By: peachy__ ♕
--All rights reserved 2014--
Dear you,
Hi? Naaalala mo pa ba yung mga masasayang alaala natin? Yung mga bagay na masaya nating binuo magkasama? Grabe noh, halos isang taon na ang nakakalipas pero tandang-tanda ko pa yung mga araw na yun. Parang kahapon lang nangyari lahat.
Tsaka naaalala mo pa rin ba nung una tayong nagkakilala? Natapunan kita ng iniinom kong kape nun, hahaha! Grabe napaka cliche ng ganung unang tagpo. Galit na galit ka nun. Halos sumabog ka sa galit dahil halos malapnos yung makinis at maputi mong balat, grabeng sorry ang ginawa ko nun. Pero dahil mabait ka, tinanggap mo agad ang sorry ko.
Naging magkaibigan tayo.
Nung mga panahong kasama kita at gulong-gulo pa ako sa nararamdaman ko yun na ata ang mga pinaka masasayang araw sa buhay ko. Ang sarap pagmasdan ng mga ngiti mo, napaka natural, Ang ganda mo kasi. Araw-araw akong nahuhulog sayo, sa mga simpleng 'pag ngiti mo lang halos lumundag na ang puso ko.
Isang araw nagtapat ako ng nararamdaman ko sayo, kung gaano mo na nabihag ang puso ko, kung gaano ito kabilis tumibok sa 'twing lalapit ka sa akin, sa 'twing ngingitian mo ako. Parang lumulundag sa saya ang puso ko. Mahal na kita.
Sobrang saya ko din ng araw na yun, kasi ang sabi mo..
''Kaiden.. mahal din kita''
Grabe, nagtatalon ako sa tuwa nun, kasabay ng paglundag ng puso ko. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nung araw na yun.. Ang mahal ka din pala ng taong mahal mo.
Makalipas lang ng isang buwan ng suyuan may importanteng bagay kang sinabi na halos ikaiyak ko.
''Sinasagot na kita..''
Di ako makagalaw, di makakilos, di makahinga. Sobrang saya ko.
Masaya ang mga araw na opisyal ng tayo, yung mga panahong masasabi kong akin ka na.
Pero di ko alam na isang pangyayari ang sumira sa lahat.
Isang aksidente.
Aksidente na binago ang lahat.. aksidente na sa isang iglap bigla ka nalang mawawala sa akin. Halos gumuho ang mundo ko. Halos mabaliw ako.
Isang buwan kang naka-coma, at pagkagising na pagkagising mo agad kitang niyakap miss na miss kasi kita.
''Jade???!!!! Thank god at nagising ka na, kamusta? May masakit ba sayo? Teka!!! Tatawagin ko ang doctor!! ''
Patalikod na sana ako ng magsalita ka, isang tanong na hindi ko inaasahan, isang tanong ng sobrang nagpakabog ng dibdib ko.
''Sino ka? Bakit ako nandito?''
Halos manghina ako sa tanong mo, bigla nalang ako nakaramdam ng mainit na tubig na unti-unting lumabas sa mata ko.
Wala kang maalala. Ang sakit. Ayaw mo akong kausapin, dahil hindi mo ako maalala.
Yung mga pinagsamahan natin, nabura lahat sa isang iglap. Na tanging ako nalang ang nakakaalala.
Isang taon, isang taon na ang nakakalipas, pero hindi ka na bumalik sa akin. Kahit anong gawin ko, ikaw mismo ang tumataboy sa akin. Tapos eto, mababalitaan kong ikakasal ka na.. ikakasal ka na sa taong mahal mo. Sana ako yun eh.. sobrang miss na kita. Araw at gabi ikaw lang ang iniisip ko. Na magpakahanggang ngayon, ikaw parin ang sinisigaw ng puso ko. Ikaw parin ang tinitibok nito. Masakit, pero wala na akong magawa, ikaw na ang nagdesisyon. Ikaw na ang pumili, at nirerespeto ko iyon.
Hanggang dito nalang, congrats nga pala. And,
I love you.
--All rights reserved 2014--
By: peachy__
Author:
Ginamit ko lang yung character name nina kaiden at jade ng 'memories in my heart' sa storya na 'to. Hindi ito buod o ano. Ayun lang.