KABANATA 3

7 1 0
                                    

07/17/21





"Goodbye class see you on Wednesday. Magkikita kayo ng P.E teacher niyo so wear your P.E uniforms."


"Goodbye Mrs. Rosal." Yumuko kami at inayos na yung gamit namin para makakain na kami. Tinignan ko si David kausap niya si Czarina kaya lumapit ako ng kaunti sa kanila at nagpanggap na kinakausap yung kaklase namin para marinig yung pinaguusapan nila.


"Uuhhmm....nagkita ulet tayo." Masayang sabi ni Czarina.


"So, dito ka pala nag-aaral. Magkaklase din tayo," Sabi naman ni David sabay ayos sa buhok niya para maiwasan yung awkward sakanilang dalawa.


Nung pagkaayos niya ng bag niya ay hinawakan nito ang kamay ni Czarina, "Kamusta na pala kamay mo?" Hindi ko na hinintay magsalita si Czarina lumabas na agad ako sa room para doon magantay.


Mga five minutes lumabas na si David at bigla akong hilablot ni Czarina, "Teh siya yung sinasabi ko sayo!" Sabay yogyog saakin kaya pinakalma ko siya. 


"Anong sinasabi mo?" Nilapit niya muka niya saakin at nanlalaki mga mata niya. "Yung crush ko!" Pabulong niyang sabi saakin, napatulala nalang ako sa sinabi niya at nilingon si David. Inaantay siya nito habang nakangiti sa dereksyon namin kaya tinignan ko si Czarina na nakatinign din ito sa kanya. "Hindi muna ako sasabay sa iyo, niyaya kasi ako ni David na sabay na kumain, okay lang ba?" Tumango nalang ako dito at ngumiti sa kanya "Okay, sige goodluck sa 'iyo marecakes!" Pagchecheer ko sa kanya.


Hindi na ako bumaba dahil wala naman akong kasabay kaya tinitigan ko nalang sila sa baba  nakita kong sabay sila maglakad ni Czarina at tinitignan sila ng mga tao may nagbubulungan meron namang kinikilig sa kanila. Umupo nalang ako sa upuan ko at yumuko. Inantay ko nalang matapos yung oras ng recess.


"Ohh ito kumain kana." Tinaas ko yung tingin ko at nakita ko si Jerome nakatayo sa gilid ko.


"Hindi ko kailangan yan busog pa ako."


"Okay sabi mo, mango flavor pa naman tong juice na to at corndog with potato toh sayang."biglang naglaway yung bibig ko sa narinig ko at tinignan siya.


"Sure ka ayaw mo nito masarap to promise!" May pataas pa ng kamay ang loko.


"Si--sige na nga akin na!" Sabay halad ng kamay ko sa kanya. Ngumiti siya at binigay den niya saken yon.

Too Soon To Say GoodbyeWhere stories live. Discover now