*****...Julian...
Alas 8 ng gabi, masaya akong naghahanda ng aming hapunan ni Gab. Madalas ganito ang sitwasyon pag wala akong pasok sa opisina at inaantay ang pag-uwi niya ng bahay para pagsaluhan namin ang ginawa kong ulam sa para hapunan.
Limang taon na din kami nagsasama sa iisang bubong nung inaya niya akong mamuhay kasama siya at bumuo ng mga pangarap namin dalawa. Sa loob ng limang taon na yun madalas bumabalik sa isipan ko kung paano nga ba kami nagsimula? Nakakatawang isipin na si Gabriel Martin o Gab na mahal na mahal ko ngayon ay dati kong kaaway. Ewan ko ba kung bakit ako nagustuhan niyan eh saksakan ng ka-homophobic, lagi akong binubully ng mokong na yan sa school. Oo sa iisang school kami nag aral ng college, siya bilang tipikal na student, mayaman at saksakan ng gwapo at ako na bilang isang scholar para makapag aral.
Siguro nga kapalaran na din ang nag udyok para makilala namin ang isat isa. Nung nagkakilanlan kami, nagtapat sya ng pag-ibig sa akin, sinagot ko siya,
lahat yun di ko malilimutan lalo nung araw na makagraduate kami pareho ng college. Pinakilala niya ko sa pamilya niya na laking gulat ko dahil agad nila akong tinggap, tinanggap ang relasyon namin. Bilang ako na lumaki bilang walang pamilya sobra akong natouch sa pag welcome nila sa akin.Sino ba naman ako diba? Wala akong makitang ka espesyal-espesyal sa akin. Ako bilang si Julian, yes ako si Julian Reyes. Na binigyan ng isang tao na katulad ni Gab. Ni hindi ko hiniling na magkakaroon ako ng isang taong tatanggap at magmamahal sa akin. Para bang napaka swerte kong tao. Ang gusto ko lang sa buhay ay simple lang. Makapag tapos ako ng pag aaral at makahanap ng magandang trabaho.
Sobrang saya ng mga taon na kasama ko si Gab sa buhay ko, tanggap kami ng pamilya niya, mga kaibigan at kamag-anak niya. Kasal na nga lang daw ang kulang na ang laging sinasabi niya sa akin ay "Soon!" sabay tawa. Pero deep inside gusto kong ikasal kasama siya.
Wala na akong mahihiling pa sa buhay basta kasama ko lagi sa tabi ko si Gab na mahal na mahal ako at ganun din siya sa akin.
*****
Mag-dadalawang oras na pero wala pa din siya. Nagsisimula na akong mag-alala. Kadalasan pag male-late yan ay sasabihan ako niyan pero dalawang oras na nung huli siyang mag text na pauwi na siya.
Ayoko itong mga pumapasok sa isip ko lalo nat hindi ko kasama sa tabi ko si Gab. Para akong mababaliw na ewan ng biglang tumunog ang Cellphone ko. "Bayaw" kapatid ni Gab ang nakarehistro sa CP ko at agad ko itong sinagot kahit na kinakabahan ako.
"Julian si Gab nasa hospital siya ngayon!" ang medyo kinakabahan niyang sabi sa akin. Kahit kinakabahan din ako nagtanong pa din ako.
"Tom ba...bakit nasa hospital si G...Gab?" ang hirap na hirap kong tanong sa kaniya. Pabigat na ng pabigat ang dibdib ko, parang sasabog na ito kasabay ng utak ko. Konti na lang tutulo na ang mga luha ko pero pinipigilan ko ito.
"Sorry Julian pero nabangga ang sasakyan niya sa isang karambola. Pumunta ka na agad dito"
May mga sinasabi pa si Tom pero para akong nabingi, bigla kong nalaglag ang CP na hawak ko, nawalan na ng lakas ang buong katawan ko kasabay ng pag agos ng mga luha ko. "Pero bakit? kanina lang nagtext pa siya na pauwi na siya ah? Bakit si Gab pa?"
****
Hindi ko alam kung paano pero nakarating ako sa Hospital kung saan andoon si Gab. Malala ang lagay niya at comatose daw sa sobrang lakas ng banggaang nangyari, ang ibang tao na damay sa karambola ay dead on arrival daw.
Habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto nya ay mas lalo akong nanghihina, walang tigil din ang pag buhos ng mga luha ko. Hindi ko alam kung kakayanin kong makita siya sa ganoong lagay.