ONE SHOT

425 17 9
                                    

Maulan na tanghali, pumara ang isang tricycle sa isa'ng lumang bahay na may dalawang palapag at kahit batid na ang kalumaan nito, bumawi naman ito sa mga makukukay at buhay na buhay na halamanan mula sa labas hanggang sa loob na palibot ng bahay.

Bumaba si Jim sa tricycle at agad na binuksan ang payong para isuong kay Janella na bababa rin ng tricycle.

"Bayad ho," iniabot ni Janella ang bayad sa matanda'ng tricycle driver.

Inalalayan ni Jim ang kasintahan patawid sa rumaragasa'ng ulan. Halos tunawin na sila sa mga titig ng mga tao roon.

May iba'ng kinikilig, yung iba naman ay naiinggit sa ka-sweet-an ng dalawa.

Agad na pumindot sa door bell si Jim at kahit pinapayungan si Janella, ay nakahawak pa ang isa'ng kamay sa kamay ng dalaga. Masasabi'ng lulong sila sa pagmamahalan.

Bumukas ang pinto at isa'ng ginang na may suot na salamin at itim na blusa ang lumabas.

"Jim, anak!" bati nito kay Jim at bineso ang matagal na nawalay na anak. May katandaan na ito, pansin narin ang mga kulubot na nakapalibot sa mga mata nito.

Pero ang mainit na pagbati ay hindi naibigay kay Janella.

Binigyan nya lang ito ng matalim na tingin at peke'ng ngiti. Pansin ni Janella 'yun at alam nya'ng wala rin sya'ng magagawa kundi pagpasensyahan ang matanda.

Hinigpitan naman ni Jim ang pagkakahawak sa kamay ng kasintahan tila alam ang kaba na nararamdaman nito.

Sabay sila'ng pumasok sa loob at isa'ng lalaki'ng nakasuot ng simple'ng t-shirt at tokong ang bumulagta sa kanila at masama ang tingin sa dalawa na animo'y mga kriminal.

"Sino 'yan, Jim?" tanong nito na may halo'ng pangmamata ang titig kay Janella, na mas lalo'ng nagpakaba sa dalaga.

"Pa, mano po," lalapit sana si Jim para magbigay galang pero inilayo ito ng ama.

"Jim, sino 'yan!" tumaas ang tono nya at halos manliit si Janella sa titig ng ama ni Jim. Hinawakan ni Jim ang likod ng dalaga at pilit na ngumiti sa ama.

"Pa, si Janella po, ang... Mapapangasawa ko." halos manlaki ang mata ng mag-asawa sa sinabi ng anak at binigyan ng masama'ng tingin si Janella.

"'Yan? Anak naman, napakarami'ng babae sa tabi-tabi, bakit iyan pa?" sabat ng ina habang dinuduro-duro pa si Janella na sya'ng ikinasama ng loob ni Jim, lalo na ni Janella.

"Ma, 'wag ka naman po ganyan kay Janella," hinawakan nito ang kamay ng dalaga. At si Jim naman ang nanliliit dahil sa inaasta ng magulang sa babae'ng mahal nya.

"Jim, pinag-aral kita sa Maynila hindi para pumatol sa mga babae'ng basta-basta lang," panunumbat ng ama na ikinasama lalo ng loob ni Jim.

"Pa, mahal ko si Janella, hindi nyo pa po sya kilala kaya nyo lang nasasabi--"

"'Yun na nga Jim, hindi pa namin sya kilala pero, pakakasalan mo na! Ni, hindi kami nakaranas mamanhikan! Anak, bata ka pa, marami ka pa'ng makikilala dyang mas bagay sa'yo." litanya ng ina nya na para ba'ng wala si Janella sa harap nila. Kulang nalang ay hilingin ni Janella na lamunin na ng lupa sa panliliit ng magulang ng kasintahan. Lalo na't wala sya'ng magagawa kundi tanggapin lahat ng masasakit na salita'ng binabato sa kanya kahit tagus-tagusan ang sakit.

"Ma!" hindi na naiwasa'ng mapalakas ang tono ng binata na ikinagalit ng ama.

"Sinisigawan mo na kami ng mama mo? Tignan mo nagagawa ng babae'ng 'yan sa'yo, 'di ka naman ganyan dati--" Napabuntong-hininga si Jim, nagsisisi na sana hindi nya nalang nasigawan ng ina, dahil mas nabigyan lang ng bago'ng pintas si Janella.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever ExistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon