"Alam mo, hindi ko akalaing may gusto sakin si Melvin matagal na." kwento ni Arny bago uminom ng tubig niya. Nakaupo kami sa mga upuan dito sa canteen.
"Oh pagkakataon mo na crush mo yun diba?" kinikilig na sabi ko. Hindi ko rin alam kung totoo ba ang sinasabi ng Melvin na yun dahil babaero naman yun.
"Hindi ko sya crush, sabi nya Junior high palang tayo may crush na siya sakin. Hindi naman ako naniniwala dahil paiba iba ang girlfriend niya nun saka bat nya ko mapapansin?" pagpapaliwanag niya.
"Maganda ka naman ah, mas maganda ka pa nga sakin pero tanggap ko naman, duh." sabi ko dahil yun naman ang totoo. Mas maganda siya sakin kaya siya talaga ang maraming manliligaw pero di niya lang pinapansin. Marami namang mas gwapo kay Melvin na nanliligaw sa kaniya pero si Melvin lang talaga ang kinwento niya sakin kaya alam na.
"Alam ko, wag na paulit ulit. Lagi niyo nalang sinasabi na ang ganda ko, tama na please nakakasawa na." wow, anlaki ng ulo.
"Tanga, nagbibiro lang ako w--" naputol ang sinasabi ko nang biglang lumapit samin ang isang lalaki at yun ay si Melvin.
Bakit hindi niya kasama si Angelo nung nakaraan? Tsaka ngayon ko lang sya nakita dito halos magdadalawang linggo na nakakalipas.
" Arny. "nakangiting pagtawag niya sa kaibigan ko. Tinignan ko si Arny at gulat na gulat syang nakatingin kay Melvin.
" Pwede ba kong umupo dito? Wala na kasing bakante eh."pagdadahilan niya kahit pwede naman syang pumunta sa ibang canteen at doon humanap nang mauupuan.
" Ah s-sige. "sagot ng kaibigan ko at umusog ng konti para mabigyan ng space si Melvin. Bakit kaya siya lang mag isa?
" Kilala mo ba ko? "taas kilay na tanong ko. Humarap naman siya sakin at ngumiti.
" Oo, crush ka ng kaibigan ko. "sabi nito at mahinang tumawa. Ano daw?
" Sinong kaibigan? "mabilis na tanong ni Arny. Malamang naghahanap nanaman yan ng maaasar sakin kaya tinatanong niya kung sino.
" Hep, wag mo na sabihin. Malamang mang aasar nanaman sakin yan. "inis na sabi ko kaya hindi na tinuloy ni Melvin ang sasabihin niya.
" Nasan pala si Angelo? Di ba kayo magkaklase? "tanong ni Arny. Nakikinig lang ako habang nag uusap sila.
" Absent siya ngayon, di pa nga kami nagkikita eh. Isang linggo kasi akong hindi nakapasok dahil nagkasakit ako. "pagpapaliwanag naman ni Melvin.
Tumango tango naman si Arny."Mag dadalawang linggo palang absenero agad kayo." sabi ni Arny at mahinag tumawa. Pabebe.
Pero habang tinitignan ko sila ay kinikilig ako. Ngayon ko lang siya nakita na may kausap na lalaki.
"Arny, una na ko ah? Masungit teacher namin bawal malate pagtapos ng break time eh, hindi kami pinapapasok." pagpapaliwanag ko at ngumiti ng mapang asar.
"Ahm, gara naman. Sige, mamaya ah pag nauna kayo lumabas hintayin moko." bilin niya kaya tumango nalang ako.
"Una na ko, pasok na agad kayo baka malate kayo." sabi ko. Tumango naman silang dalawa at tumalikod na ko para makapasok na sa classroom.
****
"Ang bobo naman ng leader natin, hindi nya maklaro yung sinasabi niya." sabi ng katabi kong si Janel. Nagdedebate ang mga kaklase ko dahil ayun ang activity namin ngayon. Dalawa ang grupo at nakabilang ako sa tangang leader.
"Haynako, bida bida kasi." naririnig kong bulong ni Janel kaya humarap ako sa kaniya.
"Ikaw nalang kaya pumunta don? Ang ingay na nga dumadagdag kapa, wala ka naman ambag." sabi ko at di nya lang ako pinansin.
"Ampanget mong kaibigan." maya maya'y bulong niya.
"Excuse me kaibigan ba kita?" pagmamaldita ko. Feeling close kasi.
"Alam mo baguhin mo nga yang attitude mo, mas matanda ako sayo alam mo ba yon?" inis na tanong niya. Hindi ko naman alam kung totoo ang sinasabi niya dahil mas matangkad at mas matured ang itsura ko sa kaniya.
"Sino?" tanong ko pa.
"Ikaw, baguhin mo attitude mo!" mahina pero pasigaw na sabi niya.
"May pake?" pamimilosopo ko.
"Bwisit." mahinang sabi niya kaya di na ko nagreply. Pft.
***
"Bes gusto sumabay ni Melvin at mga kaibigan nya satin tuwing break time." kwento ni Arny kaya nagsalubong ang kilay ko.
"Ano? Ayoko nga, di naman natin sila close." sabi ko habang patuloy padin sa paglalakad.
"Tatlo lang naman sila, Si Melvin, Angelo at yung bagong kaklase nila." pagpapaliwanag niya.
"Kung gusto mong kasabay natin sila, isasabay ko din yung kaibigan ko sa classroom." sabi ko at tinutukoy si Janel. Gusto ko naman siya maging kaibigan pero ang sarap niya kasing asarin, mukha syang kawawa.
"Sige ba, basta makakaclose ko yang kaibigan mo, baka malandi yan ah wag ka magkakaibigan ng malandi." sabi nito kaya natawa ako.
"So di ka malandi? Tignan mo yan oh nagkalamabutihan na kayo, yieee." pang aasar ko. Naramdaman ko naman ang mahinang pagkurot niya sa braso ko.
"Gusto niya kong ihatid pero sabi ko wag na." sabi nito.
"Okay lang naman na kasama natin siya, basta walang maa-out of place." sabi ko.
Umiling iling naman siya."Ayoko, gusto ko padin yung may time na magkasama lang tayong dalawa tulad ng dati." nakangiting sabi niya.
"Hmp plastik." sabi ko at pareho kaming napatawa.
****
BINABASA MO ANG
Sana sinabi mo
RomanceSana sinabi mo mo agad na hindi moko gusto. Matagal ako umasa, matagal kitang hinintay. Sa huli, hindi pala ako ang gusto mo kundi ginawa mo lang akong pampalipas oras mo.