"INSANNNNNNNN!" nakakabinging sigaw ni Hurt mula sa banyo.
"Ano ba iyon?" Takang tanong sa kanya ni Collexayn.
"Paki kuha ng towel ko sa kwarto" utos sa kanya ng pinsan niya.
Kamot-batok na tinahak ni Collexayn ang kwarto ng pinsan niya.
Siya si Collexayn C. Bangit, 17 years old na nakatira sa montalban Rizal.
Wala na siyang pamilya, only child lang rin siya. Tanging ang pinsan nalang niya ang kasama niya na si Hurtisha C. Bautista. Wala naring pamilya ito, magka kasama ang mga magulang nila sa trabaho sa isang pabrika ngunit isang araw ay natagpuan na lamang ang mga katawan ng pamilya nila na patay na dahil daw nasunog ang pabrikang pinag t-trabuhan ng mga ito. Gaya ni Collexayn ay only child rin si Hurtisha."Oh ayan na" pabatong ibinigay ni Collexayn ang towel ng kan'yang pinsan.
Nang maibigay ni Collexayn ang towel ay agad siyang pumunta sa sala upang masuot na ang sapatos niya.
"Insan, aalis na ako! Bye!" Wika ni Collexayn at mabilis na lumabas sa apartment nila ni Hurtisha.
Nangungupahan sila sa isang apartment na medyo Malaki, two story ito. Dito nila napiling maniharan Simula nung mamatay ang mga magulang nila.
"Hays buti nalang hindi ako na abutan ni Insan" wika ni Collexayn sa sarili habang naglalakad.
Plano kasi nilang pumunta sa bahay ng nag-iisa nilang kaibigan na si Zaiahmantha Sturm,ka- arawan kasi nito.
"Hoy xayn, bakit hindi mo ako hinintay!" Biglang sulpot ni Hurt at humihingal pa na sabi niya.
‘ugh ang bilis naman niya!’ani Collexayn sa kanyang isip
"Ang bagal mo kasi kumilos e" pagdadahilan ni Collexayn
"E,bakit ba nagmamadali ka?wag mong sabihin na excited ka sa party?" Inis na tanong ni Hurt
‘hindi naman ako excited sa party e! Kaninang umaga pa kaya yung party at malamang tapos na yon!’wika ni Xayn sa kanyang isip
"Baka kasi mauubusan ako ng Shanghai e!" Ani Xayn at ipinadyak pa ang kanyang paa
"Aray!" Usal ni Xayn ng pitikin ni Hurt ang noo niya.
"Isip bata ka talaga! Tara na nga!" Wika ni Hurt at nagsimula na maglakad.
Walang nagawa si Xayn at sumunod nalang sa pinsan niya.
Nang makarating si Xayn at Hurt sa bahay nila Zaiahmantha ay agad nilang binati ito.
"Happy birthday sis!" Pagbati ni Hurt at binigay kay Zaiahmantha ang kanyang regalo
"Salamat sis!" Sagot naman ni Zaiahmantha
Lumapit naman si xayn sa kanya tsaka siya binati
"Hi Zaiahmantha happy birthday!" Masayang bati ni Xayn
"Thank you!" Ani Zaiahmantha at niyakap ito
"Insan diba sabi ko Zaiah nalang ang itawag mo sa kanya?" Wika ni Hurt sa pinsan
Bumitaw sa yakap si Xayn tsaka nag peace sign, umirap lang si Hurt.
Matapos nilang batiin si Zaiah ay pumasok sila sa loob ng kwarto nito.
Sa kwarto sila pumasok dahil tapos na nga ang party,gabi na kasi
"Dito muna kayo ha? Kakausapin ko lang si Manang"ani Zaiah tsaka iniwan ang mga kaibigan
"Insan punta muna ako sa CR ha?" Pa alam naman ni Xayn, tumango lang si Hurt bilang sagot.
"Asan ba kasi yung CR nila?" Wika ni Xayn sa sarili dahil kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng bahay nila Zaiah.
Babalik na sana siya na kwarto ngunit biglang nahulog ang barya niyang limampiso tsaka gumulong palabas ng bahay kaya hinabol ito ni Xayn.
Hindi parin humihinto kakagulong ang limang pisong buo hanggang sa makarating ito sa kalsada.
Saktong huminto ito sa gitna ng kalsada kaya nilapitan ito ni Xayn
Saktong pagdampot ni Xayn sa barya ang siyang pag bangga naman ng itim sa kotse sa kanya
Nawalan ng Malay si Xayn at natumba
"Shit Geib naka bangga ka!" Ani ng lalaking pula ang buhok.
Binuhat ng dalawang lalaki si Xayn tsaka Pinasok sa kotse at hinanurot ng mabilis ang sasakyan papuntang hospital.