True story 13 : CAL

15 2 0
                                    

from UPD, and it happened during my freshman year, first sem rin. Question po muna-- ang CAL Building po, bago lang diba?

Sa girl's CR kasi ng CAL ito nangyari, 4th floor. 7 am yung class ko, foreign languages (Italian 10) and I was the very first to come to class. Taga Angono ako at uwian kaya umaalis ako sa house ng 5 dahil at often times, 2 hours ang byahe plus traffic. Eh madaling araw kaya maaga akong nakakarating, mga 6. 6 o'clock din naman kasi nagpapapasok yung mga guard.

So yun, nag-CR ako. Madilim. Patay yung ilaw. I thought it was normal kasi may girl na nagsususklay in front of the mirror kaya keri lang, di na ko nag abala maghanap ng switch, iihi lang naman ako saglit. So, I went inside one of the cubicles and did what I had to do. Yun lang.

Di ba, pag ihing ihi ka na tas nailabas mo, mapapa-sigh of relief ka? So yun, parang napa-"AHH" ako habang umiihi.

Kinilabutan lang ako ng may biglang naki-duet!

"AHH!" said a voice from behind, at ramdam na ramdam ko yung hininga nung kunsino mang yon sa batok ko!

I froze. Ayoko gumalaw, baka pag lumingon ako o ano, makita ko siya (whoever/whatever that thing is). Dahan dahan ako tumayo, zipped my shorts and gathered the strength and courage that's left of me to open the door. SYEMPRE HINDI AKO MAGFAFLUSH. Intentional ito, hindi talaga ako lilingon. Syempre natatakot na ko ngayong alam kong may something sa likuran ko. Pero ayoko namang buksan ang pinto just to find some bleeding person/ghost/entity/whatever there in front of me.

So pumikit ako. Saka ko binuksan yung pinto. Dumilat lang ako nung makalabas ako ng cubicle at napatitig sa harap ng mirror, seeing this girl behind me, nakasilip lang yung ulo niya from MY CUBICLE and she was smiling! Alam mo yung ngiting demonyo? Di ko maipaliwanag yung itsura-- alam nyo na yun!

Nagtatakbo na ko palabas ng room habang sinisigaw ang pangalan ng mga kaklase ko, "BIM! JOSHING! JOHN!" O kung sinuman na kilala kong baka andun na rin noong mga oras na yon.

Nagsi-CR pa rin ako sa CAL, di naman ako nadala. Pero I make sure na may ibang tao (more than 1 person), bukas ang mga ilaw at hindi gabi, o madaling araw. Saka I make sure na while oing my business, kinakausap ko yung tao sa labas, para wala nang mag attempt na kausapin ako sa loob, if you know what i mean. lol.

PS. Diba mostly, ang mga multo, nagpaparamdam sa lugar na namatay sila? May namatay na po ba sa CAL? Isn't it a new building?

KATATAKUTAN STORIES COMPILATION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon