Kabanata 1: Pagsubok Laban sa mga Bulok

8 1 0
                                    

Wala ako tunog na makalap, madilim ang aking paningin, at mukhang nakahiga ako sa malamig na aspalto. Nararamdaman kong may humahatak sa aking damit, dahilan upang pilitin kong imulat ang aking mga mata.

"Hoy, bilisan mo! Nagdala nang mga tangke ang mga tiga-kampo. Kailangan na natin magtago! 'Di nagtagumpay ang rebulusyon!"

Ito ang huling sinabi ng aking kasama bago siya paulanan ng mga balang galing sa armas ng mga pasista.

Sinubukan kong tumayo at tumakbo. Kaliwa't kanan kong nakikita ang aking mga kasama na namamatay. Mga taong naliligo sa sarili nilang mga dugo na hinaluan ng mga dugo galing sa kanilang mga kaibigan, kapamilya, o kasintahan na nawalan rin ng buhay. 'Di ko makakalimutan ang sigaw at iyak nila habang pinagbabaril kaming mga sa tingin nila'y dapat na mawala sa mundo. Kami'y tila mga karaniwang tao ng lipunan na nagsawa; nagsawa sa pagtitiis at pagsasawalang-bahala nila sa aming mga sigaw ng pakikibaka at reporma.

Nagulat na lamang ako na mayroong humarang na truck ng militar at hinuli kaming natitira sa daan. Tinamaan pa ako ng pwet ng baril na naging dahilan upang muling dumilim ang aking tingin.

Nalaman ko na lang na tuloy ang rehime ng mga Pasista sa aming Inang Bayan na makakaranas muli ng pamumuno sa ilalim ng kamay na bakal.

"Aba, gising ka na! Socrates Ignacio, estudyante ng Pambansang Unibersidad? Well, according to our files, ikaw ay nag-aaral ng Philosophy at Political Science simula noong 2021 pa. No wonder para kang Tasyong Baliw at panatiko. Sa loob pa ng isang taon ah! Hay nako, pero pagbibigyan kita. Aminin mong nagkamali ka, isa kang kommunista, at terorista laban sa ating bayan. 'Yun lang at bukod pa sa pagsasabi sa anong nalalaman mo sa iyong organisasyon," paliwanag ng gagong militar.

Kinulong nila ako sa seldang bulok ba halos walang kagamitan tulad ng higaan o maski bintanang magpapakita sa akin ng sinag-araw. Manipis ang mga pader ng mga silid at maririnig mo ang mga iba't ibang kababalaghan ng sistema. Para lang kaming mga hayop at peste sa kanila.

"Kainlanman, hindi ako magsasalita. Puro kayo pangako mga gago!" sinagot kong pabalik bago dumura.

"Grabe ka talagang putangina ka! Kasing tigas rin ng ulo mo mga gagong kasama mo! Tignan na lang natin kung tatagal ka."

Iniwan nila ako at sa susunod na mga araw ay binubog nang walang sawa, pinahiga sa yelo, at tuloy ang interoggation. Kaysa bumigay ang aking loob, mas lalo pinanindigan ko ang aking mga paniniwala at dahilan laban sa kanila. Dapat matuloy ang laban, at dapat bumagsak ang sistema.

"Bumigay ka na Socrates kung matalinong bata ka talaga. Sabihin mo lang ang nalalaman mo at finish na. Simpleng gawain lang naman," salita ulit ng mga ulupong na mala demonyo tumawa.

"Tangina niyo! Prinsipyo muna hindi mga partido niyo! Bayan muna bago ang sarili!"

"Ah, ganyan pa rin? Walang kinabukasan ito. Patayin niyo sarge kapag lumaban."

"Sir, yes sir!"

Milagro na siguring hindi ako binaril at tinapon kung saan. Binalik lang ako sa selda at nanatili roon sa loob ng anim na buwan. Pagkalabas ko, humanap ulit ako ng daan pabalik sa pakikibaka upang ipagpatuloy ang laban sa rehimeng Pasista ni Duterte. Isang taon na kami naghahanda ng coalition para lusubin ang mga kampo-militar na maghuhudyat ng bagong rebulusyon.

Pangako ko na 'di na mauulit ang nangyari noong 2022. Mabuhay ang rebulusyon! Ibagsak si Duterte at ang kanyang mga kasabwat! At sa huli, mabuhay ang Bagong Republika ng Pilipinas!

Mga Mapang-api Na Hari-harian ng LipunanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon