CHAPTER FOUR

1.2K 26 11
                                    

                                        * * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


                                        * * *


Napa tingin lang ako sa laptop ko at kulang nalang ay itapon ko na'to sa labas ng bahay. Kanina ko pa tintitigan yung umiikot na mallit na bilog sa screen kung saan "loading" yung naka lagay. Oo, kaninang umaga pa walang signal dito at halos maubosan na ako ng pasensya sa lintik na signal ngayon, kung kalian sobrang kailangan ko nang e check yung web site ko kung may mga order na ba sa mga bra at panty na binibenta ko sa online, ngayon pa nag loko 'tong connection.

Napag disyonan ko na pumunta nalang ng bayan at baka sakaling doon ay may mahagilap akung signal. Kaagad naman na akung naligo para maka alis na. Nilagay ko na rin yung laptop ko sa bag at nag paalam na rin ako kay tita na aalis muna ako ngayon pupuntang bayan, gusto sana nitong isama ko si Alex dahil baka daw mawala o maligaw daw ako 'don  at baka ano pa ang magyari sa akin sa bayan. Pero kaya ko naman na yung sarili ko at medyo kabisado ko naman na yung daan.

Hindi na ako nag pa hatid kay Alex sa sasakyan nila at nag commute nalang ako sakay ng tricycle papuntang crossing at mula sa crossing ay sasakay ka ng jeep doon papuntang bayan. Kailangan ko rin sanayin itong sarili ko na maging independent para kahit papaano ay malaman ko kaagad yung mga pasikot sikot dito sa lugar nila.

I'm just wearing a small short today kung saan naka lantaran talaga yung mga legs ko kahit sobrang tirik na tirik yung araw. Naka T-shirt lang din ako na plain white at suot ko yung kulay pink ko na bag pack, feeling ko tuloy pupunta akung outing at mag swimming with friends. Habang nasa jeep, lahat ng tao dito'y sa akin naka tingin para bang may dumi sa mukha ko na kailagan kung tanggalin dahil nakakaabala sa paningin nila.

"Sa maynila ka ba nanggaling ining?" Tanong sa akin nong matanda na katabi ko dito sa loob ng jeep. Tumango lang ako at ngumite. "Artist ka ba 'don?" Pag tatanong ulit nito. Kaloka si lola lakas maka boy abunda. Daming tanong e, akala mo talk show, pero okay lang naman sa akin.

"Naku lola hindi po. Ordinaryong mamayan lang din po ako." sagot ko nito. "Ang ganda mo ining. Naalala ko yung apo ko sayo. Kasing ganda mo rin." Maganda nga pero nagawa parin lokohin. Tsk.

Napansin ko naman yung lalaki sa harapan ko na kanina pa naka tingin sa akin, especially sa legs ko kaya tinakpan ko kaagad ito ng bag na gamit ko ngayon. Mukha siyang nasa 30 years old at medyo kulobot na yung balat. Tinititigan niya ako na parang bang may binabalak na masama. Alam kung minamanyak niya ako sa tingin pero hindi ko ma imagine na papatol ako sa isang mantanda at mukhang nag aalalaga ng manok para pang sabong sa darating na fiesta. Mas gustohin ko nalang mag pakasal kay Kenneth ulit at hindi na baling lunokin ko nalang yung pride ko.

Nasa bayan na ako at ngayon ay nag hanap na ako ng isang coffee shop kung saan merong wifi. Nag ikot ikot muna ako dito hanggang sa nakita ko yung Joe's Coffee. Kaagad naman akung pumasok 'don at nag order ng isang cappuccino at isang slice ng mustard cake at may pa free wifi nga sila dito.

Nag simula na akung mag sulat sa mga pangalan at address nong mga taong nag order sa akin ng  mga panty at bra sa isang maliit na notebook.

"Can I join you?" Nabaling yung atensyon ko sa isang lalaking nag tatanong kung pwede ba daw siyang maki upo dito sa table ko. Napa tingin naman ako dito sa loob ng coffe shop at halos occupied na nga lahat ng mga upoan at dito nalang yung may bakante.

The Billionaire's ProposalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon