Chapter 2:
Luigi
Nasa loob ako ng kotse at naka dungaw sa bintana. Nasa likod ang back pack na panay notebook at libro ang laman. Nasa bulsa ang wallet, pera na naman ang baon ko. Siguro dahil hindi siya luto ni mommy, o dahil hindi ko type ang Japanese Delicacy ng chef namin.
-
Ako si Luigi M. Mercado, 16 yrs old, grade 9. Isa akong model para sa, Genesis Clothes Apparel and Accessories. Maaring nakita niyo na ako sa mga billboard, commercial o kaya sa mga TV show bilang supporting character. Pero kahit ganun, isa parin akong "rising star", na may 7,000 likes sa official fan-page sa Facebook, na hindi pa nag-gu-guess sa isang Talk Show.
Ni hindi pa nga ako na sali sa mga mall tour, eh. (Yung love team lang daw, para mag trending) O kaya'y na sama sa mga magazine covers o interviews. Kaya baka pag tapak ko sa school na yun, hindi ako dadamagin nga mga tao dun. Safe!
-
Bumaba ako ng kotse. Pumasok sa school, at sinuot ang head phones ko. Tumutugtog ang paborito kong banda. Base sa ID ko papasok ako sa Section C, asar ang panget ng ID pic ko. Yun rin ang araw na akala ko tama ako...
"Yun ba si Luigi Mercado!" sigaw ng isang halatang First Year na babae.
"Ha! Oo nga, sya yung classmate ni Jared dun sa Got to Believe in Forever!" dagdag pa ng isa."Oh my Geeeee! Siya nga!"
"Ang cute niya sa personal!!!"
"Gusto ko ng buhok niya!"
At dinumog nila ako ng walang atubili. Hindi ko naman kasi alam na ganito ang mang yayari sa first day ko sa school na ito! Tumakbo ako, kahit na hindi ko alam kung saan ako papunta, at dahil nga hindi ko alam kung saan ako papunta gad akong nawala at na corner ako nila.
"OMG!!! Ang hot niya sa personal!"
"Shemay! Grabe ang hot niya!"
"Sayang hindi ko dala poster niya, hindi ko tuloy mapapasign!"
"OMG! I am totally tweeeeeeeeeting this!"
"hashtag may hottie celeb sa school!"
Parang ako isang kuting na walang kalaban-laban sa mas malalaking pusa.
"Kilala niyo ako?" tanong ko na sobrang hindi obvious.
"Sinong hindi nakakakilala sa anak ni Jericho Mercado, na model pa sa pinaka-in na Genesis Clothes Apparel and Accesories na nag pakita pa sa mga teleserye!" sagot ng isang babae
Kailangan kong makatakas bago pa ako malate. Kaya ginawa ko ang isang bagay na hindi ko gagawin ulit. Agad kong kinuha ang laman ng bulsa ko at binato sa kung sino man."Na sa akin ang panyo niya!"
"Gurl, akin na yan!!!"
At nawala ang atensyon nila sa akin at nakatakas ako.
"Sa wakas makakapasok na rin ako." aking bugtong hininga.
Nag lakad ako ng dahan-dahan upang hindi mapansin, ninja moves kung tawagin. At sa sobrang ninja moves ko, naka bunggo ako. Na nahulog earphones ko, at na tumba at napatingin na lang sa taong naka bangga sa akin. At kahit ako ang nabangga ako pa ang nag kaganang mag tanong,
"Miss, okay ka lang ba?"
"Huh?"Tumayo na ako, at inayos ang sarili, nag kagana pa ako mag-sorry
"Miss sorry ah, hindi ko tinitignan yung dinadaanan ko."
Naka titig pa sa kawalan na parang na kabunggo ng teacher.
"Miss?"
No response, buhay pa kaya 'to?
"Miss?"
"Oh my gad!"
At bigla siyang tumakbo papalayo, at nabunggo ulit ako. Bakit ganun? Hindi ako galit at nag kagana pa akong isauli yung bag niyang na hulog niya at hinabol ko papataas na kahit gaano pa kahaba, hinabol ko pa rin. Ewan ko nga, kung bakit, eh. Parang may weird na feeling, ano ba tawag nila ulit dun?
"Miss sandali lang!" sigaw ko, malay mo tumigil.
Pero hindi.
Ano yung tawag nila sa feeling na yun?
Pero kahit na anong bilis ko nawala ko siya.
Anong feeling ulit 'to?
Bigla nalang may bumukas na pintuan, nandon ulit siya. Ewan ko nga, nag slo-mo lahat, yung pag lipad ng buhok niya, yung pag flex ng legs niya, lahat nag slo-mo. As in lahat! Sa sobrang slo-mo, na bangga niya ulit ako.
"Aray! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw niya, at agad na kumaripas ng takbo.
At mabilis na siyang nawala.
Ayun, tama! "Tama" ang feeling na ito.
"Pero miss na sa akin ang bag mo!" tinawag ko siya, pero hindi bumalik.
May lumabas na isa pang babae sa room, at agad na napansin ang bag.
"Sa best friend ko yan ah! Bat na sa 'yo?" tanong niya
"Nahulog niya, susuli ko sana kaso, nilagpasan niya ako." sagot ko.
"Ah, bigay ko na lang. Si Lia talaga! Naku! Nag-uulyanin na!"
"Sino?"
"Si Lia, best friend ko, akin na yung bag niya, bibigay ko na lang. Kuya?"
"Luigi. Luigi Mercado."Naka ngiting inabot ang bag.
BINABASA MO ANG
Mr. Famous Meets Ms. Perfect
Romance"Noong unang panahon, ang Capulet family ay may anak na babae na nag ngangalang, Juliet. Ang Montague family naman ay may anak na lalakeng si Romeo. Nag mamahalan sila, kaso pasekreto dahil mag kaaaway ang dalawang pamilya. Ngayon si Juliet gusto ip...