Halos malagutan ako ng hininga nang maabot ko ang ikalimang palapag ng building kung nasaan ang kwarto na tinutuluyan ko.
Napasalampak na lang ako sa kama ko nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko.
Mabuti na lang talaga at malapit lang sa hagdan ito.
Ewan ko ba, nakakatawang isipin na halos magmura ako dahil nasa fifth floor ang kwarto ko at halos mamatay ako sa pag-akyat, pero sa school, hagdan naman ang pinipili kong way paakyat sa library kaysa sa elevator. Magulo rin talaga ang pag-iisip ko, e.
Nagpahinga na lang muna ako bago kumain.
Balak kong matulog, pero hindi nawawala ang kaba sa dibdib ko kapag pipikit na ang mga mata ko. Baka kasi ma-oversleep ako at hindi maka-attend sa klase. Kaya chinat ko si Haylie na tawagan ako isang oras bago ang klase, nag-alarm din ako ng sampung ulit. Oo, ganiyan ako kapraning. Ayos lang iyon, tatlong oras naman ang vacant namin, sapat na siguro ang dalawang oras na tulog.
Nakapikit na ako, pero naisip ko na gusto kong makipag-usap. Ang totoo niyan, ang weird ko. Si Haylie, gustong sumama sa boarding ko pero ayoko kasi magdadaldal lang siya at ayoko ng taong madaldal, pero heto ako naghahanap ng makaka-usap sa isang website na puwedeng maka-kausap ng strangers. Magulo nga talaga ako.
Ilang minuto pa ang nakalipas, wala pa rin akong nahahanap na kausap.
Puro malilibog, may ilang boring. Hanggang napagdesisyunan ko na mag-chat sa huling beses.
Stranger: Hi.
Me: Hiii. ^_________^
Me: Kumustaaa?
Stranger: Okay lang. Hehe. Ikaw?
Me: Okay lang din. Inaantok ako. Haha.
Stranger: Tulog kaaa.
Me: Oo. Mayamaya. ◉‿◉
Me: Kanina ka pa rito?
Stranger: Hala. Ang kyut ng emoticon.
Stranger: Oo. Ikaw?
Me: Hahah. Tenkyu.
Me: Uu rin.
Stranger: Kanina pa ako pero puro malilibog nakakausap ko.
Stranger: Sinasabihan ko na lang na, 'our body is the temple of God.'
Me: Oo ngaaa. (・∀・)
Me: Ameeen! Hehehe.
Stranger: Wala ka bang pasok?
Me: Mayroon. Hahaha. Kaso 3 hours pa vacant ko. (◍•ᴗ•◍)
Me: Ikaw? Wala kang pasoook?
Stranger: Nasa ospital ako. Hehe.
Me: Weee?
Stranger: Oo. Hehehe.
Me: Seryoso nga?
Stranger: Opooo.
Me: Hala. You will be healed, in Jesus name!
Stranger: Sana nga.
Me: Oo nga. (◍•ᴗ•◍)
Mahigit isang oras na rin kaming nag-uusap. Sabi ko matutulog na ako ng 11:20 pero tumatawag na si Haylie, kausap ko pa rin si Clevy. Napapa-facepalm na lang talaga ako dahil sa sarili ko, e.
15 minutes na lang bago ang klase ko. Tapos na rin akong mag-ayos.
Ang sarap kausap ni Clevy. Kaya ngayon, saktong oras na lang ang mayroon ako para umabot sa klase. Binigay ko rin number ko sa kaniya. Nag-text na nga siya, kaya pinatay ko na data ko. Kusa nang mae-end iyong convo namin doon. Hahahaha. Nalaman ko rin na hindi rin in-end ni Clevy iyong convo, pinatay niya lang dim iyong data niya.
Nakakatawa, pero nakakatuwa at the same time.