Aemhyrine's POV
I couldn't believe that I would wake up because of him. He called me and invited me to take a lunch.
Treat nya daw dahil nililigawan na nya ako at sa wakas mag momotor kami dahil nakakatamad dalhin yung kotse ko.
Napakaaga pa para lang mag-ayos! 7 AM ako nagising dahil lang sa pagpili ng susuotin kong damit.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero ayoko talaga nito. Hindi ako excited sa lunch namin no! Naisip ko lang talaga na mabilis lang naman kasi ang oras sa umaga kaya kailangan kong agahan ang gising ko, mabagal kaya ako kumilos.
I don't want someone to wait for me.
Ilang oras din ang nakalipas at nakapag-ayos na ako. Backless na maroon dress nalang ang sinuot ko sakto namang nasa baba na din sya kaya bumaba na ako.
"You are stunning, halatang pinaghandaan mo ang date natin ha?" Pang-aasar nya.
"What? No way! Eto lang talaga ang available sa closet ko. Tara na nga!" Nalimutan ko yatang mag momotor kami kaya nililipad yung dress ko habang umaandar kami.
1pm na din pala, nag-punta kami sa korean restaurant. He's sweet and gentlemen yun ang maidedescribe ko sakanya ngayong araw dahil palagi nya akong pinapauna sa lahat ng bagay.
Habang wala pa yung order naisipan ko naman agad na mag-banyo. Sakto naman na tumawag si Maxine.
"So what's going on?"
"Oh thanks god you called me, kanina pa ako kinakabahan na masaya na hindi ko alam! Help me to figure this out."
"Can't you see? You're falling! Nahuhulog ka na sa Calvin na yan. Just take care. May gagawin pa ako babye."Hell no! Ako? Mahuhulog sa Calvin na yon? Okay sabihin na nating gusto ko nga sya. Ganito ba talaga pakiramdam non? Ito yung unang beses na magkakagusto ako at hindi ko alam kung paano pigilan to.
Bumalik na ako kay Calvin dahil baka magtaka pa sya sa pagtatagal ko sa banyo.
"What's taking you so long? Kumain na tayo." Sabi nya sa akin.
"You put make-up? You are blushing." Nag-init naman ang pisngi ko sa sinabi nya.
"None of your business, kumain nalang tayo." Sagot ko sakanya
"Ganyan ba palagi ang family mo?" Hindi naman ako nakaimik agad.
"Sorry to ask, ayos lang kahit hindi mo sagutin."
"Oo ganun sila palagi, nakakapagod na nga eh. Pero ayos lang nasasanay naman na ako. Wala na kasing time si mom kay dad noon kaya siguro naghanap ng ibang mapaglilibangan si dad at naging dahilan nang pagkalulong nya sa sugal." Paliwanag ko sakanya
"I see, basta twing nangyayari yon pwede mo kong tawagan, sinaved ko yung number ko sa phone mo nung nalasing ka at hinatid kita kaya din natawagan kita dahil niring ko na."
"Don't touch my phone again okay?" Inirapan ko nalang sya
"Sungit mo naman." Tumawa nanaman sya, yung tawa nyang mas nahuhulog ako.
Ibinalik ko sa ayos ang sarili ko. Kumirot naman bigla ang ulo ko at parang umiikot ang paligid ko.
"Hey you okay?" Naging ayos naman na ulit ako, hindi lang siguro ako nakapagbreakfast kakaisip ng susuotin kong damit.
That's why I don't want to fall inlove, madami akong bagay na makakalimutan and I don't want to commit.
Ngumiti ako sakanya para ipakitang ayos lang ako.
"May dumi ka sa labi." Aalisin ko na sana pero bigla nyang nilapit yung panyo at sya na ang nagpunas.
Nanigas naman ang buong katawan ko sa ginawa nya, nahihiya ako na ewan ko ba! Hindi ko nanaman mafigure out yung nararamdaman ko.
Pagkatapos namin kumain inaya nya ko sa park kung saan yung pangalawa naming pagkikita.
Buti nalang hindi ako sa bar nagpunta noon dahil malungkot ako, kung hindi eh baka hindi na kami nagkita.
Ang bilis naman ng oras, maggagabi na agad.
"Are you sure about your feelings? Do you really like me?" Tumabi sya sakin.
"Yes. Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ko sayo eh basta tinamaan nalang ako sayo." Posible ba talaga yun? Makita mo lang ang isang tao mamahalin mo na agad? Ang labo naman.
Pero kahit na pinagdududahan ko yung pagmamahal nya sa akin hindi ko na maiwasan na hindi ngumiti. Pumunta ako sa isang puno at kumuha ng bato.
Ang corny pala talaga mainlove no? Yung mga bagay na nakikita mo lang sa isang palabas gusto mo na ding gawin sa personal.
Inukit ko yung Initial naming dalawa at pinalibutan ito ng heart.
"Ano naman sinulat mo dyan ha?" Hindi nya nakita yung inukit ko.
"Hatid mo na ako, lumalamig na eh gabi na din. Gusto ko maabutan sila mom magdinner."
Bigla nyang pinatong sakin yung jacket na suot nya at inangkas ako sa motor nya.
Ang bilis nya magmaneho kaya napakapit ako sa bewang nya.
Sinasadya nya talaga na bilisan para mapayakap ako sakanya. Nagtagumpay naman sya dahil nakapulupot na yung kamay ko sa katawan nya.
Pagdating namin sa tapat ng bahay hindi na sya nagpumilit pa na pumasok kahit na inaaya ko sya dahil may gagawin pa daw sya.
"Sige ingat ka ha a-ahm thanks. You made my day." Sabi ko sakanya
"No, you made my day. Good night, pasok ka na.
"Goodnight bye." hinalikan ko sya bigla sa pisngi sabay takbo papunta sa loob ng bahay namin.
Napapikit naman ko sa ginawa ko dahil nakakahiya! Wno bang nasa isip ko? Ako pa yung nag first move.
Sana naman alam na nya na may gusto din ako sakanya.
"Alam kong nandyan ka pa sa gate nyo, kita ko kaya paa mo sa baba. I love you too aemy." Tapos narinig kong tumawa pa sya at pinaandar na yung motor nya.
Shocks nakakahiya talaga. Dumeretso ako sa living room para ayain sila na mag dinner ng sabay sabay.
"Aemy saan ka galing?" Tanong sa akin ni dad.
"Ahm may pinuntahan lang po." sagor ko sakanya.
"Ang bata bata mo pa nakikipaglandian ka na kung kanikanino! Pinapayagan kitang magparty sa kahit na anong oras na gusto mo! Hindi kita sinisita kahit na palagi ka saming tumatakas ng mommy mo tapos malalaman ko na nagdadala ka ng lalake dito sa bahay?" Mukhang nagsabi si manang kay dad.
"Eh bakit ba? Ngayon nyo pa ako mapapansin kung kailan nagiging masaya na ako? Ano bang problema nyo?!" Hindi ko na napigilan na taasan yung boses ko.
"KANINO KA NATUTUTONG SUMAGOT!? DYAN BA SA BOYFRIEND MO? SIMULA NGAYON GROUNDED KANA HA! AKYAT! DUN KA NA SA KWARTO MO KUMAIN." hell no.
"NO WAY! I WILL DO WHAT EVER I WANT TO DO! YOU CAN'T STOP ME!" bigla naman nya akong sinampal.
Ano bang mali? Anong mali sa nararamdaman ko ngayon? Gusto ko lang naman makawala sa reyalidad.
"kahit kailan hindi nyo ako pinagbigyan na maging masaya." Umakyat ako sa kwarto ko at nilock ang pinto ko.
Sa ilang taon na kalungkutan ko, si calvin lang yung nagbigay ng kasiyahan sakin tapos mawawala pa.
Kinakatok nila ako at pinipilit buksan ang pintuan ko.
"HAYAAN MO NA NGA YANG ANAK MO PARA MAGDALA!" sigaw ni daddy sakanya.
"WHAT DID YOU DO MICHAEL! YOU KNOW WHAT? WE ARE DONE! AYOKO NA, MAGHIWALAY NALANG TAYO!"
"TALAGANG HIHIWALAYAN KITA! WALA KANG KWENTA MAGING ASAWA." Rinig ko yung pag-aaway nila dahil nasa tapat lang sila ng kwarto ko.
Dumungaw ako sa bintana, nakita kong dala na ni daddy ang mga gamit nya, nakita ko kung paano nya iwan si mommy.
Mahal na mahal ni mom si dad at alam kong nadala lang sya sa galit, hinabol nya si daddy pero umalis na sya nang tuluyan dala ang kotse nya. Napaupo naman si mom at ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya
at ngayon, ako? hindi ko na alam ang gagawin ko..
Ang sakit sakit mabuhay sa mundo, nakakapagod pala talaga maging tao.

YOU ARE READING
Dream Hell (COMPLETED)
RandomHow do I escape in this situation? May 16, 2020 - May 17, 2020