Prologue

12 1 0
                                    

Clevy Montenegro

It's been a year since that thing happened.

It's been a year, pero nanginginig pa rin ako habang tin-type ko ang pangalan niya sa isang website.

Ganoon pa rin ang mga videos at uploads niya. Hindi pa nagbabago simula noong isang araw. Ang kaibahan lang, mas marami ng views ang mga ito, nadagdagan din ng ilang libo ang subscribers niya.

Big time na talaga siya.

Hindi na siya iyong una kong nakausap na kailangan pang i-send at i-post iyong links ng mga covers niya para lang mas marami ang makapanood.

Hindi na siya ang Evo ko, at wala akong iba sinisisi kundi ang sarili ko.

Kasalanan ko kung bakit at kung papaanong nagtapos ang pagkakaibigan namin.

Connect the DotsWhere stories live. Discover now