Once a Bully inlove

153 6 0
                                    

Theresa's POV

"You freak! hindi ka nababagay sa school na to! At isa pa hindi ka mayaman para sa school na to, kaya kung ako sayo umalis ka na" sigaw ni Sabrina sabay buhos sakin ng daladala nyang soft drinks.

They always do that to me every day papasok ako sa school. Yes, tama sila hindi ako fits sa school na to dahil mayayaman ang nagaaral dito, paano ako nakapasok sa school na to? dahil yan sa scholarship na binigay ng Evergrande Academy ito ang name ng school. Mabuti nalang at everyday may daladala akong extrang damit sa bag ko kaya hindi na ako umuuwi sa amin, dumaretso ako sa CR para magpalit pero sa pinto palang ay may bumuhos ulit sakin at this time harina naman, hindi ko na sila papatulan dahil baka ako pa ang magmumukhang may kasalanan dahil wala ni-isa akong kakampi. Nagpalit na ako at dumeretso sa library, doon lang ako hindi nabu-bully. Kumuha ako ng isang libro pero may isa pang kamay na kumuha nito tiningnan ko yung lalaking nakasabay ko sa pagkuha doon sa libro nakita ko si Gerald is a sa mga makulit Kong classmate. Kaya nag-agawan kami sa libro na yun.

"Give it to me" sabay hatak nya sa libro, pero hindi ako nagpatinag at hindi ko ito binitawan.

"Ako ang naunang kumuha nito Gerald kaya bitawan mo na to" sabi ko sabay hatak doon sa libro.

"Akin na sabi eh kailangan ko to para sa report ko" sabi nya sabay hatak ulit sa libro.

"Kailangan ko rin to kaya akin na" ako

"Hindi akin" sya.

"SHHHHHH silence" suway samin ng librarian, medyo napalakas kasi kami sa pagsasalita.

Noong nakakita ako ng chance ay hinatak ko ng mabilis sa kamay nya ang libro kaya nabitawan nya. Agad naman akong tumakbo papunta sa table ko at kinuha ang mga gamit ko at lumabas na ng library at pumunta na sa klase ko. Pagpasok ko agad naman nila akong binato ng lobong may lamang tubig kaya basang basa ako, gusto ko nang umiyak dahil sa sama ng loob. Natigilan naman sila nang dumating ang teacher namin.

"STOP it!" sigaw ng teacher namin. "Miss Agoncillo umuwi ka na muna sa inyo at magpalit i-eexcuse nalang kita sa klase ko but make sure na makabalik ka sa iba mo pang klase" dagdag pa nya tumango lang ako at umalis na. Lumalakad ako sa corridor ng mapansin kong may mga lalaking nagaabang at may hawak na lubid, nakadama ako ng kaba kaya tumakbo ako.

"Ayon sya habulin natin kaylangan nating makuha ang librong yun" dinig kong sabi nung isang lalaki.

Habang tumatakbo ako nakita ko si Gerald sa likod ko na hinahabol din ako mabilis syang tumakbo kaya binilisan ko rin ang takbo ko. Nakakita ako ng isang eskinita at doon nagtago hingal na hingal ako sa kakatakbo napalingon ako nung makita ko sa Gerald na papalapit sa akin at seryosong seryoso at may hawak ding tubig kaya tumakbo ulit ako palayo sa kanya. Tumakbo ako ng tumakbo at napansin kong marami na ang humahabol sa akin hindi ko na alam kung saan ako papunta. Nakakalita ako ng isang abandunadong building at doon nag tago, sa sobrang hingal ay napatigil ako sa pagtakbo. Nagulat nalang ako ng may biglang humawak sa kamay ko.

"Huli ka!" sabi nya, tiningnan ko sya at nakita kong si Gerald ang nakahuli sakin.

"Bitawan mo ako" sigaw ko sa kanya sabay hawi sa kamay ko, pero mahigpit talaga ang pagkakahawak nya sa kamay ko at medyo nasasaktan na ako. Hindi ko na pansin na tumulo na ang luha ko, sobra na sila hindi ko na talaga kaya ang pinanggagawa nila sa akin. Hinarap ko si Gerald habang tuloy parin sa pagiyak.

"Please, gawin nyo na ang lahat sa akin, batuhin nyo ako, buhusan ng tubig ng harina at kung ano-ano pa basta, please wag mo lang kunin ang librong to please lang dito nakasalalay sa librong to ang scholarship ko---"

Gerald's POV

Nagulat ako noong nawalan sya ng malay napakalupsi ng labi nya, hindi ko alam ang gagawin ko binuhat ko sya at nagpara ng tricycle at dinala sya malapit na health center. Kinuha ko ang librong pinagaagawan namin at nakita ko doon ang mga requirements nya para sa scholarship, nakokonsensya ako sa ginawa ko kung hindi dahil saakin hindi sya magkakaganito ang hirap pala ng mga gagawin ny para sa kanyang scholarship. Ilang sandali lang ay lumabas na ang isang babaeng health.

Once a BULLY inloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon