Nagising na lamang akong tanging malaking tshirt lang ni James ang suot. I looked at the rumpled sheets bago tinatamad na hinila ang aking katawan palayo sa kama.
Summer na ngayon at dahil walang pasok ay malaya akong maging tamad. James was there to take care of me anyway.
Hindi pa man ako nakakaabot sa sala, rinig na rinig ko na ang boses ni James. "Dude, ayusin mo naman."
He was seated on the couch at seryosong nakatingin sa TV, his fingers flew over the controllers habang naglalaro siya ng video game.
"Muntik na 'yon ah!" Nakilala ko ang boses ni Juan mula sa TV.
Sabay siguro silang naglalaro.
A couple of grunts of agreement from their other friends were heard bago bumalik sila sa pagkakaseryoso.
"Good morning!" I greeted and pressed a kiss on his cheek. Nagulat pa nga ako nang nagawa niyang hulihin ang aking labi.
"Oy Spencer! Nakikipaglaplapan ka ba diyan? Ang dugyot!" ani Ricci.
Natatawa akong lumayo sa kanya before I settled on his lap. Inayos niya ang pagkakaupo so that I was snuggled between both of his arms pero sakto namang nakikita niya pa rin ang nilalaro.
"Good morning," bati niya pabalik. "How was your sleep?"
I smiled at him. "Perfect."
"Gutom ka na ba? Do you want me to heat the food for you?" Hinawi niya ang buhok ko sa isang balikat.
"No! No! Maglaro ka muna diyan. I can wait." Pakiramdam ko'y makakatulog na naman ako dito sa posisyong ito dahil sa kung gaano ito ka-komportable.
Ipinagpatuloy nga niya ang paglalaro while I made myself comfortable in that position. Mukhang malapit na sila matapos nang magsalita ulit si Ricci. "James, magpaalam ka na."
I looked up at James beside me who glanced at me for a while before returning his gaze to the screen.
"Ikaw, magpaalam ka na rin." Tumawa siya. "Sorry, I forgot you broke up."
Nagsitawanan sila habang si Ricci naman ay nagmumura dahil sa inis. When they finally settled down, James turned to me. "Can we go to a bar the day after tomorrow? Nag-aaya sina Kobe."
Hindi na ako nagulat na iyon nga ang ipinaalam niya. Wala namang nangyari para magpaalam siya sa amin. A fight wasn't involved.
Bigla na lang dumating ang araw na sinisigurado niyang alam ko kapag nagba-bar sila ng kaibigan niya. And I appreciate how he wants me to be involved in his life kahit sa ganito.
"Of course."
Ipinagpatuloy niya ang paglalaro hanggang sa may ginawa siyang ikinainis ng mga kasama kaya nakatanggap siya ng iilang mura.
Hindi pa nga natatapos sa pagsasalita ang kanyang mga kasama'y pinatay na niya agad ang TV at nilagay ang controller sa gilid.
"Anong nangyari?" I asked, nang hinawakan niya ang aking bewang at inikot ako para nakaharap ako sa kanya.
"I killed us off," he nonchalantly said.
Hindi ako mahilig sa mga video games kaya hindi ko maintindihan kung paanong siya ang naging dahilan ng pagkatalo nila. "Why?"
"It was taking too long to finish." He was looking at his thumb which was rubbing on the hickey he gave me on my shoulder.
"O tapos?"
"I can't focus properly when you're sitting on me." Hahalikan na sana niya ako nang itinulak ko palayo ang kanyang mukha.
"Susunduin pa natin sina Riss diba? Magbibihis na ako."
BINABASA MO ANG
Like Falling Rain // James Spencer FF
FanfictionUAAP FF 4 Something about the rain has always awed Arya Aevangeline Santos. She loved to hear its soft patter on rooftops, loved the feel of raindrops on her skin and most of all, she loved the memories that came along with it. Halos lahat ng mahaha...