Kabuoan

14 2 0
                                    


| • • • |

Nicole Park and Kim Namjoon! Dalawang taong nag mamahalan, ngunit pinaghiwalay nang kapalaran. Saklap no? Pero yan ang totoo!

Parehong galing sa mayamang pamilya sila Nicole and Namjoon, Parehong nag iisang anak at taga pag mana ng kanilang ari-arian. Tila wala na silang mahihiling pa, dahil nasa kanila na lahat! Maganda, Gwapo, Parehong matalino, Parehong mabait, Parehong mapag mahal na anak. At higit sa lahat, Parehong mayaman na hinahangad nang karamihan!

Pero sabe nga nang matatanda. Hindi lahat nang tao sa mundo ay pare-pareho! At isa najan sila Nicole and Namjoon. Yes! they are both kind, smart, and rich! Pero kung tungkol sa pamilya ang pag-uusapan, jan sila magkakatalo!

Tulad nga nang sinabe ko. Isang mabait, matalino at mapagmahal na anak si Nicole. Kung kayat mahal na mahal siya nang mga magulang niya. Everything her wants, nakukuha niya. And whatever she wants to do, supportado siya nang mga magulang niya. But she was ten years old when her Dad died in a car accident. Kaya ang mapagmahal na mommy nalang niya ang nakasama niya hanggang sa paglaki.

Like Nicole, Namjoon is a kind, wise, and loving son. Pero kung anong pamilya mayroon si Nicole, kabaliktaran naman nun ang kay Namjoon.

Kahit kailan hindi niya naramdaman ang pag mamahal nang isang magulang! Laging walang time ang mga magulang niya sakaniya and minsan niya lang itong makasama.

Kung si Nicole, lagi niyang nakukuha ang gusto niya: si Namjoon, hindi! At kung si Nicole, supportado nang parents niya sa mga gusto nitong gawin: si Namjoon hindi!

Kahit kailan hindi nakuha ni Namjoon, 'yung mga bagay na gusto niya! Kahit kailan hindi siya nakatanggap nang supporta sa mga magulang niya! Bagkus, kung anong gusto nang parents niya, 'yun ang dapat na masunod!

Tulad nalang nang pagpapakasal ni Namjoon, sa isang babae'ng he didn't even know, and most of all he didn't love!

Nagkakilala sila Nicole and Namjoon sa isang park. Kung saan maraming mga batang masayang naglalaro. Tulad nga nang sinabe ko, pareho silang nag-iisang anak! Gustong-gusto nilang magkaroon nang isang kapatid pero hindi sila mabigyan. Kaya lagi silang nagpupunta sa lugar na iyon.

Pero hindi nila sukat akalain na makikilala nila ang isat-isa nang lubusan! Naging mag Kaibigan sila, hanggang sa nagka-IBIGAN! At hindi rin nagtagal naging sila na.

Ipinakilala ni Nicole si Namjoon, sa mommy niya.  Agad naman itong tinanggap ng mommy ni Nicole at wala silang naging problema. Dahil kung saan masaya si Nicole, doon siya.

Pero pagdating sa pamilya ni Namjoon, doon sila nagkaroon nang problema. Hindi tanggap nang pamilya ni Namjoon ang iniibig nito. Dahil nakatakda nang ipakasal si Namjoon sa ibang babae.

Kung hindi ni Namjoon, hihiwalayan si Nicole. Kakalimutan siya nang pamilya niya. Itatakwil siya! Itatapon na parang basura. Ayaw ni Nicole na mangyari 'yun kay Namjoon. Pero ayaw naman siyang iwan ni Namjoon dahil mahal siya nito.

Kaya kahit labag sa kanila, itinago nila ang kanilang relasyon. Palihim silang nagkikita at nag-iibigan! Nahihirapan at nasasaktan sila sa kanilang set-up. Lalong-lalo na si Nicole. Pero kahit papaano, masaya naman sila. Lalo't mahal nila ang isat-isa!

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, pinagtagpo pero hindi itinadhana!

Halos isa't kalahating buwang coma si Nicole, dahil sa car accident kasama si Namjoon. Nawala din ang mga ala-ala niya! Wala siyang matandaan na kahit na ano nung magising siya! Kahit ang sarili niyang ina pati narin ang lalaking kaniyang sinisinta ay hindi niya maalala!

At dahil mahal na mahal siya nang mommy niya, ginawa nito ang lahat upang hindi na muli pang bumalik ang mga ala-ala niya! Dahil walang inang gugustohing nakikitang nasasaktan ang sarili niyang anak.

Batid din niyang mas masasaktan si Nicole, sa oras na bumalik ang mga ala-ala nito at malaman kung anong nangyari sa lalaking kaniyang iniibig!

Pero simula nung magising si Nicole, mula sa pagkaka-coma lagi siyang nananaginip! Para sa atin, normal lang namanaginip! Minsan nga, ipinag darasal pa natin na mapanaginipan natin si crush! Pero paano kung ang panaginip nayun ang maging dahilan upang naisin niyang bumalik muli ang kaniyang ala-ala? Paano kung dumating ang araw na may maalala siya? Paano kung hanapin niya ang lalaking minamahal niya? Ano kayang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nangyari sa lalaking kaniyang sinisinta!?

| • • • |

'ANG LALAKI SA AKING PANAGINIP'

Ang lalaki sa aking Panaginip(𝒐𝒏 𝒈𝒐𝒊𝒏𝒈)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon