CHAPTER 10: Domestic Abuse

391 36 25
                                    

LUCAS

Napatingin ako kay Tiago nang sabihin 'yon ng kaniyang kapatid na babae. Ako ang nasa drawing ni Tiago? Bakit naman niya ako iguguhit?

"What did she say?" Pabulong kong tanong sa kaniya at tila nililinaw ang sinabi ng kapatid niya. Nakakahiya naman kung ipaparinig ko pa sa harap ng magulang niya.

"Ah, kumain na muna tayo mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo," kalmado lang na pagkakasabi ni Tiago habang nakalapat ang ngiti sa kaniyang labi bago niya tinuon ang sarili sa pagkain.

Hindi naman agad ako nakakain nang maayos dahil sa iniisip ko kung ano 'yung tinutukoy na drawing ng kaniyang kapatid na babae. I had an idea in my mind, but I immediately washed it away.

"By the way, hijo taga-saan ka pala?" nakangiting tanong naman sa'kin ng mama ni Tiago. For some reason, those stares kind of made me tremble with nervousness.

"Ah, hindi ko pa po kasi kabisado 'yung lugar dito sa Cavite, kalilipat lang po kasi namin nitong nakaraang buwan," nahihiya ko pang pagtugon sa kaniya.

"Gano'n ba? Kumusta namang kaibigan si Tiago? And how long did you know each other?" Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan samantalang ang bait-bait naman ng kanilang pamilya. They always smile and the ambience of their house is very peaceful and mind-setting.

"It's nice to meet your son po and a very well raised person. Nitong pasukan lang din po kami nagkakilala," pagsasabi ko naman ng totoo.

"Hmm, okay." Nakangiting pagtatapos ng mama ni Tiago sa aming usapan.

"Mabuti naman kung gano'n. Sige kumain ka pa nang niluto ng asawa ko," biglang singit naman ng tatay niya.

"Papa, I can't imagine how awesome kuya is in terms of art. Isipin mo 'yon, a month before the start of your class ay napapanaginipan mo na siya tuwing gabi tapos out of nowhere ay nai-drawing mo siya?" Nakangiting pagpuri ng bunsong kapatid ni Tiago na may halong pagdududa pero bakas sa boses nito ang labis na paghanga.

"Bunso, mamaya ka na magsalita kumakain pa tayo," mahinang pagsaway naman ni Tiago sa kaniya.

"May girlfriend ka na ba? Wait, ano ba munang pangalan mo?" sunod na tanong ng papa ni Tiago.

"Ako po si Lucas at wala pa po akong girlfriend."

"Really? You are a good looking guy, sayang naman kung wala kang mapagmamanahan ng lahi mo," natatawang sambit nito sabay kain sa pagkain na nasa kaniyang harapan.

Why is it getting uncomfortable?

"Ano ka ba, Paolo? Magdahan-dahan ka naman sa sinasabi mo, bata pa naman sila para sa ganiyan." Pagsaway naman ng mama ni Tiago sa asawa niya.

"Ay, pasensya naman, nadadala lang ako dahil masyadong mabait itong kaibigan ng anak natin." Sabay tingin nito sa'kin. Binigyan ko naman sila ng isang pilit na ngiti dahil nahihiya talaga ako.

Dumaan pa ang ilang minuto hanggang sa tuluyan na nga kaming matapos sa aming pagkain. Muli kaming bumalik sa kuwarto ni Tiago dahil ipapaliwanag niya pa sa akin 'yung sinabi ng kapatid niya kanina.

"Diana? Kailangan ba talaga makisama sa usapan namin?" pagsasaway ni Tiago sa kaniyang bunsong kapatid nang sumunod ito sa amin.

"Hindi naman. Sige po, bababa na ako," malungkot na pagkakasabi nito at saka tuluyang lumabas.

"So, ano nga 'yung tinutukoy niya?" agad kong tanong sa kaniya nang kaming dalawa na lang ang maiwan dito.

"Umupo ka na muna saglit at ipapaliwanag ko sa'yo lahat." Hindi naman na ako nagtanong pa sa halip ay umupo na lang ako sa gilid ng kama niya at naghintay sa kaniyang paliwanag. Pumunta siya saglit sa kaniyang study table at may kinuhang papel doon.

I WAS LEFT BEHIND Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon