Simula
"Bumalik ka na dito Rius! Ngayon na!"
"Please yaya ngayon lang naman eh!" Kainis si yaya ayaw talaga mag paawat ang bruha.
"Tapos kung papayagan kita papagalitan ako ni maam at sir, Rius."
"Please yaya hinihintay na ako ng mga friends ko doon!" Pagmamaktol ko.
"Bawal nga Rius!" Base sa ekspresyon na ipinapakita ni yaya juana ay naiinip na talaga siya. Ayaw pa akong payagan eh, tss.
"Juana ako na bahala kay Rius ikaw nalang mag linis ng kusina." Nanny Nelia interrupted. Napatango nalang si yaya juana at tsaka umalis na.
"Nanny ayaw nila akong palabasin eh!"
"Rius iha, ayaw lang naman kasi nila na mapagalitan ng mommy at daddy mo eh." Napabuntong hininga ako at tsaka ngumiti kay nanny.
"Okay nanny hindi nalang po ako aalis sasabihan ko nalang ang mga friends ko hindi ako pwede."
"Ay wag na Rius pwede kanang sumama sa kanila ako nalang ang bahala sa kay maam at sir." I nodded at nag pasalamat.
"Thanks nanny! You're the best nanny ever!" Hinalikan ko siya sa pisngi at niyakap.
"Pero Rius bawal magdrive kapag lasing na ha." Paalala niya. "Mag-iingat ka."
"Bye nanny thanks!" Sabi ko at agad na pumanhik.
Maingay, mga nagsasayawan, mga naninigarilyo at some are making out. Yun ang dinatnan ko pag pasok ko sa bar. Wild peoples.
Agad kong hinanap ang mga kaibigan ko at hindi nag tagal ay nakita ko din sila na nasa madilim na parte ng bar.
"Hey Rius! Here!" Tawag sakin ng mga kaibigan ko.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Tanya sa akin. One of my friends.
"Kasi nahirapan pa ako kay yaya Juana, ayaw ba naman akong palabasin."
"Buti nalang at nakarating ka ah."
"Pinayagan ako ni nanny." I smiled sweetly at agad na tinungga ang isang Jack Daniels. Nanuot ang init sa lalamunan ko at hapit na hapit ito.
"Lasingera ka talaga kahit kailan Rius."
"Whatever Ynna." I chuckled.
"Hayaan mo na siya Ynna sanay na iyan sa mga hard drinks." Tama nga si Tanya dahil sanay na talaga ako sa mga hard drinks katulad ng Jack Daniels.
"Okay na yung lasingera kesa sa yung wasak na."
"Kelan mo ba isusuko yang kabibe mo fren?" I glared at Tanya.
"Sa kung kailan kasal ko na, gagawin ko itong wedding gift." Sagot ko sabay tungga sa Jack Daniels.
"As if."
"Anong ibig mong sabihin sa As if na yan Ynna?" They both chuckled.
"As if sa kasal mo talaga yan mawawala." I just nodded sa sagot niya at agad silang inaya sa dance floor.
"Sayaw tayo!" Sigaw ko dahil baka hindi nila maririnig iyon dahil sa nakakabingin sound system. Agad naman silang napatango at tinulak ako papunta sa dancefloor.
"So bibingwit kayo ngayon?"
"No sissy walang boys ngayon." Sagot ni Ynna.
Sumayaw kami at nakihalubilo sa mga tao sa dancefloor at nagulat ako ng may na bunggo akong lalaki at hinayaan ko nalang ito at nag patuloy sa pagsayaw na para bang wala ng bukas. Naramdaman ko na biglang may yumakap sakin mula sa likod at napa estatwa ako.
BINABASA MO ANG
Deal
RandomThis story contains only fiction. Nagsimula ang lahat ng ito nung nagkita sila at nagsimulang mag bangayan. Nagtagal ang bangayan na iyon at natapos din nung ipinagtanggol siya ni Preles. Nahulog ang luob ng dalaga at minahal niya ito ng sobra. Na...