Princess Beautiful's P.O.V.:
Ako nga pala si Princess Beautiful. Iyan ang ipinangalan sa akin ng mudra ko, dahil sapagkat becoz naniniwala siya na kapag ang sanggol na ipinagbubuntis pa lang ay pinangalanan ng napakagandang name ay magbubunga ito ng isang napakagandang nilalang.. But,But ,But laking pagkadismaya ng parents ko especially ang ambisyosang mudra ko nang iluwal niya ako dahil hindi isang magandang nilalang ang nasilayan nila, kundi isang napaka chakang nilalang. Napatili at napasigaw silang lahat sa takot pagkakita nila sa akin.
"Aaahhhhhhh!!!! Aaahhhhhh!!!! " Sabay- sabay na tili nila.
"Halimaw!, chaka doll!, tiyanak!, impakta!" Kanya kanya sila ng opinyon pagka kita nila sa akin. Akala mo naman eh kung sinong mga kagandahan at kakinisan, kung makapanlait shocks!. Unfair talaga ang earth kung minsan. Tsk.. tsk...
Anyways nananatiling Princess Beautiful ang name ko despite of my chakaness..
As i grow up dumadami rin ang mga nambu bully sa akin. Mapa-babae, lalaki, baklush, tibamba, kulang na lang pati mga nuno sa punso at alien sa kabilang planeta ay mam-bully din sa akin. Ang sarap talaga nila buhusan ng kumukulong mantika! With feelings! Hahahaha.
Ito iyong mga words and phrases na ibinabato nila palagi sa akin:
1. Matalino man at magaling. Ang chaka, chaka pa rin.
2. Anyare sa mukha mo?? Parang hindi pa uso iyong tao.
3. Alam mo na ba ang latest? Ikaw ang bida sa remake ng halimaw sa banga!
4. Female version ka ba ni chuckie?
At minsan kahit naglalakad ako sa kalsada. May kakalabit sa akin.
5. Ui 'di ba ikaw iyong anak ni Janice? iyong Chanak??!!
Napapaiyak na lang ako sa mga pang-iinsulto nila sa akin, pero habang tumatagal nagiging manhid na yata ako. Wala akong naging bestfriend o kaibigan man lang na posibleng magtanggol sa akin. Tanging magulang at bunsong kapatid ko ang mga naging kakampi ko sa mga oras na pinanghihinaan ako ng loob. Kapag nilalait nila ako isa lang ang nagiging sagot ko: "Pakialam niyo ba!! At least ako mabuti ang kalooban, at never ako nanghamak ng ibang tao."
Ang isasagot naman ng mga talipandas na nambu-bully sa akin: "Ganyan talaga ang paniniwala ng mga chaka!" At sabay sabay silang tatawa na animo'y mga kontrabida sa teleserye.
Minsan nga gusto ko na tanungin yung mudra ko ng mga ganito: " Nay tao ba ako inay? "Inay bakit iyong itsura ko 'nay parang hindi pa uso iyong tao?". "Isa ba akong stapler? paper clip? o giniling sa freezer?"
Sa generation ngayon halos lahat ng mga tao ay mayroong facebook, twitter, instagram at kung anu-ano pang social networking sites. Pero kahit saksakan ako ng chaka may facebook, twiitter at Instagram ako. 'Di ba ang sosyal? Kapalan lang ng fez Hahaha Chos! Sabi ng mga detractors ko (naks! artista lang ang peg) ang kapal kapal daw talaga ng mukha ko kasi may guts pa daw ako magpost at mag- upload ng mga selfie ko sa fb, twitter at instagram eh sobrang chaka ko naman daw.
"Pakialam niyo ba!! Walang basagan ng trip!! Pwede??" reply ko sa kanila 'pag naka online ako at busy sa pagti tweet. Pero kadalasan hindi ko na lang sila pinapansin. Naii- stress lang ako baka mabawasan pa iyong chance ko gumanda in the future Chos! Hashtag Feelingera. Kasi ako din naman ang talo.
Halos everyday akong trending sa mga newsfeed ng facebook, twitter, at instagram courtesy of my devilish detractors. Kulang na lang mapa sali ako sa Top 10 Trending sa Yahoo at Google.. Paano ba naman kung maka- hashtag sila sa akin wagas.. Like this:
YOU ARE READING
Now Trending Chakaness Fever
HumorAko nga pala si Princess Beautiful... Iyan ang ipinangalan sa akin ng mudra ko, dahil naniniwala siya na kapag ang isang sanggol na ipinagbubuntis pa lang ay pinangalanan ng napakagandang name ay magbubunga ito ng isang napakaganda, at napaka cute n...