Chapter 4

55 1 5
                                    

Gusto ko lang ng masayang relasyon, yung kahit hindi kayo perpekto hindi pa din kayo maghahanap ng iba para lang mapunan ang pagkukulang ng bawat isa...

-Sky

@Jnndvdfrrr

------

Haaaaay...

Si Storm talaga magtetext bigla tapos kapag nireplyan mo na ang tagal bago sumagot. Magkikita dapat kami pero parang malabo kase hindi siya nagpaparamdam..

Baka naglalaro o kaya naman baka tulog, Pero alas dyes ng umaga na at naggigising yon ng 8 am. Baka walang load...

Haaaay

OVERTHINKING AGAIN -.-

----

Ring! Ring! Ring!

Storm's Calling....

Ako: Oh napatawag ka? Akala ko magkikita tayo? Bomba nanaman to no? O sige na itutulog ko nalang to maaga pa naman...

Storm: Wait, San ka niyan?

Ako: Kwarto, Nakabihis, Nakatunganga at naghihintay

Storm: Baba ka dito sa sala nahihiya ako sa Mom and Dad mo Hahaha

Ako: Sira kaba? Asan kana nga?! Isa..

Call ended*

Mommy: Skyler bumaba ka dito may bisita ka..

Ohmy! Andito nga sa bahay si storm, Pero paano niya nalaman bahay namin?! Tapos Sorpresa pa?

*blushing* Hihihihi

Pagbaba ko kaagad sumalubong sakin yung mukha nyang sobrang cute pati yung ngiti nyang umaabot hanggang Chocolate factory sa sobrang tamis, Hay iba talaga feeling pag nakikita ko siya :)

Sabi sakin ni Storm kinabahan daw siya kase first time niya pumunta ng bahay at May dala dala pang pansit at kalamay na ube, Ano to sinusuhulan akong pagkain?! E alam naman niyang hinding hindi ako tumatangi sa pagkain! Kainis -.-

Hahahaha oh buti may dala kang Foods? Alam mo talaga pansuhol mo saken no?! Hahahaha -Sky

Oo sinadya kong galitin ka para intense tsaka sweet ang unang day ko dito diba, tsaka sabi mo noong una kitang mkatext nagccrave ka ng pansit at kalamay na ube diba? Kaya binili kita. Tinanong ko pala kay Ana yung address nyo, Papasama sana ako kaso may pasok siya kaya ako nlang hahaha although medyo naligaw ako ng 3 beses lang naman bago ako makadating dito, Sulit naman kase nakita na kitang simangot ka hahaha -Storm

So talagang kinonsensya pa ako sa pagkakaligaw niya hahahaha pero Realtalk? Kinilig akong sobra hahaha sino ba namn hindi kikiligin diba? Hamburger lang na walang cheese hiningi ko kay Lord tapos binigay nya saken Value meal na agad may extrang laruan pa diba? Haaaay

After namin kinain yung dala niya nagyaya nako umalis at pumunta sa Mall, Pagkadating namin sa mall akala ko tapos na surprises niya hindi pa pala. Kaya pala nagttext saken yung bff ko kung Asan na daw kame at kung matagal pa kame pagkadating namin sa Mall nakita ko siya may hawak na flowers tapos hindi ko nalang pinansin kase pasakay siya ng elevator non akala ko bigay ng boyfriend nya, Pagkatapos sabi ni storm saken kung kapag binigla niya ako magagalit daw ba ako sakanya, Naweirdohan ako sa tanong niya but i replied No, at depende naman sa case ng pagkabigla diba hahaha naccurious tuloy ako. Hinawakan niya kamay ko pagkatapos niyaya nya ako sa kabilang side ng Mall sa may malaking garden ng Mall, Tapos sabi niya saken ppiringan kita ha tapos aalalayan naman kita habang nglalakad ka sabi niya saken, Tapos pagkapiring ng mata ko nglakad na kame...

Hanggang sa umabot kame sa tabi ng mga bench,

Tapos tinanong niya ako, Ready kana ba? Sabi niya saken..

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Wala akong idea habang nakapiring ang mga mata ko kung ano ang mga nangyayare sa harapan ko, May mga naririnig ako na nagssenyales na Okay na, okay na? At yung game na, start na. Yung puso ko lakas maka-Dugdug ... Ang sarap pakinggan ng mga sinasabe nya saken, Nakakapanlambot ng tuhod, Sabi niya saken...

Sky, From the first time i saw you i dont have idea to like you and do this things just for you, At that time i just want to see you because i need a buddy right? Then i asked you if you can pretend like her just to answer my questions then you did, Tapos bigla mo nalang sinabi saken na Meron pa palang tulad ko na kayang magpakatanga para lang magsurvive at magwork pa yung relasyon. Tapos sabi mo pa saken na kung Ikaw si yvonne, Hindi kana maghahanap pa kahit na milya milya ang layo naten sa isa't isa ayos lang kase wala ka ng pproblemahin saken kase sinabi mo nga saken na Sa communication okay ako, Pagiging Loyal okay din ako pati sa pagpapasensya at pagpapahalaga. Kaya nga nag isip ako nubg sinabihan mo akong Sinasayang lang ako ni Yvonne. Tapos habang tumatagal yung saten, Alam mo Sky tinuruan mokong kahit hindi pinapahalagahan ang mga bagay na nagagawa ko okay lang kase may mga tao naman na nakakaappreciate non kaya dapat kong ituloy lang.. Gusto kong ituloy yon sayo sky, At kahit kailan hinding hindi na matatapos pa. Kaya gusto kitang tanungin, Pasensya na kung biglaan gusto ko lang talagang biglain ka tulad ng pagdating mo sa buhay ko. Siguro din kaya dahil hindi tayo pinalad sa mga nakaraan naten kase yung oras na to, Ito ay para sa atin. At sana tulungan mokong ituloy to ng nakahawak ka sa kamay ko habang nakasandal ka sa balikat ko. Mahal kita Sky, Hindi yon matatapos...

Pagkatanggal ng piring ko Sumalubong sa mata ko yung mga kaibigan ko at kaibigan niya na may dala dalang mga box, Pitong Box..

Lahat ng Box may laman at ang laman nila yun yung mga tanong na...

[ WILL ]
[ YOU ]    
[ BE ]     
[  MY  ] 
[ GIRL  ]     
[  BESTFRIEND  ]    
[  HALF HEART  ]

Nablanko ako bigla sa sobrang saya at hindi ako nakapagsalita agad sa tanong niya, wala akong ideya na ganon ang mangyayare sa araw na to. Lahat ng mga bagay na gumugulo sa isip ko tungkol sa aming dalawa lahat yon biglang nawala sa sobra kong saya napa Oo ako at napayakap ng mahigpit sakanya. Unang beses palang sa 20 years ng buhay ko nagkaroon ng tao na handang gumastos at maghanda ng ganong mga bagay para sa simpleng Oo ko. May mga tao pa palang gagawin lahat para lang sa dalwang letrang yon. Ang saya ko. Sobrang saya parang ako nga ang sinagot sa sobrang sayang naramdaman ko sa ginawa niya. Pagkatapos ko siyang sagutin, Pinalipad ng mga kasama namin ang mga lobo na nasa loob ng mga box, Pitong Lobo na simbolo din ng araw na to sa pagkakasagot ko sakanya..

Ako na ata ang pinaka masayang Girlfriend sa universe, Akala ko kase hindi kame aabot sa ganito e...

There's No UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon