Chapter 28

2 1 0
                                    

Clarisse's POV
   "Oy Warren saan mo ba ko planong dalhin ha?" Tanong ko dun sa lalaking palakad lakad lang sa harap ko, kase naman kanina pa kami naglalakad bigla bigla na lang syang liliko. Ang layo na namin sobra sa school.

"Basta sumunod ka na lang dami mo pang tanong eh." Tugon nya naman saken. Matapos ang ilan pang biglaan nyang mga liko at pagtawid nakaabot kami sa isang park, mapuno dito at ang peaceful. Dinig na dinig mo ang paghampas ng hangin sa mga dahon ng punong malalaki. May mga batang masayang naghahabulan at nagtataguan, dinig na dinig mo ang bawat impit na tawa ng mga nakatago at mga hagalpak ng mga batang tumatakbo para hindi mataya. Hinila ni Warren ang kamay ko, at kahit nakatalikod pa rin sya saken ay pansin ko ang pagngiti nya. Mukhang dito sya lumaki. Nagpunta kami sa nagtitinda ng corndogs, ang tagal ko ding naghanap ng ganito meron pala dito!

"Ate apat nga." Nakangiti nyang sabi sa tindera na kanyang inabutan ng forty pesos.

"Uy teka isa lang kakainin ko." Sabi ko sakanya medyo busog din kase ako eh.

"Oo nga. Yung tatlo akin lahat yun ang kapal naman nito, kung gusto mo ng isa pa ikaw na magbayad wala na kong pera." Sabi nya habang takam na takam na nakatingin sa nilulutong corndogs. Inirapan ko na lamang sya kahit di sya nakatingin. Natawa na lamang din sa amin si ateng nagtitinda. Nang maluto na yung corndogs ay ibinigay nya na samin ito at naupo kami sa swing na nasa loob din ng park na iyon. Hindi ka maiinitan kase maraming puno kaya mahangin tsaka yung sinag ng araw ay kakaunti lang sapagkat sumisingit singit lang sila sa siwang ng mga dahon ng puno.

"Hindi ko alam na may ganito palang lugar dito. Pano mo nalaman tong lugar na to?" Tanong ko sakanya.

"Di ko rin alam. Dito lang talaga tayo dinala ng paa ko, buti na lang napansin ko tong lugar na to." Sagot nya saken.

"Hala ka! Seryoso yun?! Eh pano yan?! Kung dinala ka lang dito ng paa mo, eh malamang di mo na alam yung daan pabalik!" Gulat kong tanong sakanya. Aba't pano kami makakauwi nyan?!

"Ayun nadali mo, di ko nga alam yung daan pabalik, baka ikaw alam mo?" Tanong nya pabalik saken. Na tinugunan ko ng isang malakas na kotong.

"Malamang di ko rin alam! Pano yan?! Pano tayo makakauwi?! Warren naman!" Irita kong sumbat sakanya. Eh kase eh parang timang pano na yan? Bigla naman syang humagalpak at tumingin sa akin.

"Biro lang malapit lang kase to sa bahay namin, dito kami palaging naglalaro dati ni kambal, actually hanggang ngayon dito pa rin kami tumatambay." Kumalma ako dahil sa narinig ko. Baliw talaga bwiset sya. Napatango na lang ako nang malaman kong dito pala sila nagbobond ni Klyde... bakit naman ang lakas ng tibok ng puso ko? Napatingin ako sa corndog at kay Warren.

"Uy ayos ka lang ba?" Tanong ko sakanya baka may kung anong nakahalo dito sa corndog eh, ang bilis ng tibok ng puso ko nung nagkwento sya eh.

"Huh? Oo naman, baket mo naitanong?" Tanong nya rin pabalik saken. Ano kayang nangyayari?

"Ahh wala wala." Sagot ko sakanya at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko. Kinalaunan naubos na yung corndog ko pero sya may dalawa pa, ngayon ko lang narealize pero gusto ko pa pala ng isa. Kinuha ni Warren yung isang corndog na nasa plastic at tinulak saken yung plastic na kung saan nakalagay yung huling corndog. Tinignan ko sya nang may pagtataka.

"Kainin mo na yan, mabubusog na ko eh." Sabi nya at tumayo kaya dali dali kong kinuha ang corndog at kinain ito, ito ang kain kain namin habang naglalakad ulit, dinadaanan namin lahat ng nadaanan na namin kanina. Matagal tagal na rin ang paglalakad namin at kanina pa namin naubos yung corndog, isang nakakabinging katahimikan naman ang pumagitna sa amin, ngunit parang di alintana ito nung isang lalaki sa harap ko kaya di na lang din ako nagsalita.  Nakarating kami sa tapat ng school at tumingin sya sa orasan nya.

"Sakto. Halika na pasok na tayo. May exams pa tayo." Sabi nya habang umaakyat dun sa dinaanan namin kanina.

"Eh? Akala ko ba di na tayo magtatake ng test? Kala ko bukas na lang?" Pagtataka ko habang umaakyat na rin at sumusunod sa kanya.

"Ako ayos lang saken kung di ako makapag test ngayon, pero kung madadamay ka dahil saken. Ayoko nun kaya bilisan mo na." Sabi nya mula sa kabilang bahagi ng pader nakatawid na kase sya eh. Tumalon ako at naglandin ng nakatayo. Napakababa lang din naman kase ng paglalandingan namin eh. Naglakad na kami patungong room. Nakasabay pa namin yung susunod naming teacher na magpapatest. Akala ko ang tagal tagal na namin sa labas hindi pa pala umabot ng isang oras iyon. Nakipag kwentuhan lang si Warren kay ma'am dahil sipsip sya- este mahilig talaga syang makipag usap sa mga mas nakakatanda. Pagdating namin sa room ay iba na rin ang seating arrangement, naka pwesto na sila sa kung ano man ang seating arrangement sa last subject kung saan katabi ko si Ginalyn.

"Oy ano ginawa nyo ni Warren? San kayo nagpunta?" Tanong agad ni Ginalyn pagkaupo ko pa lang. Chismosa si ate ghorl, chour.

"Sa park na medyo malayo dito. Kumain kami corndog nilibre nya ko." Sabi ko kay Ginalyn.

"Ayy weh? Wawa ka naman tinakam ka nung baliw na yun no? Isa lang binigay nya sayo sabay tatlo sakanya para matakam ka? Jusko gawain nya na yan niisa sa amin never nyang binigyan napaka damot pagdating sa pagkain." Sabi naman ni Ginalyn na aking kinagulat.

"Actually binigay nya saken yung isa. Busog na daw sya eh." Napatingin ng mabilis agad saken si Ginalyn nang may halong pagdududa ngunit nang mapansin nyang di ako nagbibiro ay napatingin sya sa may likod kung nasan si Warren.

"Never pang namigay yun ah, napakadaya talaga sinigurado nya na ikaw lang kasama para walang ibang hihingi. Ang daming pera never nanglibre. Samin pa nga nagpapalibre yan eh! Ang sama talaga ng ugali." Sabi naman ni Ginalyn na tila bay punong puno ng hinanakit sa kanyang dibdib.

"Sumbong kita dun backstabber ka." Natatawa kong pananakot.

"Sumbong mo, sinasabi ko nga yun sa harap nya eh. Bwiset kase sya. Di pa nagbabayad ng utang." Napahagalpak na lang ako dahil kay Ginalyn

...meanwhile

Warren's POV
   Bwiset ka self. Nakakahiya ka kanina!!! Ano yun?! Bakit sobrang tahimik all through out?! Sobrang nabagot siguro si Clarisse dahil sayo nakakairita kaaaaaa!!!!!

To be continued...

Class A (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now