Makalipas ng isang linggo naming pananatili sa aming probinsya matapos ang libing ng aming ina ay agad na rin kaming umuwi ng mga kapatid ko sa Laguna. Dahil may naiwan silang trabaho roon at gayun din naman ako ay kailangan ko na ring bumalik sa aking pag aaral dahil nahuhuli na rin ako sa mga Aralin na kasalukuyan pa lang akong nasa third year high school pa lang noon. Malungkot kaming lahat sa pagkawala ng aming ina dahil di na namin maibabalik pa ang buhay nya. Kahit ayaw ko pang bumalik sa Laguna ay napilitan na rin akong umuwi. Pawang Mga tahimik kami sa loob ng bus na sinasakyan namin, kung minsan may pakonting Biro kaming naririnig mula sa aming panganay na kapatid na nagdudulot ng kaunting kasiyahan sa amin at sandaling babalik na naman sa katahimikan. Siguro naisip lang ng aking Kuya (panganay Kong kapatid) na maibsan kahit papano ang sakit na nararamdaman namin habang kami ay nasa byahe. Nang makarating na kami sa wakas sa bahay namin matapos ang halos anim na oras na byahe. Para bang pakiramdam namin kami ay pagod na pagod. Sumalubong agad sa amin ang aming malapit na tiyahin (kakatandang kapatid naman ni tatay) na may ngiti sa labi kahit alam nyang kami'y nadadalamhati, itinuturing ko na ring pangalawang Ina ang aming tiyahin kahit buhay pa noon si nanay dahil sa pagiging malapit niya sa pamilya ko, isang bahay lang ang pagitan namin mula sakanila at kapag may kailangan kami ay agad naman nila kaming tinutulungan. Bumungad samin ang lamesang may lamang Isang pinggan na puno ng kain at tatlong itlong na may kasama ring Hotdogs na niluto pa nya bago pa kami dumating, naalala ko hindi pa nga pala kami kumakain ng agahan dahil umalis kami ng 4:00 ng umaga at katanghalian na rin kami nakating noon kaya agad na rin kaming kumain ng walang kagana gana. Hindi man ako nakaramdam ng gutom ng mga oras na yun at tanging nais ko na lamang ang magpahinga matapos ang mahabang byahe. Hiyaan na lang kami ng aming tiyahin na matulog dahil alam nyang may pasok pa ang aking dalawang kapatid sa trabaho (night shift) samatalang ako ay nagdesisyon na lang na wag na munang pumasok, nagpadala na lang ako ng excuse letter sa aking malapit na kaibigan na kaparehas ding nag aaral sa pinapasukan kong school.
Makalipas ang siyam na araw mula ng mamatay ang aking ina. Ninais ko na makita muli sya kahit sa panaginip lang. May paniniwala kasi hanggat wala pang 9 days mula ng mamatay ang Tao ay na nanatili pa rin sila rito sa lupa at minamasdan ang kanilang naiwang mahal sa buhay dito sa lupa. Sabado ng umaga nagising ako dahil may kumatok mula sa pinto, dumating na pala kuya ko mula sa trabaho, dahil wala namang pasok noon mas ginusto ko na lang na bumalik ulit sa pagkakatulog. At doon ko na nakita ang aking ina.
Umiiyak ako noon at gustong gusto Kong puntahan si nanay sa sobrang sama ng loob ko dahil habang nasa panaginip daw ako noon ay umaaway sakin na di ko alam ang dahilan kung bakit. Hindi ko alam kung san ako papuntang eksakto lugar habang umiiyak ako, basta sumakay ako ng tricycle at tumigil na lang sa isang bahay. Pumasok ako agad sa loob at ang binuksan ko ang isang pinto sa harap ko, bumungad sakin ang kulay puting kwarto, nakaupo noon si nanay na nakangiti sakin habang nakasandal sa kulay puting pader sa kanyang higaang puti . Hindi ko na inintindi kung nasaan kami noon, pero pakiramdam ko parang nasa hospital kami dahil sa nakikita kong kulay puting kwarto, masaya ako noon dahil akala ko'y nakarecover na noon si nanay. Niyakap ko sya habang umiiyak ako, doon ko naramdaman na, safe ako at kinocomfort nya ako . Ramdam ko ang init ng katawan nya habang yakap ko siya. Nagising na lang ako bigla na basa ang gilid ng aking mata. Nakita ko si kuya nanonood sa Tv habang katabi ko. Sabi ko Kay kuya " kuya napanigipan ko si nanay kanina.. " kaya bigla kong naalala pagkasabi ni kuya sakin ng.. " Mag tirik ka ng kandila , pa 9 days nga pala ni nanay ngayon. "
naalala ko rin noon nasa hospital pa noon si nanay, akala namin nakarecover na si nanay nung time na yun dahil nakapagsalita sya nun kahit sandali at nagpakitang gilas pa nga samin sa pamamagitang nagpakukuwento kahit na hindi na tuwid ang pagsasalita nya noon. Yun pala huling sandali ko na pala masisilayan ang kadaldalan ng aking ina. Kaya napagdesisyonan ni kuyang magpaalam muna at may pasok pa sila kinabukasan kaya pabayahe na kami ng gabi, nagpaalam na rin ako Kay nanay kahit alam kong tulog sya at sinabi sakin ni tatay ang bilin nya na sabihin ko daw Kay nanay bago ako umalis ,kinuha ko ang singsing ni nanay at sinuot ko sandali, at nagpaalam "nanay nasakin singsing mo itatago ko muna ha?" Sabay halik ko sa noo ni nanay saka kami umalis. bago kami umalis sabi ko kay kuya naiwan ko yung jacket ko sa bahay kaya bumalik ako pero habang naglalakad ako pabalik naaamoy ko ang amoy ng bulaklak ng ilang-ilang hanggang sa pabalik na ako sa pinag aantayan nila sakin ay naaamoy ko pa rin ang bulaklak na yun kahit wala naman akong nakikitang nakatanim sa dinada
![](https://img.wattpad.com/cover/225019261-288-k520130.jpg)
BINABASA MO ANG
KATATAKUTAN STORIES COMPILATION
TerrorAng mga kwentong nakapaloob dito ay mula sa totoong karanasan ng bawat indibidwal na binahagi lamang ng mga aming masusugid na mambabasa sa aming Facebook Page. Hinihiling ko lamang ang malawak na pang unawa at respeto sa paniniwala ng bawat isa. H...