Chapter 6

9 1 0
                                    

Chapter 6

Today is Monday. I want to start my day with a good vibes. Ngayon ay nasa labas na ako ng school at papasok na. Pagkapasok ko sa entrance ng school agad naman ako binati ni kuyang guard at binati ko na rin. Nagpatuloy na ako sa paglalakad ng makita ko sa isang bench ang mga kaibigan ko. Tumingin naman ako sa wrist watch ko, masyado naman ata silang maaga. Ako din pala napaaga ng pasok. Sobrang aga ko ba namang nagising kanina.

Habang papalapit ako sakanila napansin kong parang may tinitingnan sila sa cellphone at mukhang seryoso ang mga mukha. Dahan dahan akong lumapit sa likuran nila upang silipin ito.

“Hoy!” panggugulat ko sakanila.

Bigla namang napahawak sa dibdib si Emi. Samantalang si Gela naman ay muntik nang mabitawan ang kanyang cellphone. Napausog naman si Ana sa kinauupuan niya.

“Maupo ka muna dito.” Agad na pinaupo ako ni Ana sa kanyang tabi.

Kaya pala siya umusog para makaupo ako. Magkatabi na kami ngayon ni Ana at Gela, ang katabi naman ni Gela ay si Emi. Umayos naman sila sa pagkakaupo. Nakita ko naman si Gela agad niyang tinago ang cellphone.

“Ano ba pinagkakaabalahan niyo kanina at mukhang gulat na gulat pa kayo?” tanong ko sakanilang tatlo.

“Ah…Eh…” sagot sa akin ni Emi.

“Ih, oh, uh?” dagdag ko sa sinabi niya. “Ano nga yun?” pahabol kong tanong.

“Ito kasing si Gela.” Sabi ni Emi.

“Why me?” nagtatakang tanong ni Gela.

“Pinagtataguan niyo na ako ngayon?” seryoso kong tanong sakanila.

“Hindi sa ganon, sabihin mo na kasi Gela.” Sabi ni Ana.

“Okay, fine.” Kinuha niya ulit ang kanyang cellphone at binuksan. 

Nagtataka naman ako kung bakit niya kinuha ang cellphone niya. Ano naman kaya ang gagawin niya imbes na magpaliwanag sa akin. Tiningnan ko lang kung ano ang gagawin niya.

“Here!” sabay abot sa akin ng cellphone niya.

Agad ko naman itong kinuha at tiningnan. Nagulat ako at nasa timeline ni Kevin. Ano ba meron dito? Wala akong maisip kong bakit niya pinapakita niya sa akin ito.

“Ano meron dito?” nagtataka kong tanong.

“The two of you are friends. Bakit hindi namin alam yan?” Sagot ni Gela.

“There’s anything wrong with that?” tanong ko.

“Nothing.”

“Yun naman pala.”

“Kailan ka pa nagtago sa amin? Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin yan?” tanong ni Gela.

“Kailangan ba lahat alam niyo?”

“Kaya ba hindi ka nagrereply sa Group Chat natin kasi may iba kanang kinakausap? Magsabi ka lang kung ayaw mo na sa amin.” nakayukong tanong ni Gela.

Bigla naman akong nakonsensya. Ang drama ni Gela, pucha.

“Of course not! I spend time with my family. Kaya hindi ako nakakapagreply sainyo kasi gusto ko ilaan ang oras ko sa mama at kuya ko.” Mahinahon kong paliwanag.

Noong Linggo kasi pagkatapos namin magsimba kumain kami sa labas at nag-grocery. Pagkauwi naman namin nag-movie marathon kaming tatlo. Noong natapos kami manood ng movie bigla naman akong dinalaw ng antok. Pumunta na ako sa kwarto ko at nakatulog ng maaga. Kaya nga maaga ako ngayon nakapasok. Pinaliwanag ko naman lahat sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Truth And DareWhere stories live. Discover now