PANGALAWA

13 0 0
                                    

Lisa POV

Habang nakain ako ng agahan ay hindi ko maalis sa aking paningin ang cellphone na hawak ko habang naghihintay ng text kung pasado ba ako sa University na papasukan ko..

"Lisa" tawag sakin ni Mama

"Ma gising ka na pala, kumain na po kayo"

Kumuha naman agad ako ng plato at kutsara at inabot ito sa kaniya..

Habang nakain kami ay panay ang tingin sakin ni Mama kaya naman ay nagsalita na ako.

"may gusto ka bang sabihin Ma?" natatawang tanong ko sa kaniya

"Saan ka nagpunta kahapon?" taas kilay na tanong niya

"Nagpunta po ako ng Church"

"Church? hindi ka naman madasaling tao" nang-aasar na sabi niya

"grabe siya oh" ngiwing sabi ko

Natawa na lang siya at pinagpatuloy kumain.

Simple lang naman ang buhay namin ni mama, teacher siya sa isang sikat na university, anak ako sa labas ni papa may pamilya na siya bago pa man sila nagkakilala ni mama pero hindi naman yun naging dahilan para hindi kami magkita na dalawa.

Minsan nagpupunta dito si Papa para bisitahin ako at nagbibigay siya ng pera kada buwan, siya din yung tumulong kay mama para magkatrabaho.

Maimpluwensyang tao si papa, may-ari ng pangalawa sa pinakamalaking business sa buong Asia at may-ari ng University na pinagtatrabahuhan ni mama at ang University na gusto kong pasukan.

"may iaabot nga pala ako sayo"

Taka naman akong tumingin sa kaniya ang kinuha ang envelope na hawak niya.

Tinignan ko naman ang laman nun at schedule ang nakalagay.

"nalaman ng papa mo na nagtake ka ng exam kaya inabot niya sakin yan"

"naghihintay ako ng text galing sa Administration kung pasado ako tapos magugulat na lang ako may sched na ako"

"pinapaabot niya din sakin to para ibigay sayo"

Kinuha ko naman ang certificate na binigay.

"pumunta ka ng school ngayon para kunin ang dalawang sets at pe uniform, iabot mo yan dun sa Dean"

"M W ang uniform at T TH ay civilian at ang F ay pe uniform" dagdag na sabi niya

Niyakap ko naman siya ng mahigpit at binigyan ng halik sa noo.

"thank you ma"

"sa papa mo ikaw magpasalamat kaya tawagan mo siya mamaya"

Tango naman ang sinagot at umakyat na ng kwarto.

Naligo at nagbihis lang ako ng jeans at white shirt.

"aalis na po ako" paalam na sabi ko

Sinakyan ko naman ang motor na bigay sakin ni Papa nung birthday ko.

Vogue International College

Hindi pa man ako nakakapasok ay hinarangan na ako ng gwardiya.

"next week pa ang pasok"

Kinuha ko naman ang papel sa bag ko at pinakita ito sa kaniya.

"Manoban, Lalisa Panpriya" basa niya sa pangalan ko

"anak ka pala ng isang teacher dito at naparito ka para kumuha ng uniform"

Binalik naman niya ang papel sakin at pinagbuksan ako ng gate.

Pinara ko naman ang motor ko sa gilid at bumaba.

Napamangha ako sa laki at ganda ng school pagpasok mo palang sa loob ay hallway ang bubungad sayo na may maliit na stage kung saan pwede kang mag perform, ilang metro pa ang lalakarin mo para lang marating ang mga rooms at isa lang ang masasabi ko napakagandang pasukan. May malawak silang field, may sariling garden at yung pool grabe napaka lawak, may malawak din sila court kung saan pwede pwede kang sumigaw, may studio na pwedeng praktisan ng sayaw, music room, malaking library at marami pa.

"Grabe kaya pala napakamahal din ng tuition fee dito kasi sulit din ang bayad mo"bulong na sabi ko

Habang hinahanap ko ang Dean's Office nakarinig ako ng boses na nagmumula sa music room.

Pinuntahan ko naman ang music room at isang babae ang nagpapiano habang kumakanta.

🎤 You're the coffee that I need in the morning
You're the sunshine in the rain when it's pouring
Won't you give yourself to me
Give it all, oh

I just wanna see
I just wanna see how beautiful you are
You know that I see it
I know you're a star
Where you go I follow
No matter how far
Is life is a movie
Oh you're the best part, oh oh oh
You're the best part, oh oh oh
Best Part 🎤

"ang ganda ng boses" palakpak na sabi ko

"sino yan?" tanong niya

"ahh kasi ano hinahanap ko yung Dean's office pero narinig ko yung boses mo kaya pinuntahan ko"

Lumingon naman siya at kinagulat ko na siya na naman ang nakita ko.

Iniripan naman niya ako at lumapit sakin.

"hindi ka ba tinuruan ng magulang mo ng magandang asal?" taas kilay na sabi niya

'hindi niya ako natandaan?' malungkot na isip ko

"ha? sorry sige aalis na ako"

Isang hakbang palang ang nagagawa ko bigla niya akong hawakan sa kamay at iniharap sa kaniya.

Tinitigan ko naman ang mukha niya at sobrang ganda niya talaga hindi nakakasawang titigan.

Tumingkayad naman siya at kinagulat ko ang mga sumunod na pangyayari.

*Tsup*

Yung first ko wala na...

Dangerous Love Where stories live. Discover now