CHAPTER 18

58 3 5
                                    

"Teka! Parang ayoko na sumakay diyan!"

Nandito kami ngayon sa isang amusement park ni Skie, sa Enchanted Kingdom. Natalo ako sa game namin at eto ang dare niya sa akin. Ang samahan siya sa pagsakay sa Space Shuttle. Roller coaster na bali-baliktad na hindi mo maintindihan ang itsura.

"Malapit na tayo, oh! Sige na!" Pagpupumilit niya.

"Ayoko na."

Lumaylay ang balikat niya. "Please?"

"Takot nga talaga ako!" naiinis nang sabi ko.

"Then face your fears!" Kunot-noo ko siyang tinignan. "Kasama mo naman ako eh."

Umiling ako. "Ayoko talaga. 'Di ko kaya."

Luminga-linga siya sa paligid. "Then saan tayo sasakay?"

Tumingin ako sa ibang rides. Tss! Nakakainis! Lahat ng nandito, extreme rides! Para akong bata kung aayain ko siyang sumakay ng mga rides na pang teenager o pangbata.

Nahihiya akong tumingin sa kanya. "Hindi ko alam."

"Ha?"

"Eh parang lahat naman yan 'di ko kaya eh... Ayoko."

"Then anong gagawin natin dito?" Tumaas ang kilay niya.

"Ako ba nagsabing dito tayo pumunta?" Tinaasan ko rin siya ng kilay.

"Yea, right." Inalis niya ang tingin sa akin at bumuntong-hininga. "Kain na lang muna tayo."

Hinabol ko siya dahil nauna siyang maglakad. Tahimik lang kaming naglakad papunta sa food court hanggang sa pag-upo. Ako na sana ang o-order pero inunahan niya ako. Tinanong niya lang ako kung ano ang kakainin ko at umalis na.

Galit ba siya? Parang rides lang eh tsh! Pero ano nga ba kasi ang gagawin namin dito kung halos lahat ay ayokong sakyan? Pero ano rin magagawa ko kung natatakot talaga ako? Gusto ko rin naman ah! Nauunahan lang talaga ako ng takot ko!

Argh!!! Nakakainis!

"Thank you," sambit ko nang bumalik siya at ilapag ang pagkain sa table.

Hindi niya ko sinagot. Palihim ko lang siyang inirapan at tinuon ang atensyon sa pagkain ko.

Bakit parang ang hirap naman makahiwa nitong kutsilyo ko? Argh! Nanggigigil na ako pero hindi pa rin ako tapos hiwain 'tong steak ko.

Napamaang ako nang hawakan ni Skie ang kamay ko at kunin ang plato ko. Siya ang naghiwa ng pagkain ko. Pinanood ko siya na seryoso sa ginagawa.

Mabilis niya namang nahiwa yon! Pahamak 'tong kutsilyo, peste! Argh!

Tahimik lang niya iyong ibinalik sa akin. Nang hindi ako magsimula sa pagkain ay inangat niya ang tingin sa akin.

"Ayaw mo rin kumain?" Sarkastikong sambit niya.

Kinagat ko ang labi ko at nagpigil ng inis bago alisin ang tingin sa kanya at magsimula sa pagkain.

Naubos ko na lahat-lahat ang pagkain ko pero hindi pa rin siya nagsasalita. Seryoso lang ang mukha niya at hindi ako tinitignan. Nang matapos kumain, kinuha lang niya ulit ang phone at nagpipindot doon.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako, matatawa o magagalit. Hindi niya ako pinapansin dahil lang don??? Ang babaw naman!!!

"Hey," mahinang tawag ko.

"Bakit?" mahina ring sagot niya.

"Galit ka ba?"

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman ako magagalit?"

After AllTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon