Chapter 14

38 4 0
                                    

Caela's POV

UNTI-UNTI kong minumulat ang aking mga mata at tanging nakikita ko lamang ay puting kisame. Nilibot ko ang aking paningin at napagtanto kong nasa puting silid ako. Nasa loob ako ng hospital room.

Anong ginagawa ko rito?

Kumunot ang noo ko nang makita kong nakasuot ako ng hospital gown, may nakatusok na kung ano sa braso ko, maraming nakakabit sa iba't-ibang parte ng katawan ko, at nakasuot ako ng oxygen mask.

Bakit ganito ang itsura ko? Anong nangyari sa akin?

Napalingon ako sa direksyon ng isang babaeng natutulog sa itim na couch. Pamilyar siya. Si Mama.

Gusto kong ibuka ang bibig ko pero hindi ko magawa. Gusto kong magsalita pero may nakasagabal na oxygen mask sa bibig ko. Kailangan magising ko si Mama.

Ginalaw ko ang mga kamay ko at sinisiko ito sa hospital bed. Napangiwi ako nang makaramdam ako ng konting kirot. Lumikha ito ng konting ingay at nakita kong nagising si mama.

Nagulat ata siya nang makita akong dilat na dilat. Kinukusot niya pa ang mga mata niya at tinignan ulit ako. Ngumiti ako.

Agad niya akong nilapitan at niyakap nang pagkahigpit-higpit. Hindi na ata ako makahinga sa ginagawa ni mama. Tinanggal niya ang oxygen mask ko at nakita kong lumuluha na siya.

“Anak, gising ka na. Salamat sa Diyos,” umiiyak na sambit niya. Naiiyak na tuloy ako.

Habang niyayakap niya ako ay pilit hinahanap ng mga mata ko ang taong gusto kong makita ngayon. Nasaan kaya siya?

“Nasaan po si Jil?” nakangiting tanong ko matapos niya akong binitawan mula sa pagkakayakap.

“J-jil?” nagtatakang tanong ni mama.

“Opo, si Jil po. Nasaan po siya?”

Nilibot ko ang aking paningin at hinahahanap si Jil. Baka nagtatago lang ‘yon.

“Ma? May problema po ba?” tanong ko. Nakita ko kasi siyang umiiyak e. Hinaplos niya ang pisngi ko habang umiiyak pa rin.

Alam niya kaya kung nasaan si Jil?

Umiling si mama, “Sinong Jil? Wala akong kilalang Jil, anak,” mahinahong sambit ni Mama.

“Si Jil po, ‘yong kaibigan ko pong lalaki. Kilalang-kilala niyo po ‘yon, Ma. Nakatira po sila sa tapat ng bahay natin.” Pilit kong pinapaalala kay Mama si Jil. Imposibleng hindi niya kilala ‘yon e palagi nga niyang nakikita sa bahay 'yon e.

Magsasalita pa sana ako nang may maalala ako.

“Nagka-amnesia pala siya. Naalala na niya kaya ako ngayon?” Hindi nagsalita si Mama at patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

“Hindi pa ba bumibisita rito si Jil, Ma?”

Umiling nang umiling si mama.

“Walang Jil, anak. Wala kang nakilalang Jil at hindi totoo si Jil.” Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Mama.

Si Mama ata ang may amnesia ngayon e.

“Anong ibig mong sabihin, Ma?”

Nagsalita si Mama na siyang nakapagpatigil sa akin. “Naaksidente ka, anak.” Nagpunas siya ng luha at binalik ang tingin sa akin. Natigilan ako. Hindi ako nagsalita at hinintay lang siya. “N-naglalakad ka pauwi galing sa bahay nina Fritz nang mabunggo ka ng isang rumaragasang kotse. Naging dahilan ‘yon kung bakit na-comatose ka ng tatlong buwan. At lahat nang sinasabi mo sa akin ngayon ay dala ‘yan ng panaginip mo. Tatlong buwan kang tulog kaya tatlong buwan ka ring nanaginip,” kwento ni Mama.

Na-coma ako?

“Nagbibiro ata kayo, Ma. Kasi sa pagkakatanda ko, nabunggo ako ng bisikletang sinasakyan ni Jil at kaya kami nagkakilala dahil sa aksidenteng 'yon.”

“Jusko,” bulong ni Mama. Napatakip pa siya ng bibig gamit ang kaliwang kamay.

Bakit ganito ang sinasabi ni Mama? Nanaginip ako? Imposible.

Dalawang taon na ang lumipas no’ng magkakilala kami ni Jil pero bakit sabi ni Mama, tatlong buwan akong tulog? Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

“Tinatago niyo lang si Jil e. Hoy, Jil! Lumabas ka na o!” Nagsisimula na ring tumulo ang mga luha ko dahil sa hindi malamang dahilan. “Ma, nasaan na ba kasi si Jil?” tanong ko ulit.

Bakit hindi na lang niya sabihin kung nasaan siya? Kailangan ko siyang makita. Kailangan maalala na niya ako.

May pinindot na kung ano si Mama sa pader at ilang sandali pa ay may dumating na doctor kasama ang isang nurse na babae. Nilapitan nila ako at sinusuri.

“I’m glad you’re awake. Hindi biro ang pinagdaanan mo noong na-coma ka. You suffered from Traumatic Brain Injury kaya malaki ang pasasalamat namin dahil nakaligtas ka.”

Ano ba itong sinasabi niya? Traumatic Brain Injury?

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagtanong ako.

“Nakita niyo po si Jil?”

“Who’s Jil?” tanong ng doctor.

“’Yong lalaking palagi kong kasama, Doc. Baka tinataguan niya lang ako e,” sagot ko.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo ng doctor kaya nagtaka ako. Hindi niya ba kilala si Jil?

“Doc, may I talk to you for a while?” tanong ni Mama at mabilis namang tumango ang doctor. Akala ko lalabas sila ng kwarto pero nanatili lang sila sa loob at pumwesto malapit sa pinto. Pinanood ko lang silang nag-uusap.

“Any concerns, Ma’am?”

“Doc, mula noong magising ang anak ko kanina ay pilit niyang hinahanap ang nagngangalang Jil. Kahit ako mismo ay hindi ko kilala ang lalaking ‘yon pero sabi ng anak ko ay kilalang-kilala ko raw ang lalaking ‘yon. Wala akong ka-ide-ideya sa mga pinagsasabi ng anak ko. Kaya sinabi ko na lang na nanaginip siya at sa tingin ko naman ay tama ako.” Rinig kong sabi ni Mama sa doctor.

Bakit pinipilit ni Mama na nanaginip ako?

Ang huling naalala ko nga ay nakausap ko siya at sinabi niyang hindi niya ako maalala. Dala siguro ‘yon ng amnesia niya.

Namalayan ko na lang na nakalapit na sila sa akin at nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Mama at ng doctor.

“Hija, ano ang huling naalala mo bago ka nagkamalay?” tanong ng doctor.

“Mga dalawang taon na po ang lumipas mula noong nagpakita siya sa akin. Nagkausap po kami ni Jil at sabi niya no’n na hindi niya ako maalala. Nagkaroon po kasi siya ng amnesia.”

“Lahat ng nangyari sa iyo na kasama si Jil ay puro panaginip lang. Siguro epeketo ‘yon ng mahabang pagkakatulog mo kaya nasasabi mong parang totoo ang mga napanaginipan mo. Side effects rin ‘yon at sa mga susunod na araw ay mawawala rin ‘yan.”

“Hindi totoo ‘yan! Niloloko niyo lang ako e! Ilabas niyo na kasi si Jil kung ano pa ang sinasabi!” sigaw ko at mabilis akong niyakap ni Mama para patahanin.

“Hindi totoo ‘yan. Hindi ako nanaginip. Totoo si Jil. Ma, paniwalaan mo naman ako oh,” umiiyak na sambit ko.

“I’m sorry, anak pero ‘yon ang totoo.”

“Sorry to interupt the scene but she needs to rest,” saad ng doctor at namalayan ko na lang ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko.

Nagising ulit ako sa hospital room na tinutuluyan ko. Tanda ko pa rin kung ano ang nangyari kanina mula noong nagkamalay ako. Pilit nilang sinasabi sa akin na nanaginip lang ako pero hindi ako naniniwala.

“Gising ka na pala, anak,” nakangiting sambit ni Mama. “Okay ka na ba?”

Hindi ako sumagot at tinitigan ko lang siya.

“Alam kong mabigat pa para sa iyo ang mga nangyari pero ipapakita ko sa iyo ang lahat,” sambit ni Mama.

“Anong ibig mong sabihin, Ma?” Ngiti lang ang iginanti niya sa akin.

Habang nakasakay kami sa taxi ay napapatingin ako sa mga dinadaanan namin. Hindi pa rin nagbabago ang lugar. Payapa pa rin.

Namalayan ko na lang na tumigil ang taxi'ng sinasakyan namin. Agad akong bumaba at nakita ko ang bahay namin. Ganoon pa rin ang itsura niya.

Agad na dumako ang mga mata ko sa tapat ng bahay namin. Inaasahan ko na makikita ko ang bahay nila pero iba ang nakita ko. Isang malawak na espasyo ang naabutan ko.

Paanong?

“Hinahanap mo ang bahay nila?” tanong ni Mama kaya mabilis akong tumango.

“Matagal na ang malaking espasyo na ‘yan. Hindi mo maalala? D’yan kayo nagkikita-kita ng mga kaibigan mo. At walang bahay na tinayo riyan dahil private property 'yan ng mga Sy.”

Doon ako natauhan. All this time, hindi totoo si Jil? Dala lang pala ng panaginip ko. Pero bakit parang totoo?

“Ano, naniniwala ka na?”

Hindi ko alam pero bigla ko na lang niyakap si Mama habang humagulgol.

Panaginip lang pala ang lahat. Isang magandang panaginip na kailanma’y hinding-hindi ko makakalimutan.

Summer in Bloom by tiramissyoulikecrazy

Summer in Bloom ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon