3

81 5 4
                                        

"Ano ba kasi ang pumasok sa isip mo at lumapit ka sa office na 'yun?" tanong ni Ven.

"Curious lang ako kung sino ang gumagamit."

"Reasons, ampupu." Umirap lang ako

"Sige na, ibababa ko na. May gagawin pa ako." Sabi ko, hindi ko na hinintay ang sagot niya at binaba na ang tawag.

Sinuot ko naman ang specs ko at tinignan ang CT scan ng isang pasyente sa monitor.

Mali ata ang pag-basa ng isang resident ng CT scan na 'to. It's Subdural Hematoma, not Epidural Hematoma. Geez.

Bigla namang may nag pop-up na notification sa phone ko, agad ko namang tinignan.

jake.reion started following you

It's Jake, I stalked his account bago mag follow-back.

"Jake Reion Alvarez. Brother. Son. Civil Engineer." Basa ko sa bio niya. Naks, 101k followers! Follow back ko naman.

Nag-scroll lang ako sa feed niya nung biglang tumawag si Nate.

"Oh, Nate?"

"Doc, kailangan po kayo ngayon dito sa ER."

"Sige, I'm on my way." Sagot ko bago ibinababa nag tawag. Kinuha ko muna ang specs ko bago lumabas ng office.

---

"Anong nangyari?" Agad kong tanong pag-dating ko ng ER. I immediately check the patient. Minor lang ang injured niya.

"Car accident po, Doc." Sagot niya.

"Kunan mo siya agad ng CT scan at MRI." Sabi ko, tumango naman siya. I proceed to the next patient.

"What happened to her?"

"Sumasakit po ang ulo niya at nag-susuka. Nakunan na po siya ng CT scan." Sagot ni Nate.

"Good job. Saan si Dr. Fuentez?" tanong ko.

"May biglaang surgery po siya." Sagot niya. Papasok na kami ng reading room, kung saan doon naming tinitignan ang mga CT scans at MRIs nung may tao na sa loob.

"Dr. Chen." Bati ni Nate.

Anong ginawa niya dito? Agad namang siyang tumayo, naka-specs pa siya.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba bukas pa ang simula mo?" Tanong ko, kunyari kalma, pero sobrang kabado ako!

He just shrugged.

"Ms. Vargaz have a Subdural Hematoma." Sagot niya. Napatingin naman ako kay Nate.

"Who's Ms. Vargaz?" tanong ko.

"'Yung babae po kanina sa ER. 'Yung sumasakit ang ulo at nag-susuka." Sagot niya, tumango lang ako.

"Ako na ang bahala. She's my patient after all." Sabi ko.

"Okay." Sagot niya at lumabas.

"Mag-kakilala po kayo, Doc?" biglang tanong ni Nate.

"Yeah." I answered and bit my lower lip.

---

"Nakakapagod na naman na araw." Sabi ko at nag-inat inat.

Agad naman akong lumapit sa vending machine para bumili ng kape. Grabe! Nakakapagod, buti nalang talaga at isang surgery lang ang ginawa.

"Lancie." Bigla naman akong napalingon nung may tumawag sa pangalan ko.

"Holy fu-" Nakakagulat naman 'tong lalaking 'to.

"Yron-I mean Dr. Chen." Bati ko at nag-bow ng konti.

Anak ng! Nasanay na akong mag-bow!

"Dito ka pala nagtra-trabaho." Sabi niya at may inalok na bottled coffee.

Be with You Again (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon