Eleven: Hungry

3 0 0
                                    


.. . ..

Isa na siguro sa mapagmamalaki ko. Ay pag naging seryoso ako sa isang bagay wala na akong pakialam sa paligid ko. Katulad ng araw na iyon, our finals is coming at dahil graduating na ako abala ako sa paggawa ng thesis, at tuwing focus ako wala akong pakialam sa oras at paligid ko.

I know Klei was also busy sa work nya, na hire sya sa malaking company kaya wala na syang oras. I think pareho lang kami. Klei might be the coldest person I met, pero alam ko behind his poker face ay ang mabait at sweet na lalaki.

I often misinterpret his actions at aminado ako roon, but being in relationship with him makes me understand him better.

"Miss kanina pa nag v-vibrate ang phone mo" pukaw ng babae sa tabi ko.

Nasa ibabaw kasi ng mesa ang phone ko at di ko napansin ang pag vibrate nun "Ay sorry." Kinuha ko ang phone at nakita ko ang missed-call ni Klei.

Me : Nasa Library ako, text mo ako mamaya

Pagkatapos kung i-send iyon, nagpatuloy ako sa pagsusulat.

Ilang minuto lang may umupo sa tabi ko at may lumitaw na Takoyaki sa harapan ko. Nagulat ako at ng lumingon ako, ang seryosong mukha ni Klei ang nakatingin sa akin. "Kleiy!"

"Shh eat." Sabi nya sabay subo sakin ng Takoyaki. "Nguyain mo 'yan" sinunod ko naman sya. "Go and continue what your doing." Utos ulit nya.

Parang robot naman na sinunod ko sya. I continue making my Thesis, habang si Klei sinusubuan ako ng takoyaki. Pansin ko na, di gaanong mainit ang Takoyaki tuwing nginunguya ko, hinihipan pala nya 'yun.

It only takes a few minutes bago bumalik ang concentration ko sa ginagawa ko, however si Klei naman ay patuloy pa rin akong sinusubuan. May straw ding lumitaw sa harapan ko, I sip some juice and continue what I'm doing.

"Bawal ang pagkain dito! Kayong dalawa labas!"

Nahihiya kong tinignan ang librarian na galit na galit sa amin, nagkatinginan kami ni Klei. Bigla nyang binigay sakin yung naiwang Takoyaki at Juice kasama din ang plastic.

"Lumabas ka daw." Seryoso nyang utos sakin.

Wahh Klei you betrayed me! Ikaw ang nagdala ng pagkain dito hindi ako.


...




This is my favorite chapter :)

Suzi

Takoyaki and KleiWhere stories live. Discover now