PROLOGUE

470 64 3
                                    

''I became a Doctor . . .'' He smiled softly.  ''I fulfill my promises to you.''

''Wow," I fake a smile. "Congrats.'' Tipid kong sagot sabay naglakad palayo sa kanya.

Pagpasok ko sa sasakyan ay hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Ang sakit na makita ko ulit siya at sa ganitong paraan pa.

I thought my feelings for him were over, but I was wrong; I still love every inch of him. I thought I was done getting hurt pero bakit parang nagsisimula pa lang ang totoong sakit. We're not teenagers anymore; we've changed a lot, as he did.

''Can we talk?'' After hearing what he said, I suddenly stopped crying.

Kumakatok siya sa bintana ng sasakyan ko, mas lalong bumuhos ang luha ko nang makita ko ng diretso at malapitan ang mukha niya. Tinted ang salamin ng sasakyan ko kaya't hindi niya ako nakikita.

In the driver's seat, I rolled down the window a little.

''Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo ako kinakausap.'' Humarang siya sa harapan ng sasakyan ko. 

I just stared at him, as deep as the pain I was enduring because of him.

Do i deserve this pain? hindi naman ako 'yung nagloko, hindi ako ang sumira sa aming dalawa pero bakit na sa 'kin lahat? nasa akin ang lahat ng sakit, I suffered a lot.

Pagod na pagod na 'ko, hirap na hirap . . .

''Kausapin mo 'ko please, ngayon lang, kahit . . ngayon na lang,''

I took a deep breath and wiped my tears. Nagpalipas ako ng ilang minuto sa loob ng sasakyan bago ako lumabas. Paglabas ko ay agad siyang lumapit at hinawakan ang kamay ko. Agad akong umiwas ng tingin at tinanggal ang hawak niya.

''Tigilan mo na 'ko . . please, five years, Justin," I stared at him coldly. "Five years tapos ganyan ka pa rin? mag mature ka naman.'' Madiin kong sabi. 

Mag mature? It was a lie. Ang totoo ay ang dami niyang pinagbago, ayoko lang na lumapit pa siya sa 'kin, gusto kong magalit siya sa lahat ng sasabihin ko para siya na ang kusang umiwas.

''I've already changed for you, my lady . . .'' His tone was begging ngunit nanatili akong walang emosyon.

''May asawa ka na, may anak ka na, patahimikin mo na 'ko!'' Mariing kong sabi upang imulat siya sa reyalidad.

He did not respond, turned away, and it was quite some time before he spoke again.

''Can we talk? na hindi nagsisigawan?'' Kalmado niyang tanong. 

Bumuntong hininga ako at tumango. We were standing under the streetlight, under the dark sky, with the moon witnessing our reunion. The gentle breeze stroked our skin, simoy ng hangin na 'sing laming na ng puso ko magmula ng masira ito nang dahil sa panlolokong ginagawa niya, pinagmukha niya akong tanga, pakiramdam ko ay ang dumi dumi ko dahil sa kagagawan niya.

''Ano bang gusto mong pag-usapan?'' Mahinahon kong tanong kahit na gustong gusto kong sumigaw, gusto ko siyang sigawan dahil sa sugat na iniwan niya sa 'kin! hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit ayaw mawala at mas lalong humahapdi ang sakit lalo't kaharap ko siya ngayon.

''Ahm, H-how are you?'' Tanong niya.

Tumingin ako sa kanya pero bigla siyang umiwas.

Thirst For Love - Series 1 [R-18] | ✔Where stories live. Discover now