Chapter 1

11 0 0
                                    

Alicia POV

Nakakunot lamang ang aking noo habang nakaupo dito sa may police station habang hinihintay ko ang mga kaibigan ko na dumating.

"Ang tagal nila,kanina pa tayo dito" naiinis na parinig ni Sancha kahit hindi naman nakikinig sakanya ang mga pulis.

"Sancha" tawag ko sakanya kaya naman napatigil siya sa pagrereklamo sa mga pulis.

"Ano?" sagot niya habang nakatingin sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.

"Maddison is dead--and we're suspect. W-what are you going to do?" maingat at pabulong na tanong ko sakanya. Suspect kaming buong magkakaibigan sa pagkamatay ni Maddison,pwedeng may mapagbintangan at makulong. Ano na lang ang gagawin ko?

"Nothing,Alicia. Hindi naman ako ang pumatay kay Maddison at alam ko na wala sa atin ang pumatay sakanya." Nakangiting sabi ni Sancha kaya napangiti na rin ako at yumakap sakanya kaya naman gumaan ang pakiramdam ko ngunit napansin ko na nangininginig ng kaunti.

Sancha is like a big sister to me,she always comfort me whenever I'm upset. In our group she always ligthen the mood whenever there is a problem or fight.

Naalis ako sa pagkakayakap kay Sancha nang isa isang dumating ang mga kaibigan ko. Hindi ko na namalayan kung sino ang huling dumating. Napansin ko na lang na kompleto na kaming lahat.

"Pasensya at anong oras na at nagambala ko pa kayo.Ngayong nandito na kayong lahat maipapaliwanag ko na sainyo kung bakit kayo napatawag dito." Sabi nung pulis na mukhang head nila dito.

"Maddison Levino. Natagpuang patay kanikanina lang sa malapit sa bangin kung saan madadaanan kung pupunta sa unibersidad na pinag-aaralan ninyo." dugtong pa nito.

Halos mabigla kami sa nalaman at iba't ibang reaksyon ang kumawala sa amin.

"May nakapagsabi na kayo daw ang huling kasama ng biktima kaya naman malaki ang tsansa na nasainyo ay salarin."

"Paanong namatay si Maddison?" takang tanong ni Sancha na tila balisa.

May ipinakitang mga litrato sa amin ang pulis at ng tignan ko ito ay di ko mapigilang mapaluha sa nakita. Andaming saksak sa katawan ni Maddison at may busal pa siya sa kanyang bibig at may dugo sa kanyang noo na tila may ipinukpok sakanyang matigas na bagay.

Napatingin ako sa mga kaibigan ko. Si Sancha ay tila hindi maipaliwanag ang mukha at puno ng pagtataka. Si Lily naman ay umiiyak tulad ng iba. Samantalang galit na galit ang ekspresyon ni Elias,ang kasintahan ni Maddison.

"Sinong gumawa nito! umamin kayo!!" galit na sigaw sa amin ni Elias habang may tumutulong luha sakanyang mga mata.

"Tama na,Elias! 'wag mong ibaling ang galit mo sa amin. Posibleng wala sa atin ang gumawa nito." Sabi ni Noah,ang bestfriend ni Elias.

"Pumasok muna ang isa sainyo sa interrogation room. May mga ilang katanungan lang kami sainyo." utos nung pulis.

Ako muna ang unang pumasok sa interrogation room.

"Kaano-ano mo ang biktima?" the police asked me.

"she's my friend" medyo kinakabahang wika ko dahil hindi naman ako sanay sa mga ganito.

"Kaylan mo siya huling nakita?"

"Kinaumagahan bago ang event dahil hindi ako sumama sakanila. Nasa bahay lang ako magdamag dahil binabantayan ko ang nakababata kong kapatid." sagot ko

"We will confirm it,kung totoo ngang nasa bahay ka lang magdamag" Tumango lang ako sakanya.

"Pwede ka nang lumabas."

_______________

Gwyneth

Hello! do you enjoy this chapter? comment your thoughts :)

Don't forget to vote..

Who Among ThemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon