Lost Soul

6K 199 76
                                    


Umiihip ang malakas na hangin na tumama sa mukha ko upang magulo ang hibla ng buhok ko na nakatabing sa aking mata.

Nakaupo ako sa damuhan habang tinititigan ang lapida ng mga magulang ko at nasa taas ay ang mga bulaklak na binili ko pag katapos ng klase upang dumeretso dito at bisitahin sila.

Reynelien Aros-Martin
Born: August 06, 1979
Died: June 06, 2014

June Del Yaco Martin
Born: June 06, 1970
Died: June 06, 2014

Napaka sakit lamang dahil ang petsa ng kamatayan nila ay ang petsa ng kaarawan namin ni Papa.

Ni hindi ko man lang nasabi sa kanila kung gaano ko sila kamahal sapagkat agad na silang pumanaw at ngayon ay nasa taas na. Nagsisisi rin ako kung bakit naging matigas ang puso ko at hindi ko naipadama sa kanila ang pagmamahal at pagpapasalamat ko dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makita ang kagandahan ng mundo.

Kahit pa sandali ko lamang sila nakasama. Hindi ko rin maitatanggi na minsan ko ng sinisi ang Dyos kung bakit nagka ganito, bakit sa akin? Bakit ako?

Kinuha ko ang dalawang kandila mula sa supot at sinindihan. Nakatitig lamang ako sa kandila na tila sumasayaw dahil sa hangin. At sumasabay rin ang lungkot na nararamdaman ko hanggang ngayon.

Limang taon ang nakalipas simula ng nangyari ang trahedya, sa edad kong kinse, ay wala akong kaalam alam sa mga bagay bagay. Ang tanging kasama ko lamang ay ako. Aking sarili. Dahil kaming pamilya ay piniling tumira sa malayong lugar malayo sa aming mga kamag anak na galit sa aking mga magulang. At hindi ko alam kung bakit, at ano ang kanilang dahilan.

June 06, 2014
5:00AM

Nagising si June dahil sa bugso ng hangin na pumapasok sa nakabukas na bintana na naiwang hindi nakasara kagabi.

Sa itsura ng paligid ay mukhang may bagyong pararating, at mismo sa araw ng kaarawan nya at ng kanyang anak na mahimbing na natutulog sa kwarto nito katabi ng kanilang silid.

Dahan dahan syang bumangon sa kama at naglakad patungo sa bintana. Sinilip nya ang labas at madilim pa, isasarado na nya sana ang bintana ngunit nahagip ng kanyang paningin ang lalaking nakatayo mula sa di kalayuan sa kanilang bahay. Naka itim itong damit, pantalon at mataimtim na nakatingin sa kanyang gawi.

Kumunot ang kanyang noo at kinilabutan kaya't agad agad nayng sinara ang bintana at lumabas sa silid upang puntahan ang anak upang masiguro kung maayos lamang ang lagay nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 15, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon