"Azaleah!!!Azaleah!!! Lintik na anong oras na!!!.
Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses ni Makanits patay ako siguradong sermon nanaman ako abot ko.Ayaw pa naman nun ng late nababa.Sayang lilingon na sana yung prince charming ko makikita ko na sana yung mag aahon sa akin sa hirap hays.Badtrip si Makanits di manlang pinatapos panaginip ko.Dibale may next time pa naman.
Pagkababa na pagkababa ko ayun sermon agad.Sanay na naman ako dahil madalas siyang ganyan.Madalas niya kaming maliiting mga tauhan niya kung ano anong sinasabi.Masakit talaga siya magsalita wala siyang pakialam kung anong mararamdaman mo basta masabi niya yung gusto niyang sabihin at wala kang magagawa kundi tanggapin dahil para sakanya kahit tama ka ay mali ka pa din.Kung hindi ko nga lang gustong makapag tapos ng pag-aaral ay umalis na ko dito. Napakalupit nito lahat ng kilos pinagdududahan akala mo ay lagi siyang iniisahan.Ayoko naman na makadagdag alalahanin kila nanay sa gastusin dahil lima kaming magkakapatid na sabay na nag- aaral.Pangatlo ako saming magkakapatid ngunit ako ang nagsakripisyo na pumasok bilang tindera sa Sari Sari store ni Makanits.Dating amo nila mama pero hindi ko alam ko alam kung bakit umalis sila at wala akong balak alamin basta alam ko lang masama ang ugali ng amo ko.

BINABASA MO ANG
Forsaken Life
RandomPara kay Azaleah Martine Mercado ang buhay ay sadyang unfair lalong lalo na sakanya dahil kailangan niya pang maghanap buhay para lamang makapag-aral at mabuhay.Tingin niya eh nabuhay lamang siya para maghirap.Hindi niya maiwasan na mainggit sa mga...