Unang Yugto: Ako nga pala si Llana Marie Leona Joanna Felicidad Incarnacion...

189 1 0
                                    

Chapter 1:

Llana

-

   Nag lalakad ako sa corridor, binabati kung sino man ang maka salubong, mapa teacher man o studyante, at buti bumabati sila pabalik. Naka ngiti at handang harapin ang bawat pag subok ngayong araw.  Mapa math man o ano! Kayang kaya! Kaso may isang problema, bakit madaming tao sa corridor at ang ingay?  Tinignan ko ng mabuti, mga babaeng nag titilian. May transferee ulit?

-

   Hi! Ako si Llana Marie Mendoza, 15 yrs old,  Grade 9 sa Saint Theressa Academy, at nasa Class A.  Member ako ng Glee Club, at current standing sa Top 50 ay 30.  Wow... Isa rin akong model na baguhan.  Nag pakita na bilang extra sa ibang Teleserye, (nag lalakad sa back ground habang nag dradrama yung bida kung bakit masama ang mundo, tapos kung sa kaling may surprise yung bida sa Girl friend niya, yung taga bigay nang rose, yun!), at ibang commercial din ng mga toiletries, sabi ni mommy wag daw pagkain baka daw mawili ako at tumaba. 

    Madaming palayaw sa akin Lia, Marie, Ms. Mendoza, LM, Performer, at ang pinaka nakapag tataka, Peymus? Madaming tao ang lalapit sa akin at sasabihin, "OMG, ang ganda mo sa personal!" o kaya, "Miss, pwede ko ba mahingi number?" minsan mga corny na pick-up line. Natatawa na lang ako pag sinasabi nila yun sa akin, mahirap kaya ang buhay ko.  Aral mode tuwing week days, modelling tuwing weekends, diet araw-araw, at desisyon bawat minuto.  Mukha ba yun masaya? 

-

   Pinilit ko maka singit sa mga tao na daig pa ang tiange sa mall at nakalabas. At may nabunggo ako,  isang lalakeng hindi ko pa nakikita kahit kailan. Napansin ko ang nahulog na headphones, at ang naka tingin sa aking mga mata.  Pwera dun wala nang iba. 

"Miss, okay ka lang?" tanong niya. 
"Huh?" 
"Miss?" 

  Walang nang iba... 

"Miss okay ka lang ba?"

 Walang iba kung 'di ang...

"Miss, sorry ah, hindi ko nakita yung dinadaanan-"

     Wala iba kung 'di ang... ORAS! Putek na yan malalate na ako!  Agad akong tumayo at kumaripas ng takbo. HIndi ko kayang mabihiran ng kung anong tardiness ang malinis kong record- ika-mamatay ko iyon!  Binilisan ko sa stairs, wala na akong pake kahit naka palda ako. Ayoko ma late sa first class ko!

"Miss sandali lang!" sigaw ng lalake.

     Mamaya na lalake, makakapaghintay pa yan pero hindi si Mrs. Dalisay (Adviser / Chemistry teacher namin / terror ng Grade 9)!  Ang mas malala pa third floor ang classroom namin at  nasa first floor pa lang ako.  Pinilit kong tiisin ang pawis na tumutulo, sa aking noo, mamaya ko nalang sa room pupunasan at mag papabango na lang ako.  Malapit na bumigay ang mga binti ko at parang kakalas, ang bilis na nang heart rate ko, at hingal na hingal ako, sana makaabot pa ako.

       Walang haba ng corridor ang pipigil sa isang nag mamadaling estudyante na mayroong terror na adviser.  Pinihit ko ang door knob at nakita, wala pa si ma'am. Hay, salamat. yun lang ang kayang kong isipin, Thank you the Lord, at hindi pa ako late! Lumapit sa akin ang best friend kong si Mary, para batiin ako ng "Magandang Uma-"

"Lia, nagawa mo yung assignment sa Science?" tanong niya.
"Oo, nandito sa bag-"

       Kinapa ko ang gilid ko at walang hand bag naka sabit.  Tinignan ko ulit at hindi makapaniwala ang dalawa kong mata. Nawawala ang bag ko na mayroong mahahalagang bagay at ang assingment ko! Paano ko naman yun mawawala, eh kanina hawak hawak ko lang yun tapos-

"Hala! Nahulog ko!"  sigaw ko na parang baliw at lahat nag si tinginan sa akin.
"Yung alin?"

    Agad akong lumabas para hanapin sa first floor ang bag ko, pero may nabangga ulit ako.  

"Aray! Tumingin ka nga?!" sigaw ko at tumakbo papalayo papunta sa first floor.

-

"Pero miss na sa akin yung bag mo."

Mr. Famous Meets Ms. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon