Story: 3

3 1 0
                                    


RafaelMiller as Augustus Graysen Martinéz

---------

3

"anak wakeup, baka malate ka sa klase mo kapag di kapa gumising"

Nagising ako sa pagkatok ni mommy sa kwarto ko kaya agad akong napa kusot nang mata at minulat ang mga ito.

"Yes mom"

agad kong kinuha ang towel ko at nag deretsyo sa banyo para maka ligo dahil baka nga malate ako nang klase. late na nga nang ilang linggo malalate pa ngayong araw.

nang matapos akong maligo at mag ayos nang sarili ko ay nag deretsyo na akong bumaba para mag almusal.

"goodmorning kelly"

"good morning din po nanang selya" 

Bati nito sakin pagkaupo ko. isa-isa namang hinain nang iba pa naming taga silbi ang mga pagkain namin para sa umagang ito.

Nang matapos akong kumain ay nag deretsyo na akong lumabas nang bahay, ihahatid ako ni kuya jerry papuntang school sya na rin ang mag susundo sa akin mamayang uwian. Ang kapatid ko namang kian ay kanina pang 6:30 umalis dahil mas maaga ang unang klase nya sakin dahil highschool pa lamang sya, samantalang dahil ako ay college na kaya late na ang pasok ko 10am lagi ang first subject ko kaya hindi ako mahihirapan kung sakali.

Nang makarating ako sa tapat nang school ay nagpaalam na agad ako kay kuya jerry. Hindi ko pa nga pala nasasabi kay Nicole na magiging magkaklase kami pani guradong magugulat ang isang iyon. parehas kaming 3rd year college ni Nicole at parehas kaming Business Management ang kinukuha para na rin sa future businesses nang pamilya namin.

Dahil sa sobrang laki nang school na to ay nalate pa rin ako nang 5minuto, ang aga aga ko na ngang dumating ay nalate pa rin ako. sana lang ay hindi masungit ang prof namin sa unang subject.

Nang nasa tapat na ako nang room para sa first subject ay kumatok na agad ako, makalipat ang 10 segundo ay may lumabas na isang babaeng nasa tansya ko ay nasa 30s pa lamang at muka namang syang mabait dahil agad itong ngumiti sakin.

"Ahm Hello miss is this the room of BSBM 101?" Tanong ko dito at sabay lahad nang schedule ko sa kanya para agad nya akong maintindihan.

"Yes. Ikaw ba yung transferee?"

"opo"

"Okay sige pumasok ka na mag ccheck pa lang ako nang attendance akala ko ay nandito ka na. please introduce yourself in front first"

Pagkasabi nya nito ay tuluyan na nyang binuksan ang pintuan at pumasok na ako. Agad kong nilibot ang paningin ko para makita ang kaisa-isang taong kilala ko dito. agad ko namang nakita si Nicole na nakikipag kwentuhan sa katabi nya at mukang hindi nya ako napansing pumasok.

"Okay Class listen. so meron kayong new classmate she's a tranferee student from California. So Miss Please introduce yourself"

"Hello everyone im Kelly Grace Walton, you can call me kel---"

"What the! Kells?!"

Agad akong naputol sa pagpapakilala nang sumigaw lang namang ang magaling kong pinsan at may kasama pang pag tayo sa kanyang upuan.

"Yes Miss Hernandez? is there any problem? do you know miss Walton?"

"Ahm sorry miss. I don't have a problem. and yes i know miss Walton she's my cousin and bestfriend"

"ow thats great so ikaw ang mag tour sa kanya mamaya sa University para maging pamilyar sya sa school natin. okay?"

"Yes miss"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind The StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon