na naputol dahil biglang sumigaw yung Robert

"Sya nga! Yung crush mo na grade 11!" tatawa pa ito at tinutukso si Rafael

Napamura ng mahina si Rafael dahil siguro sa kakulitan nung Robert.

Namula naman ako bigla sa narinig. Si Rafael, crush ako?? Parang imposible naman ata

Napakamot naman ng batok si Rafael na animo'y nahuli sa kasalanang ginawa

"Umalis na nga kayo!" pabiro niyang takwil sa mga ito, agad naman silang tumalima habang tumatawa dahil sa tinawag ko raw'ng 'kuya' si Rafael

Tiningnan nya ako na parang nahihiya, pansin ko rin ang tenga nyang namumula.

"A-ano kasi, magtatanong lang sana ako kung bakit ako ang pinakamataas sa exam kahapon.. di ko naman yun natapos sagutan" nakayukong tanong ko ng kami na lang dalawa ang naiwan

"Tinapos ko" sagot nya

Napaangat ako ng tingin dahil don

"H-ha? Bakit?"

"Ayokong bumagsak ka" nakangiti nyang sagot na parang maliit lang na bagay ang ginawa nya

"H-ha? Bakit?" natawa naman sya

"Wala ka bang ibang sasabihin kundi bakit?" humalakhak pa ito, buti na lang wala ng ibang tao na naglalakad sa hallway

Nahinto rin sta sa pagtawa, tumingin sa akin ng seryoso

"Gusto kita." walang alinlangan nyang sagot.

Dalawang salita na yan ang nagdulot ng kapulahan sa buo kong mukha, natameme lang ako habang kaharap sya

"And I want to court you, Lyka Monique Nivara. Sa ayaw at sa gusto mo"

And with that, I said YES.

Our love story isn't perfect, maraming pagsubok ang dumaan at alam kong pagdadanan pa namin simula sa araw na ito. But I promise from this day on, I will love and understand him. Dahil sa testpaper na yun, umamin ang ngayon ay magiging asawa ko na. Habang papalapit ako sa kanya sa harap ng Panginoon ng buong-buo at walang pag-alinlangan.

----------

I hope you like my story!
Please do follow me 😊

Test Paper (one-shot story)Where stories live. Discover now