Chapter 5

71 39 50
                                    


Nathan's POV
(Continuation of flashback)

Simula nung makita kong lumuha si Ivy ay hindi na ako mapakali. Binabagabag ako ng konsensya ko. Aishhh kainis. Naiinis ako sa sarili ko tuwing may napapaiyak ako.

Bakit ba kasi ako nagkaganito? Maiinitin ang ulo at di makontrol ang sariling galit kaya nadadamay ko ang iba. Ayoko ng nakakasakit ng iba pero sa tuwing naiinis ako hindi ko makontrol ang sarili ko. I hate myself for being like this.

Nagising ako dahil sa nag-iingay kong alarm clock sa table na katabi ng kama ko.

Naligo ako at nagbihis. Kumain na rin ako ng breakfast ko na inihanda ng maid namin. Naabutan kong nagkakape sa sala si Dave. Siya kasi ang maghahatid sa akin papunta sa school.

Nasa harap na kami ng gate ng school. Maaga pa kaya medyo kaunti pa lang ang tao.

Hindi ko na kailangang hanapin ang section ko dahil lagi akong napupunta sa section 1 (Sampaguita). Hindi naman ako ganon katalino at kasipag, napunta lang naman ako dito dahil anak ako ng may-ari ng school na ito.

Gusto ko man mapabilang kung san ako nararapat na section e ayaw ng Mom ko at pag-aawayan lang namin yun. Wala namang bago ron, lagi naman kami nag-aaway non kaya nga di ko siya close eh.

Nung nag-recess time ay kasabay kong lumabas si Nichollo.

"Pre! May nahanap akong chicks kanina mukha transferee. Ikaw nakahanap ka na ba?" Malokong tanong ni Nichollo.

"Chicks mo mukha mo. Wag mo nga ako itulad sayo!" Sabi ko at napa-irap. Oo kahit lalaki ako marunong akong mang-irap. At wag kayong magka-maling isipan ako na bakla, baka halikan ko kayo dyan!

Dumaan kami sa hallway at tulad ng dati bulungan at hiyawan ng mga babae ang naririnig ko tuwing dumadaan kami.

Seryoso lang akong tinatahak ang daan patungong canteen habang si Nick (Nichollo) ay todo ngiti at kaway sa mga babaeng bumabati sa amin.

Sa dami ng tao dito sa canteen ay may nabunggo akong babae. At ang nakakainis dito natapon pa sa uniform ko ang pancake niya.

Tss umiinit na naman dugo ko. Ang lagkit ko na at may mantsya pa ang damit ko.

"Ano ba bulag ka ba?" Sigaw ko dun sa babaeng nakaupo sa sahig. Nagsimula namang magkumpulan ang mga estudyante samin.

"Ivy huhuhu Ivy" mahinang tawag niya at humihikbi. What? Seriously? Iyakin pala ang isang to tsss.

May lumapit sa kanyang babae at tinanong siya kung anong nangyari sa kanya. Laking gulat ko ng malaman kong si Ivy pala ang lumapit sa babae.

"Ivy yu-yung pancake ko huhuhu na-natapon huhuhu binangga kasi ako nun oh huhuhu" Nagsumbong siya na parang bata at sabay na itinuro ako.

Tsss ako pa may kasalanan ganon? E sya nga yung tatanga-tanga, di tumitingin sa dinaraanan. Tsaka ako kaya naperwisyo dito no!

"Hoy ano ba problema mo? Pati 'tong kaibigan ko dinadamay mo dyan sa kagag*han mo?" Galit na sigaw niya at tinulak ako sa dibdib.

'ohhhhh' Kantyawan ng mga estudyanteng nakapaligid sa 'min.

Pinilit kong wag patulan sila dahil may kasalanan pa ako sa babaeng yun at alam kong malaki na ang galit niya sakin dahil sa mga nagawa ko sa kanya.

Kaya tiniis ko ang pride ko.
"Tssss stupid idiots." Ang tanging nasabi ko lang at agad na umalis.

Baka makagawa na naman ako ng mali at makasakit ng iba kapag nakipagtalo pa ako roon at tuluyang manalo ang pride ko.

OBEY MR.ANNOYING'S COMMANDWhere stories live. Discover now