Chapter 1

24 3 0
                                    

This is Traia :)

Chapter 1: Miserable Day

Traia's Point of View

Naiintindihan ko naman na nakakapagod mag-aral pero yung malate na hindi ko naman kasalanan?! Si ate kasi eh, ang bagal-bagal parang walang nadadamay sa kanyang kabagalan. Paulit-ulit na lang kaming nalalate dahil sa kanya. Nakakahiya kayang malate at pumasok sa room na lahat ay nakatingin sa iyo. Haysss, sa susunod hindi na ako mahihiya.

"ATE BILISAN MO NAMAN DYAN! Mommy oh malelate na naman kami," sigaw ko ni ate Collyn.

"Iiwan natin yan sa susunod, nak." Sabi ni mommy. BWAHAHAHA- wait, bakit 'di ngayon?

"Bakit po hindi ngayon?"

"May test daw sila, baka bumagsak." Sabi niya kaya napadilat ako.

HALA MAY PASULIT DIN KAMI FIRST SUBJECT. And worst thing is, science ito. Huhuhu. Yung new teacher namin na feeling matagal na siya sa school, may rule siyang sinabi last week na kapag daw malate ay hindi papasukin sa first subject which is yung subject niya. Pwede ba 'yon?

"ATE BILISAN MO MAY TEST PA KAMI FIRST SUBJECT BAKA HINDI NA AKO MAKAPASOK SA ROOM!"

"Bahala ka diyan." Wow ha.

So ginawa ko ay pumasok na ako sa sasakyan at nag-beepbeep. HAHAHA. Kala mo ha. So ayun, nagmamadali siyang lumabas dala-dala niya yung bag niya at hindi pa siya nakapagsuot ng socks at hawak niya ito sa kanyang kamay.

"Mommy, pakibilisan mo ha."

"Sige anak, baka tapos na nga yung flag ceremony niyo eh." Hala patay, nagsisimula na nga ngayon yung flag ceremony kasi 7:30am na.

---

Pagkarating namin sa school, nakaclose na yung gate kaya hindi na pwedeng makapasok ang mga sasakyan. Pero pwede pa kaming makapasok mga students.

"Bye mommy! Late na talaga kami." Sabi ko

Nagmamadali akong lumabas sa sasakyan at tiningnan ko muna yung ate ko.

"Kasalanan mo talaga to ate, tingnan mo lang mamaya. Hmph!" Sabi ko. Pero wala talaga akong plano sa kanya. Naiinis lang talaga ako sa kanya, as in. Wala siyang sinabi at nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Wow ang chill parang walang test.

Wala na akong nakakitang students na naglalakad sa hall. So late na talaga kami. Tumakbo na ako papunta sa high school building, papunta sa aming room. Salamat talaga at sa first floor lang yung room namin.

Kinakabahan talaga ako nang todo pagkarating ko sa tapat ng aming room. It's better late than absent! Tama!

Pagkahawak ko sa doorknob, nakalock ito kaya sinubukan ko yung sa kabilang pinto. Nakalock rin! Oh men!

May glass sa aming door kaya makikita yung sa loob at makikita kung sino ang nasa labas. Sinilip ko yung mga kaklase ko at nag-aanswer sila ng test namin ngayon. May nakakita sa akin at naaawa sa akin. Hindi na ko nagpumilit sa pagpasok. Iniwan ko ang aking bag sa lobby at tumakbo papunta sa cr.

Napaiyak ako. Sino ba namang hindi maiiyak? GC ako at hindi ko talaga gustong makamiss ng test lalo na ngayon na nandito ako sa school. Okay lang kung absent ako pero HINDI NAMAN AKO ABSENT, LATE LANG HUHU.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Begin AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon