Unang araw na kolehiyo na ako. Diko alam yung nararamdaman ko excited na kinakabahan sa mga taong makakasalamuha ko pag pasok ko sa private school.
Imagine ngayun lang ako mag-aaral sa school na prestigeous, pero swerte, kasama ko ang akin kaibigan na si Grace.
Pupuntahan ko na siya sa bahay nila kasi mabagal yun kumilos at baka ma-late pa kami.
By the way nasa middle class kami ni Grace hindi kami mayaman sadyang pinag pala kami sa utak pero walang ganda.
"Graceeeeee!!! Graceeeee!!! Gracee--"
"Psssssh! Shut up! Laki ng bunganga mo yung baba mo nanginginig na naman!"
"Mama mo nanginginig, tignan mo yan sarili mo mukha kang tae, saka yung buhok mo girl! Parang alambre suklay suklay din"
Bwisit!
Unggoy talaga tong babaeng to. Ewan ko kung bakit kinausap ko to nung Junior High kami.
"Manahimik kana ang dami mong sinasabi late na nga diba!?"
Aba aba ako pa yung may kasalanan akala mo maganda! Attitude si ate.
"Puro kasi kalandian kay James, kelan ka ba titigil kaka-fling mo. Alam mo di ko alam kung bakit kita naging kaibigan."
Sus ginoooooo ka talaga late na late na talaga kami, banas na banas na ako .
"Oa ka girl! Bellaaaaaa yung school isang tricycle at jeep lang wag kang tanga"
"Tumigil kana please sumakay na tayo, bilis na kasi parang tangaaa!"
Pinara ko na agad yung tricycle at sumakay. Inirapan pa ako ng bruha bago rin sumakay sa tricycle.
"Naiinis na ako sayo Grace parang gaga pa nga!"
"Paano yung inis? Patingin nga? HAHAHAHAHA"
Aba'y tinamaan ka talaga ng kademonyohan nito.
Hindi ko na siya pinansin hanggang makarating kami sa school.
"Bellaaa ganda ng school natin for sure daming gwapo dito."
Gumana na naman yung kalandian nito hay nako balik ko to sa tiyan ng nanay niya e!
"Alam ko may mata ako duhh! Hanapin na natin yung room 206 dun first subject natin"
Totoo naman maganda naman siya, halatang yayamanin ang mga nag aaral dito.
"Gagi buti nalang di tayo nag uniform mukha tayong tanga HAHAHA"
Bobo kasi si Grace buti nalang hindi ako naniwala sa mga katangahan niya.
"Bida-Bida ka kasi para kang si Jollibee, pasalamat ka saakin at may matalino kang kaibigan"
"Bobo naman sa math at sa pag ibig! HAHAHAHA"
Ako daw malaki bunganga kung maka- tawa nga siya kita ko na yung laman loob niya.
"Nakakatawa yun?"
Yung gaga tumawa nalang ng tumawa habang nag lalakad.
"Grace ito na yung room ma-una kana pumasok tae late na tayo"
"Siraulo ikaw na, girl hindi ako bobo para mag pauto sayo mauna kana"
"Parang siraulo naman to e! Ang dami na nila sa loob! Badtrip kupad mo kasi kumilos hayop ka!"
YOU ARE READING
The Obsession
Teen FictionLahat tayo may inner obsession, yung iba ayaw aminin, yung iba hindi nila napapansin, yung iba ayaw tanggapin. This story is about knowing different types of obsession. Kung curious ka at baka isa ka sa kanila mabuting basahin mo to hanggang dulo. H...