"Ate?" I suddenly wiped my tears when i heard a knock. "Are you awake?" Si Lexi.I hugged my pillow tightly and pretend to be asleep. I don't want them to see me crying and weak.
Narinig kong bumukas ang pinto ng aking kwarto. For sure it's Alexi.
"Ate, i know you're not asleep." Naramdaman kong umupo ito sa gilid ng kama ko. Bumuntong hininga ito at narinig ko nalang na humihikbi na siya. Bumangon agad ako sa kama at inalo siya.
"Hey, why are you crying?" Bigla niya akong niyakap at siniksik ang ulo sa aking balikat.
"Hindi ako sanay na nagkukulong ka lang dito sa kwarto Ate! Mas gugustuhin kong palagi mo akong inaaway kaysa makita kang ganito! Don't be like this please." Pinigilan ko ang sarili kong umiyak.
I suddenly feel guilty, i don't even think that there are people who cares about me. Iniisip ko lang ang sarili ko hindi ko alam na may nasasaktan na din pala sa mga inaasal ko. Nasasaktan na pala yung pamilya at mga kaibigan ko.
Niyakap ko si Alexi at tinahan, pinunasan ko ang mga mata nito. "Wag kana umiyak. Magbihis ka, aalis tayo."
Napaangat ang tingin nito saakin. "Talaga?" Tumango ako. Dali dali siyang tumayo at umalis sa kwarto ko.
Pumunta naman ako sa banyo at naligo.
Pagtapos maligo ay nagsuot ako ng isang high waisted jeans, sando top, cardigan at birkenstock. Just a simple ootd.
Pumunta ako sa make-up desk ko at tinignan ang sarili. I have this tanned skin, exact eyebrows, chinky eyes, good shape of nose and a reddish lips. Mas lalong lumiit ang mata ko dahil namamaga ito. Pag nakita to ni Kuya ay magagalit saakin yon. Lalong lalo na si Jandrei, baka puntahan niya si Edric at bugbugin.
Kaya ayokong lumabas ng kwarto sa buong linggo nato kase ayoko makita ako ng mga kapatid ko na miserable. Pinaka ayoko sa lahat yung kinakaawaan ako.
Nagsuot ako ng clear eyeglasses na walang grado, iniisip na matatakpan ang maga kong mata. Tsk bahala na! Kinuha ko ang isang sling bag at lumabas ng kwarto. Buti nalang umalis si Kuya at Jandrei, di nila ko makikita.
Di naman kase talaga ako lumalabas sa kwarto simula nung nalaman kong niloko ako ni Edric, hindi din pumapasok sila Kuya at Jandrei sa kwarto dahil ayoko. Baka kase pagsabihan ako ng mga yon, ayoko muna makarinig ng sermon, ayoko munang ipamukha saakin na tanga ako. Si Alexi lang ang nakakapasok at mga kasambahay para magdala ng kakainin ko.
Lumabas si Lexi sa kwarto niya at agad humawak sa braso ko.
"Ate parating na daw sila Kuya! Halika na dali!"
Hinila niya ako pababa ng hagdan at paglabas namin pumasok agad sa kotseng nakahanda sa labas.
"Saan kayo ma'am?" Tanong ng driver namin tumingin si Lexi saakin, nagtatanong ang mga mata kung saan ba pupunta.
"Sa mall kuya." Tumango ang driver at pinaandar na ang kotse.
"Magpagupit tayo ate!" Kinunutan ko siya ng noo, niyayaya niya ba akong magpagupit para magmukhang naka move-on? Puwes, sige magpapagupit ako!
"Sige, maikli aken." Tumawa ito at pumalakpak pa.
Tuwang tuwa siya kase hinahayaan ko siya sa gusto niya ngayon huh?
Pagka park ng kotse sa tapat ng mall ay agad kaming bumaba, tamad naman akong lumakad. Hindi ko alam bakit ko naisipan na pumuntang mall. Siguro nagsasawa na din kasi ako sa kwarto kakaiyak. Maybe I don't want to drown myself in the sadness anymore. Tama na yung isang linggo.
BINABASA MO ANG
Into You
RomanceThis is my first story guys, hope you like it! Sorry kung may wrong grammar man oh typos. Im not really good in English.