My Mistake

95 0 0
                                    

~ I've waited for something to come and here it was right here in front of me.~

Monday nanaman. Andito ako sa school kasama ang mga kalog at baliw kong kaibigan at andito kami ngayon sa field dahil naghahanap nanaman ng chixx tong mga silais kong kaibigan.

Hindi ako interesado sa ginagawa nila kaya tahimik lang ako hanggang sa nakita ko siya at nagbago ang lahat.

Tinanong ko ang mga kaibigan ko kung anong pangalan niya at kanila naman akong sinagot.

Audrey Olivia daw ang pangalan ng poging babaeng yun. Dun pa lamang nakadama na ko ng kakaibang pakiramdam. Crush ko na yata siya!! Shetengpalaka!!! Oo crush ko na nga siya.

Naging stalker niya ako. Tuwang tuwa ako kapag nakikita ko siya. Ansaya saya ko kapag nakakausap ko siya. Hindi siya snob, masungit, at mataray. Simple lang siya at masayang kausap. Hindi ako nahirapang makibagay sa kanya.

Araw, linggo, at buwan ang nakalipas pero hanggang ngayon ay kausap ko pa rin siya. Heaven dba? At mas lalong heaven sa pakiramdam nung napasama ko sa listahan ng mga kaibigan niya!! Napakaswerte ko dahil ang taong iniistalk ko lamang dati ay kaibigan ko na ngayon.

Ngunit habang tumatagal ay parang may iba na sa pakiramdam ko. Yun nga lang naging Sweet kaming magkaibigan.

At naguguluhan na ko ngayon sa nararamdam ko tinanong ko ang kaibigan ko tungkol dito at ang kanyang sinabi ay hindi na basta kaibigan o crush lamang ang turing ko sa kanya at hindi na kami isang simpleng magkaibigan. May mas malalim na ang pagtingin namin sa isa't isa dahil sa paraan ng aming pag uusap.

Huminto ang mundo ng marinig ko yun shet. Naguguluhan ako.

Kaya ba masaya ako tuwing nakakausap ko siya? Kaya ba naiinis ako pag di ko siya nakikita? Kaya ba naiinis ako pag may ibang tao na nagkakagusto sa kanya?

Shete!! Dun ko lamang naintindihan ang nararamdaman ko. Mahal ko na nga siya!! Mahal ko na ang taong iniistalk ko. Mahal ko na yung crush ko. Mahal ko na yung taong imposibleng mahalin ako pabalik.

Pinigilan kong umamin dahil may mga tanong na umiikot sa ulo ko..

Parehas ba kami ng nararamdaman? Mahal niya rin kaya ako? May pag-asa ba ko sa kanya?

Tinago ko yung nararamdaman ko. Hindi ko ito pinaalam sa kanya. Dahil alam kong imposibleng maging kami.

Tiniis kong itago ang nararamdaman ko dahil ang tanging alam niya lang ay crush ko siya hanggang doon lang at hindi sosobra hindi ko naman akalaing mahuhulog ang loob ko sa kanya.

Maayos na ang lahat kaya lang tila tinalkshit ko ang sarili ko. Inamin ko rin sa kanya ang nararamdaman ko at mahal niya rin daw ako!! Shems. Heaven na sana. Ayaw niya pa daw pumasok ulit sa isang relasyon, at hindi pa daw siya handa.

Saklap nuh?

Nasaktan ako nun. Umiwas ako ng ilang araw sa kanya.

Linggo ang nakaraan bago ko siya kausapin ulit. Doon ko lamng napagtantuan na hanggang dun lamang kami wala ng iba pa.

Hanggang sa naging maayos na rin ang lahat. Oo mahal namin ang isa't isa ngunit hindi Kami.

Masaya na kami sa kung anong meron samin. Ang mahalaga mahal namin ang isa't isa.

I love you Audrey.

Im Ma. Elaine Leloure now signing off~

A.N./

Dedicated to: Elaine Cayas

Hi guys!! Sorry slow update. Sana po magustuhan niyo!!!

Like Comment and Vote

-Strawberry

Our Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon